CELESTINES POV
Tanghali na ata akong nagising dahil kapansin pansin ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa balat ko.
Mas nauna saakin nagising si ella dahil wala na siya sa tabi ko. Hays,naalala ko nanaman ang pangyayari kagabi. Napailing nalamang ako.
Inihanda ko na ang sarili ko. Dala na ng ilang linggong pamamalagi ko rito ay nasanay na ako sa araw araw Kong ginagawa.
Hindi rin ako nagtagal at bumaba na ako. Nagulat ako ng makitang maraming tao sa baba. At mas lalo akong nagulat ng nakatingin silang lahat saakin.
Hindi ko magawang maihakbang ang aking paa dahil sa hiya. May pinag uusapan ata sila tapos naagaw ko ata atensyon nila.
Tatalikod na sana ako ng biglang may tumawag ng pangalan ko. "Celestine" isang boses na parang matipuno ang siyang nagsalita.
"Halika na rito sa baba ija," Boses naman ng isa pang babae na sa pagkakaalam ko ay hindi boses ni Tita Estella.
Dahan dahan akong humarap sa kanila. Nakatungo ako na bumaba ng hagdan.
Nang marating ko na ang hagdan ay ramdam ko parin ang mga tingin nila. Damn! I hate this feeling.
"Siya na ba yan?" Narinig ko muli ang boses ng babae na kanina'y nagsalita.
"Wala ng iba." Sa pagkakataong ito ay narinig ko na ang boses ni Tito Rico na para bang ipinagmamalaki ako.
"Haha. Para kang ang iyong ina ija,mahiyain" dinig kong salita ulit ng babae kanina.
Pinaupo na nila ako at maging sila ay ganun din. Hinanap ng paningin ko sila Ella, migo at maging si Eithan pero mukhang wala sila. Asan sila bat di ata ako nila sinama? Hays.
Napansin ko ang pagtingin nila sa aking kwintas. "Totoo nga,so kamusta kana ija." Hindi ako makapagsalita. Hindi ba nila napapansin na naiilang ako at medyo natatakot sakanila.
Hinawakan ni Tita Estella ang aking kamay at nginitian ako. Buti pa si tita,pinapakalma niya ako gamit lang ang ngiti niya.
"Relax ija,hindi kanaman namin sasaktan. Ako si Martha,kapatid ko ang iyong ina na si Celestina." Doon lamang ako nakaramdam ng pagkapanatag sa kaniya.
Ginawaran niya ako ng yakap."I'm glad that you're fine now and your still alive."
Nakita ko ang pagngiti ni Tita Estella saakin. Hinagod ko ang likod ng nagpakilala saaking Martha na kapatid daw ng aking ina na si Celestina.
Nagkalas din kami agad ng pagkakayakap. "At ako naman si Gregorio. Asawa ni Martha." Pagpapakilala ng kaninang lalaki na nagsalita.
Iniwan kami nila Tito Rico at Tita Estella para raw makapag usap.
Ramdam ko ang tingin ni Tito gregorio sa aking kwintas kaya naman kinuha ko iyon at ipinailalim sa aking damit.
"Masaya akong makitang buhay ang anak ng aking kapatid." Halos maluha luha si Tita Martha. "Kamukha mo nga kung tutuusin ang kapatid ko." Hindi ko pa ata nakikita si ina kaya naman ang hirap I distinguish ng mukha ni ina.
"How's your necklace ija?" Napalingon ako Kay Tito gregorio na nililikot ang kaniyang kamay. "Good" tipid Kong sagot. Hindi naman siguro ako tanga para dimalaman na may something to him na nakakonekta sa aking kwintas.
"Martha bakit ba hindi mo na sabihin sa kaniya na isasama na natin siya saatin." Napaatras na ako sa narinig ko. Nakita kong nabigla rin saakin si Tita Martha.
"B-bakit celestine,h-hindi kaba sasama samin?" Tita Martha
Umiling ako,hindi hindi ako sa kanila sasama. Hindi maaaring iwan ko dito sila Tito Rico at Tita Estella.
"Hindi papayag ang Magic council ija,si Martha nalang ang natitira mong kamag anak,sa amin parin ang bags-"
"Hindi! Ayokong sumama sainyo" wala sariling nagsalita ako.
Napatingin ako sa Mata ni Tita Martha na parang nagsusumamong sumama ako.
"Pero hindi rin ako papayag na hindi ka saamin mapupunta!" Nabigla ako sa pagsigaw na yon ni Tito gregorio. Pumasok sila tita Estella at Tito Rico at nagpunta sa panig ko. Nakita ko naman si Tita Martha na tumayo para lapitan si Tito Rico.
"Rico!Bakit mo naman sinisigawan si Celestine?" Mahinahong tanong ni Tito Rico.
"H-hindi sinasadya ng a-asawa ko." Mukhang si Tita Martha pa ang hihingi ngayon ng tawad."patawad halika na Greg uuwi na tayo."hays
Bago pa sila makalabas ng pinto ay tumigil si Tito gregorio at nagsalita."makakarating ito sa magic council." Mahina pero alam mong nagbabanta siya.
Nakaalis na sila,yakap ang ginawad ni Tita Estella sakin. "Are you okay?" Nag aalang tanong niya.
Tumango nalamang ako. Ano kayang problema ni Tito gregorio at gustong gusto niyang makuha ako?
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Novela JuvenilThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....