THIRD PERSONS POV
"Kailangan paba talaga nating intayin ang festival sa pelison? Nakakainip narin! Gusto ko ng mamuno sa buong magical cit-"
"Shut up Herminio! Wag kang atat mas mabuti ng saka tayo sasalakay at magpapakita sa lahat kapag Festival na sa Pelison dahil malamang lahat ng taga magical city ay dadalo sa pagdiriwang na yon at mas marami,mas masaya"
Pagtatalo ng dalawang lalaki na nakasuot ng kulay na itim na tela.
Nagsidatingan sa loob ng silid na malawak ang ilan pang mga lalaking nakasuot ng kagaya ng suot ng mga nag tatalo kanina.
"Ihanda ang mga sarili niyo....malapit lapit na ang araw na mapupunta saatin ang dragon at mapapatay ang anak ni Arman..malapit na tayong mamuno sa buong magical city"
Samantala.... Sa apat na sulok ng silid ay dinig na dinig ang mga nakakakilabot na tawa nila.
Malapit na...malapit na ang unos na darating....
CELESTINE'S POV
Halata sa mga taong nadadaanan namin ang saya at pagkaexcited para sa darating na Festival sa bayan ng Pelison.
Ramdam ko ang pagpasada ng tingin ni eithan saakin. "Okay kana?" Tanong niya.
Ngumiti naman ako sa kaniya. Actually kung hindi dahil sa kaniya hindi ako magiging okay ngayon. "Yeah. Thank you babe...." At mabilis na hinalikan ko ang kaniyang pisnge at nagtatakbo.
Nice one Celestine!
"Ninakawan moko ng halik... Humanda ka sakin!"
Dinig Kong sabi ni eithan at nagtatakbo na rin at hinabol ako.
Takbo lang ako ng takbo at hindi nagpapahuli kay eithan. Nasa may puno kami at sinusubukan niya along hulihin.
"Mahuhuli din kita." Bakas sa kaniyang mukha ang pagkasabik na mahuli ako.
Hindi naman siya nabigo,nahuli niya ako. Ikinulong niya ako sa kaniyang bisig at hindi pinakawalan.
"Hoy! Bitawan moko." Kunware ay nagpupumiglas ako.
Tawa lang naman siya ng tawa and I love this,yung makitang ang saya saya niya.
Iniharap niya ako sa kaniya at pinagdikit ang aming noo.
"Hoy may mga bata!"
Sabi ko sa kaniya kaso wala lang yon sa kaniya dahil nanatili parin ang noo naming magkadikit hanggang sa pati ilong niyang matangos ay idinikit na rin sa ilong ko.
"You're blushing babe..." Hindi ko nagawang makapa ang pisnge ko. Pero Damn ramdam ko na nag iinit yon! Ibang iba talaga ang epekto ng lalaking toh saakin.
Naalala ko bigla yung endearment na nabigkas ko kanina. Diko naman kase Alam na mabibigkas ko yon. Nakakahiya tuloy kay eithan.
"Don't be shy babe,haha" tawang tawa ang mokong ang sarap batukan.
"Baliw ka!"
"Yeah,I'm definitely crazy,crazy for you"
Shet! Mas lalo pang namula ang pisnge ko.
"Layo na. May mga bata ha!" Sabi ko sa kaniya pero hindi siya nakikinig.
Imbes ba makinig siya saakin ay kinuha niya ang kamay ko at ipinatong yon sa kaniyang balikat habang ang kamay niya ay nakahawak saaking balakang.
Parang nanginginig ang buo Kong katawan. Naiilang ako sa ganitong posisyon namin at putcha! Parang wala lang yon sa kaniya.
"Halik na kase kung hahalik" sabi ko na ikinangisi niya lang.
"Wag kang atat babe..." Sumilay nanaman sa kaniyang labi ang nakakaloko niyang ngiti.
Hindi naman na nagtagal at tuluyan niya na akong hinalikan. Pumikit ako dahil hindi ko magawang makipagsabayan sa kaniyang titig na nakakatunaw.
Basta pakiramdam ko ngayon ay sobrang saya. Halos wala nayong mapagsiglan dahil sobra pa yon sa sobra. Siguro ganito talaga pag nagmamahal,kaso alam nating lahat na hindi palaging masaya,dahil dadating at dadating ang oras na magkakaroon ng problema,ngunit gayun paman ay kailangan natin na maghanda.
EITHAN'S POV
Nakaupo ako sa damuhan habang si Celestine ay nakahiga sa binti ko. Hindi ko naman inaalis ang titig sa kaniyang mukha.
Bago niya sabihin saakin na mahal niya rin ako ay naging expected ko na yun. Pero kung nagkataon na hindi,pihadong kagaya ni migo ay nasasaktan padin ako hanggang ngayon.
"Celestine...."
"Hmmm?" Sagot niya habang diretso parin sa langit siya nakatingin.
Huminga muna ako ng malalim,"would you hold on me even though staying means hurting yourself?"
Dahil nakahiga siya saaking hita ay kitang kita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha.
At mukhang mag isip muna siya bago nagsalita."Oonaman. Kahit na sarili ko na ang nasasaktan hindi parin kita bibitawan. Pwera nalang kung ikaw na yung mismong nahihirapan dahil saakin......."
"Ibig mong sabihin pag nakita mong nahihirapan na ako ng sobra bibitawan mo na ako?"
Siguro ay may dahilan si celestine kung bakit yon ang sinagot niya at gusto ko yon malaman.
Bumangon na siya sa pagkakahiga niya sa hita ko at umupo at hinawakan ng kanang kamay niya ang pisngi ko.
"Siguro oo,pero it doesn't mean na pababayaan nalang kitang masaktan,alam natin na hindi naman yon maiiwasan pero as long as you try to fight,I will fight for you too,and as long as you love me,I will love you too"
Minsan naiisip ko na ang swerte ko sa babaeng ito. She's so nice kahit na kanino paman,and Thanks God for giving me this kind of girlfriend....
"I will do my very best to fight for you too and for the both of us. I love you celestine." And I kissed her forehead and hugged her tight.
"I love you too Ethan.."
* * * *
( AN : Yow guys! Ilang chapter's nalang ang nalalabi at matatapos na tayo. Huhu. And guys! Thankie so much sa pagbabasa niyo nitong story Kong ito,isama niyo sana itong story ko sa ivinote ninyo. Ayay! Susubukan Kong gumawa ng Book 2 nito pagnagkataong marami parin ang nagbabasa at bumuboto sa gawa ko. Thanks again. Godbless us all.
@shanamistrong )
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Teen FictionThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
