CELESTINE'S POV
Ang tahimik sa loob ng kwarto. Walang nambabasag ng katahimikan. Kagigising ko lamang at masakit parin ang ulo ko.
"Celestine...." Napalingon ako kay Kay Tito Rico ang ama ni ella.
Nayukom ko ang aking kamay. "Sino po si Celestina?" Mahinahon Kong tanong sa kanila.
Huminga siya ng malalim,wala rito si ella at tanging kami lang ng kaniyang ina at ama ang naririto.
"Hindi ko toh alam kung paano uumpisahan pero siguro dapat ay malaman mo na rin ito kahit papaano."
Nakikinig lamang ako na para bang mamaya lang ay tutulo na ang luha ko.
Nagkatinginan pa si Tito Carlo at Tita Estella sinuklian yon ng ngiti ni Tita ella.
"Magkababata kami ng iyong ama,magkasama kami palagi,sa anumang misyon at pati na sa pamamalakad ng bayan ng Heriya."
Pero bakit? Bakit diniya sinabi at bakit wala akong maaalala?
"Nang gabing sinunog ang buong bayan ng Heriya ay wala kami noon at naiwan ang iyong ama kasama ka. Ako ay nagkataon na nasa misyon noon. Matapos ko yon mabalitaan ay bumalik agad ako. Pero huli na,hindi kita makita at tanging ang iyong ama na puros dugo ang katawan."
Ang natatandaan ko noon ay iniwan ako ni ama sa may malaking gate ng isang bayan. Yun ay ang bayan nila ina.
"Bago siya nawalan ng hininga noon ay sinabi niyang kaya siya bumalik ng Heriya ay upang iligtas ang bayan niya,ngunit hindi nya kinaya. Sinabi niya rin saamin noon na buhay kapa,pero dinala ka sa isang bayan,ang bayan na tinuluyan mo ng ilang taon. "
Si ama...... Bakit niya yon ginawa? Pwede naman kami noong tumakas pero dinya ginawa.
"Ipinangako ko na hahanapin ka namin kahit na anong mangyari. Ibabalik namin ang inyong bayan."
Hindi ko na matiis,parang may kulang sa mga sinasabi niya. "Celestina?" Wala sa sarili kong tanong sa kanila.
Napatingin si Tita Estella at sa pagkakataong iyon ay si Tito naman ang ngumiti.
"Hindi mo talaga tunay na pamilya ang nakasama mo ng ilang taon. Nag iisa kalang na anak ni Celestina at Arman."
Nakaramdam ako ng likido na unti unting dumadausdos sa gilid ng Mata ko.
"At hindi rin siguro isang pangkaraniwang tao ang iyong kinilalang ina celestine. Nagawa niyang mag alis ng ilang alaala saiyong pagkatao."
Tinakluban ko na ang tainga ko. Umiiyak ako,bakit? Bakit di sinabi saakin ni ina yon? Mas maiintindihan ko siguro siya kung sinabi niya ang dahilan niya kung bakit ginawa niya yon saakin.
Dahil sa kalungkutan ko ay nagpaiwan na ako sa kwarto. Gusto kong mapag isa. Gusto kong maabsorb ng utak ko kung ano talaga yung sinabi nila.
Nakasandal lang ako sa headboard ng hinihigaan ko. Mabibigat na hininga ang aking pinakakawalan.
Hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Pero bakit naman hinayaan ako rito ni ina? Bakit siya pumayag na dito ako para mapalakas ang aking kapangyarihan?
Bumukas ang pintuan ng kwarto kung nasaan ako. Mabilis Kong pinunas ng aking kamay ang luhang walang tigil na umaagos.
"May I come in?" Malambing niyang tanong. Tumango na lamang ako para sa sagot ko.
Yakap agad ang binigay niya saakin pagkapasok niya kaya umiyak na akong muli.
"I'm sorry celestine." Sabi niya habang mahigpit parin ang pagkakayakap niya.
"Kung hindi ko sana pinilit sila ina at ama na dito ka patirahin ay baka sana hindi ka ngayon na sasaktan ng ganito."
Kung nasusuntok lang yung luha kanina ko pang nagawa. Hindi na kasi tumigil at Panay parin ang agos.
Nagkalas na kami sa pagkakayakap at hinarap na niya ako. Pinunas ko ang luha na walang tigil sa pagpatak.
"Ayos lang yon ella,thanks padin kasi may magandang naidulot yon kahit papaano. Nalaman ko ang mga hindi ko pa nalalaman tungkol saakin."
Siguro nga tadhana na ang nagdala saakin rito at tadhana narin ang gumawa ng paraan para magkita kami.
"Hays. Kung pwede lang ako humati sa sakit na nararamdaman mo ngayon nagawa kona." Bigla naman akong natawa sa sinabi niya.
"Hindi naman toh agad maaalis pero ang alam ko ay mawawala din ito."
Nagyakap kaming muli sa isa't isa. Biglang sumagi sa isipan ko ang kwintas na ito. Hindi ko na naitanong ang tungkol rito.
"Ella,diba nandun ka sa field noon nung nagtetraining ako kasama si Mr.deleon? Anong nangyari-I mean yung dragon asan?"
Tumingin siya sa kwintas na suot ko at marahan na ngumiti. "Yan oh! Haha."
Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. "Ha?malaki yon kaya impossibleng magkasya yon dit-"
Nanlaki ang Mata ko na ikinatawa ng kaharap Kong si ella. What the' wag nilang sabihin na nilabanan nila yon at pinagtyagaang isuksok rito sa maliit na bilog na pendant ng kwintas ko?
"Yung mukha mo celestine,haha." Natatawang sabi saakin ni ella na inginuso ko nalang.
"Ganito kasi yan,nung mawalan ka noon ng Malay ay tinakbo kanamin. Pero Dina kami makakilos noon dahil nasa harapan mo ang dragon na yon. Binalaan narin kami ni ama na wag gagalaw. Pagkatapos noon ay may inilabas si amang kwintas. Hindi ko naman alam na matagal na palang sayo yang kwintas na yan. At ginamitan ng mahika ni ama ang kwintas mo at ang dragon,inagaw ni ama ang atensyon ng dragon at sabay ibinato sa mataas ang kwintas na yan. Pagkatapos ay nagulat na lamang kami na wala na ang dragon at nasa loob na ng kwintas na yan."nakanguso siya sa kwintas ko.
Kaya pala,kaya pala ayaw nila Tito ipahubad ito saakin.
"Sayo yan celestine kaya hindi mo maaaring hubarin. Sabi ni ama ay baka pagwala yan sa leeg mo ay makalabas yan ng walang permiso mo." Napatingin ako Kay ella.
"Ibig sabihin lalabas lang toh kapag may permiso ko?"
At tumango na lamang siya. Pinagmamasdan ko lamang ang kwintas ko. Galing kay ama,kaya siguro parang pamilyar ito saakin ng Una ko itong mapansin.
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Fiksi RemajaThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....