CHAPTER 7 WELCOME TO THE PELISON CELESTINE!

195 8 0
                                    

CELESTINE'S POV

Mataas na ang sikat ng araw,ngunit wala parin ang nasabing susundo saakin. Marahil ay nagbago na ang kanilang isip o dikaya niloloko lang nila kami.

"Basta anak ha,wag mo kami masyadong isipin."bilin ni ina saakin."Ate,palagi mo kaming bibisitahin ha."sumisigok na bilin naman ni arah.

"Oo naman,bibisitahin ko kayo rito nila ina at rica. Basta pagbubutihan mo ang pag aaral mo ha." At ako naman ang nagbilin Kay arah.

Samantala si rica naman nakatago lang sa gilid ni ina at kanina pang ayaw akong kausapin. Lumuhod naman ako para maging kapantay niya."Rica,payag kaba na umalis si ate tapos galit ka sa kaniya?"pag tatanong ko sa kaniya at nailing iling naman siya.

"Ayaw syempre. Madaya lang kase si ate. Pero sige nanga okay lang saakin basta bibisitahin mo kami palagi." At last,nakita Kong muli ang ngiti nya.

Sakto naman at dumating na ang mga sundo. Yumakap ulit ako ng mahigpit sa kanila bago umalis.

"Mag iingat ka anak!" Dinig kong sigaw ni ina kahit na nasa malayo na ako.

Dala-dala ko ang isang bag na nagsisilbing lagayan ng mga damit ko. At syempre ang aking palaso ay kasama ko rin.

"Nasaan na si Boss Eithan?" Dinig kong naghahanap ang isang kawal na sumundo saakin.

Marahil ay nadala ako ng pagka curios kaya naman tiningnan ko ang kasamahan ko. Sinong Eithan ba hinahanap nila?

"Andito lang siya kanina diba?nasan na siya? Kailangan na agad nating makarating sa Pelison kung hindi pare-pareho tayong mapapagalitan nila Madam Estella at Sir Liro." Napapansin ko ang pagka taranta sa kanila.

Hindi ata kami dadaan sa mismong daan tungo sa kanila. Marahil ay gagamit sila ng mahika para sa mabilisang pagdating sa kanilang bayan. Sabagay,last na nagpunta ako nung inihatid ko si ella ay talaga namang napaka layo sa katotohanan.

Teka,asan nanga ba yung boss daw nilang Eithan na yon?

"At bakit niyo ako hinahanap?" Nagulat ako ng biglang may sumulpot na isang lalaki.

Saglit akong napatingin sa kaniya at ganun din siya saakin. Nag iwas nalang agad ako ng tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko ay hindi ako komportableng titigan siya.

"So,is that her? The girl on fire?" He asked. Tumango naman ang mga kawal.

"Boss Eithan kailangan na po nating makabalik sa Pelison. Pihadong hinahanap na po tayo ng inyong ina." Natatarantang salita ng kawal. Ngunit ang lalaking pinangalanang Eithan ay hindi nakikinig sa kawal.

Ano bang meron sa lalaking ito at hindi kami makaalis alis ng dahil sa kaniya."Balita ko malakas ka raw?" Pagtatanong niya habang umiikot sa kinatatayuan ko.

Hindi ko magawang magsalita dahil pakiramdam ko Maya Maya lang kakainin na niya ako ng buhay.

"Well,gusto kitang makalaban." Nanlaki ang Mata ko sa narinig ko. Seryoso ba sya o baka naman nagbibiro lang siya.

"Pero boss Eithan kabilinbilinan ng inyong ama at ina ay dalhi-"

"Shut up! I don't need your fucking words!" Nagulat ako sa ginawa niya,kahit naman kawal lang ang mga kasama namin ngayon pero diba mas matatanda yon sa kaniya? Bakit Hindi niya igalang yon?

"Lalaban kaba o gusto mong pilitin pakitang labanan talaga ako?" Minsan naiisip ko may saltik kaya sa kokote itong lalaking nagsasalita sa harap ko.

"Okay fine." Yan nalamang ang lumabas sa bibig ko. Ang ibang mga kawal ay nagulat sa naging sagot ko.

"In one condition." I said. Mukhang naging interesado siya dahil sa ngiti na gumuhit sa kaniyang labi."What is it the girl on fire?" Nakakaloko niyang tanong.

Tiningan ko muna ang mga kawal na kasama namin. "Sa oras na manalo ako,igagalang mo ang lahat ng kawal sa bayan niyo." Mapanghamon kong kondisyon sa kaniya.

"Hahaha! Are you kidding me? But okay,deal." Tamo may saltik talaga sa utak tong mokong na toh.

Mabilis siyang umatras papalayo saakin,at ang bag ko naman ay binigay ko muna sa kawal. Naiiling nalang sila ngunit wala silang magawa.

Hindi ko pa alam ang kapangyarihan niya ngunit nakakasigurado akong hindi ito bastabasta.

"May one condition ka diba? Maaari bang wala akong condition? Hindi naman ako makapapayag!" Sumilay nanaman ang nakakalokong ngiti niya sa labi

Humanda naman ako at hinawakan ng maigi ang palaso ko. "If I win in this battle,hindi kana sasama saamin sa bayan namin. Yon lang." Mas hinigpitan ko pa ang hawak sa palaso ko,this time I felt nervous and mix emotions. Pero kailangan Kong manalo without hurting him.

"Deal." Sabi ko at nag simula na ang laban.

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now