CHAPTER 19 NEW DAY

167 4 0
                                    

CELESTINE'S POV

Naabsorb na siguro ng mga utak ko ang mga nalaman ko. Pero nakakapanibago lang ang ngiti na kusa ng nagpoform saaking labi.

Masaya akong bumaba para pumunta kung nasaan sila Ella at Tito at Tita. Si eithan,wag na wag lang siyang sasabay saamin. May atraso pa siya saakin.

"Good morning Celestine!"

Masayang bati ni ella saakin. Sila Tita at Tito ay hindi makabati manlang saakin dahil narin siguro sa nahihiya sila saakin.

Hindi ako makapaniwala,kaibigan at kababata nila si ama. What a small world!

"Hi tito,hi Tita good morning po"

Nagulat sila at sabay pa silang lumingon pagkatapos ay nagkatitigan.

Umupo na ako sa bakanteng silya at as usual wala nga si eithan.

"Okay kana? Galit kaba saamin?" Nahihiyang tanong ni Tita Estella.

Umiling iling ako. Alam ko na may kasalanan din sila pero masaya akong sinabi nila saakin yon.

"Thank you po for telling me the truth."

Ngumiti sila saakin,mga ngiting ansarap at nakakagaan sa pakiramdam.

"Ipakikilala kanamin sa iba pang kaibigan ni Arman,mga kaibigan namin" nakangiting sabi ni Tito kaya tumango nalang ako.

"And then,next is ipapakilala kanamin sa buong magic counc-"

"Ano ka ba naman Rico,wag monga siyang madaliin." Dinig kong saway ni Tita.

Natawa nalang kami ni ella.

"Pag may pagkakataon,bibisatahin natin ang iyong ama sa kaniyang puntod katabi ng iyong ina."

Napatingin ako sa kanila,mukhang nailang naman sila na parang gustong bawiin ang sinabi nila."its okay tita,gusto ko rin naman pong makita ang puntod nila." Sabi ko na may kasamang ngiti.

"Hey!good morning! Abot paba ako?" Napatingin kaming lahat sa lalaking bagong dating.

"Hindi na ata migo. Tapos na kami e." Pang aasar ni ella na ikinatawa namin.

Dirediretso siya sa pag upon malapit sa tabi ko. Ngayon lang ulit siya nagpakita saakin. Busy siya siguro ng mga nakaraang araw.

"May namiss ba ako dito?" Tanong niya habang sumasandok ng pagkain.

"Si Celestine lang naman namiss mo" napalingon ako ng masama Kay ella. Parang biglang umakyat yung dugo sa pisngi ko. Hayss.

"Kidding.haha"

Tawang tawa kami sa mga kwento ni migo. Kinuwento niya saamin kung bakit na wala siya ng ilang araw. At dirin siya makapaniwala na anak ako ng kaibigan ng kanyang ama.


EITHAN'S POV

Nasa gilid lamang ako ng bintana sa may labas ng bahay namin,tanaw rito sila ina,ama,ella at sila migo at celestine na masayang naghahalakhakan sa loob.

Hanggang ngayon ay diparin ako makapaniwala na siya na yun. Ang batang buhat buhat dati ni Tito Arman na takot sa aso.

Bahagya akong napangiti,akala ko noon ay kasama siya sa mga namatay sa kaguluhan noon sa bayan ng Heriya. At tama lang talaga siguro na sa kaniya na papunta ang Dragon na yon. Hindi rin naman mapagkakaila na malakas siya noon palang na wala pa ang dragon niya.

Hindi parin siya nagbabago hanggang ngayon. Siya parin pala ang kaibigan ko sampung taon na ang nakakalipas. Nakakalungkot lamang na hindi niya ako naalala ngayon.

"Eithan!"

'Shit' bulong ko sa sarili ko na Halos mapatalon na ako sa gulat.

"Bakit gulat na gulat ka ata?"

"Hindi ba obvious? Ts." Nagsimula na along maglakad at talikuran si Meryl. Ano bang ginagawa niya rito?

"Wait lang naman Eithan!" Dinig kong tawag niya pero pinabayaan ko lamang siya.

"Eithan!!" Muli niyang tawag sa pangalan ko na ikinatigil ko.

Damn! Ginamit nanaman niya ang kapangyarihan niya saakin and I hate that!

Mabilis kong narinig ang pagtakbo niya papalapit saakin. Tangna! Pagnakawala ako rito humanda ka.

"Kung hindi pa kita gagamitan ng kapangyarihan ko hindi kapa titigil sa paglalakad. Hays."

"Ano bang kailangan mo!?" Naiirita Kong tanong. Ayaw ko sa lahat na gagamitin niya saakin ang pagmamanipula ng katawan ko.

"Ikaw,ikaw ang kailangan ko Eithan."

Wala sa sariling nagpalabas ako ng mala dagger na yelo. Nakita Kong nagulat siya sa ginawa ko na nakapag paatras sa kaniya.

"Alisin mo ito Meryl,hindi ko magugustuhan ang gagawin ko sayo pag hindi mo inalis toh!" Banta ko sa kaniya.

Nataranta siya siguro ay nakita niya ang nanlilisik na Mata ko sa kaniya.

"Alisin mo Meryl!"muli Kong sigaw at bigla nalamang ako napaatras. Marahil ay inalis na nga niya.

"You can't manipulate me Meryl!don't me." At tinalakuran na siya.

Alam niya na ayaw Kong lumalapit siya saakin at lalo na ang makausap siya. Pero lapit parin siya ng lapit na akala mo linta!

Urgh! Pinaiinit mo ang ulo ko agang aga!

Naglakad na lamang ako ng naglakad. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng nga paa ko.

Tiningnan ko ang paligid. Isang napakalawak na lugar kung saan maraming magagandang bulaklak ang nakapaligid.

Nasa kalahating bahagi pala ako ng magical forest. Dito na muna ako at mamaya nalamang babalik sa amin.

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now