CHAPTER 9 ANG BAYAN NG PELISON

192 9 0
                                        

CELESTINE'S POV

Namulat ang aking Mata dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa aking balat. Nag uunat ako ng marinig ang katok sa pintuan.

Natataranta akong bumangon dahil nakakahiya naman kung haharap ako sa kanila ng ganito ang itsura ko.

"Sandali la-"

Halos manlaki ang Mata ko dahil binuksan agad ang pintuan at isang lalaki ang inulawa nito.

"Bakit nandito kana? Maaari mo naman akong hintayin sa labas ah." Salita ko habang tinatakpan ko ang bibig ko.

"Haha. Hindi na ako makapag intay e. Sorry." Natatawa niyang sabi.

Lumapit pa siya sa higaan ko kaya naman napapaatras nalamang ako ng kaunti kasama pa ang titig niya saakin. "W-wag mo nga akong tingnan."

Hindi parin naman siya natinag sa pagtingin sa akin at mukhang naiilang ako. "Magbihis kana at mag almusal sa baba then later on,sasamahan kita sa pag lilibot ng buong bayan ng Pelison."

"Ha?ikaw lang?asan si ella?" I asked.

Lumayo naman na siya saakin kaya naman nakaramdam ako ng maayos.

I heard his heavy sighed. "wala si ella ngayon,kasama siya ng kaniyang kapatid na si eithan dahil may pagpupulong na magaganap sa buong magical city. Ayaw mo ata akong makasama e." Bigla ko naman siyang tiningnan like what's that boy?

"Sige na iintayin na lamang kita sa baba." Tas umalis na siya.

Ako naman ay nag handa na,binuksan ko ang malaking kabinet at punong puno ito ng damit,hindi ko naman maiwasan ang mamangha.

Napansin ko ang isang dress na floral. Noong Una ay ayaw ko pa yon isuot dahil wala naman akong hilig sa ganun pero sinubukan ko na din. Sabi kasi ng ina ni ella ay kailangan ko ng mas maayos tingnan dahil haharap daw ako ng bayan ng Pelison.

Pagkatapos ko naman sa paghahanda sa sarili ko ay bumaba nadin agad ako. Muntik pa akong maligaw dahil sa lawak ng mala palasyong bahay nila ella,mabuti nanga lang at nakasalubong ko si Migo na paakyat daw ulit kasi antagal ko daw.

Kumain ako kasabay si migo. Hindi na ako nagulat na wala ang iba kasi nga may meeting ngayon ang buong magical city.

Hindi rin naman ako nagtagal sa pagkain at maging si migo ay ganun din,pagkatapos naming kumain ay mabilis kaming umalis at nag umpisa ng maglibot.

Hindi ko maiwasang mamangha. Ang ganda nga pala talaga ng bayan ng Pelison.

Una naming pinuntahan ay ang mga pamilihan. Kung saan kapangyarihan na nila ang ginagamit nila sa pagpatakbo ng kabuhayn nila.

Mataman akong nakatingin sa isang klase ng hayop,tinitigan ko iyon at iniisip ko ay titigan ko lamang yon ay matutusta na. Pero pinigilan ko ang sarili ko,baka hindi pwede.

"Go ahead Celestine. Besides,gusto Kong makita ang kapangyarihan Mo."

Hindi naman na ako nahiya at hinawakan ko ang manok na nasa harap ko.

Sa paghawak ko sa manok na yon ay unti-unti itong natutusta. Tumagal iyon ng five minutes.

Hindi ko napansin pero nakatingin pala saakin ang mga tai na naroroon.

Mabilis na kinuha ni Migo ang manok na niluto ko gamit ang apoy na nagmula sa kamay ko.

Tuwang tuwa siyang kinain yon at paborito niya raw yun lalo pag toasted talaga.

Kung saan saan pa ako dinala ni migo. Naagaw naman ng aking atensyon ang isang grupo ng kababaihan na nagsasayaw na may mga hawak na bulaklak.

Masaya ko itong pinagmamasdan. Dati rati si arah at rica lang ang nagsasayaw sa harapan ko pagka ang malungkot ako.

Speaking of them,I really miss them. Kamusta na kaya sila."Mukhang malalim ang iniisip mo ah."

Napatingin ako kay Migo na seryosong nanonood ng mga nagsasayaw.

"Namimiss ko lang sila."

Tumango tango lang naman siya. Nagulat ako ng hatakin niya ako papunta sa mga nagsasayaw.

"N-no hindi a-ako maalam sumayaw." Pagpipigil ko sa kaniya.

Huli na dahil napapagitnaan na kami ng mga sumasayaw.

Napatingin ako sa mga sumasayaw pagkatapos ay kay migo. Hindi ko maintindihan pero sobrang bait naman ata niya saakin.

"Sayaw na abah." Namula ako bigla. Hindi ako maalam sumayaw.

"P-pero di ako m-marunong"

Wala din naman ako nagawa. Sumayaw nalang din ako. Sabi ni migo ay palaging merong ganito sa bayan nila.

Nakakatuwa naman kasi kahit papaano nasasanay na ako sa bayan nila.

Pagkatapos naming sumayaw ay inaya na ako ni Migo sa isang burol kung saan makikita namin ang kasunod na bayan ng Pelison,ang bayan namin.

"Celestine,would you mind kung ipapakita ko sayo ang kapangyarihan ko?"

Napatingin ako sa kaniya,bakit nagpapaalam siya?

Tango nalang ang isinagot ko. Gumilid ako dahil hindi ko alam kung ano ang kapangyarihan niya,unlike Eithan na nakita ko na ang kapangyarihan niya. Ang yelo.

Napaatras pa ako lalo,ang langit ay nagsisimula ng dumilim,unti unti itong nagkakaroon ng mga nakakatakot na guhit. Hanggang sa nasundan pa ito ng marami at malalaki.

Nakakamangha ang kaniyang kapangyarihang taglay.

"Amazed?"

Tanong niya ng inihinto niya ang pagpapakita niya ng kapangyarihan niya. Ito ay ang kidlat.

Heriya:The Lost Magical CityStories to obsess over. Discover now