CELESTINE'S POV
Ipinaliwanag ng instructor kung ano at hindi pwedeng gawin sa loob ng field na yon. At sinabihan rin niya kaming hinay hinay lang sa paggamit ng kapangyarihan.
Unang mag tetraining sa loob ay ang isang lalaki at isang babae. Sa pagkakaalam ko ay nerecruit pa ng Pelison sa ibang bayan ang lalaking iyon na may kulay blonde na buhok at hikaw na mahaba sa kabilang tenga.
Pwerte ang upo namin nila ella at migo. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkakaba ngayong araw at lalo na bukas.
"Weak" ang pabulong ngunit dinig Kong sinabi ni Migo.
Ipinagsawalang bahala ko nalamang iyon. Mukha naman kasing may ibubuga ang babae ngunit nahihiya siyang ilabas ang kapangyarihan niya dahil nadidistract yon sa kalaban.
Hindi ko maiwasan na mapahanga sa parehas nilang kakayahan,ang lalaki ay mabilis gumalaw at yon lamang ang ginagawa niya samantalang ang babae ay may mga pinalalabas na kung ano anong kapangyarihan ngunit wala padin at hindi niya magawang matamaan ni isa ang lalaki.
Napatayo ako ng diko namamalayan ang sarili ko. Para kasing may mali,kanina ko pa napapansin yon.
"Celestine,maupo ka lang. Magagalit si Mr. Deleon pag pinakialaman mo sila." Napatingin ako Kay ella na malamang ay nag aalala.
Sila rin pala napapansin yon. Napapansin na hindi naman talaga tunay yung nakikita niya. Isa lang yon na illusyon. Gusto lang ni Mr.deleon na ipakita ang kakayahan na nakakubli pa sa babaeng nakatayo sa gilid at hingal na hingal.
Umupo na lamang ako. "Antalino mo naman ata para mapansin yon." Napatingin ako sa kanan na nasa katabi ko.
Nakatingin lang si migo ng diretso sa naglalaban na yon. "Kung sa iba-iba hindi niya yon mapapansin kasi naka focus lang yon sa laban pero ikaw napansin mo agad." Dugtong pa niya.
Wala lang akong imik. Natatakot ako,kung ang main goal ni Mr.deleon ay palabasin ang kakayahang nakakubli pa saakin,natatakot ako. Baka hindi ito makabuti sa amin.
"Shit!" I cursed.
Nagulat akong napatangin ng may kung anong bagay ang humarang saakin. "Its a barier" mahina pang tumingin si migo. Mukha namang nasanay na si Ella kaya parang wala lang sa kaniya ang nabgyari like hello,pagsabog yon noh.
Napalingon akong muli sa naglalaban. Nawala na yung lalaki at natira nalamang ang babae.
Bahagya akong napangiti. Mabuti nalamang at natapos na.
"Duh! Feeling mo naman gusto kitang kalaban. Ang hina mo kaya!" Dinig kong asaran ni Ella at ni Migo.
Napako ang tingin ko sa isang lalaki sa may loob ng field. Hindi ko tuloy mapigilang mapahanga sa kaniya. Magulo na ang buhok niya at ang tindig niya ay seryoso lang.
Bigla akong kinabahan ng tumingin siya saakin na may nakakalokong ngito. Nanindig ang mga balahibo ko. Nakaramdam ako na may balak siyang kung ano.
"Hindi parin talaga nagbabago si Eithan noh?" Napalingon ako sa nagsasalita. Isang babae na parang ngayon ko lang nakita,maganda at lampas balikat ang buhok. Hindi maipagkakaila na malakas siya kung titingnan dahil sa malakas niyang presensya.
Dumapo ang tingin niya saakin. "Aina she is Celestine, celestine siya si aina." Pagpapakilala ni Ella saamin.
Nginitian ko lamang siya ngunit siya ay mabilis na iniikot lang ang Mata niya saakin.
"Woaaa. 2minutes,ganun niya kadaling natapos ang kalaban?" Dinig Kong salita ni Ella kaya napatingin din ako.
Nanlaki ang Mata ko ng makitang tapos na. Natapos niya agad ang kalaban ng walang kahirap hirap. Pero kung tutuusin,malakas din naman ang kalaban niya,pero mukhang mas malakas talaga siya.
Lumabas na siya ng field at naglakad ng naka seryoso ang mukha habang ang kamay niya ay nakasuksok sa bulsahan ng kaniyang suot.
Hindi ko tuloy mapigilang mapahanga sa kaniya. He's so fine with his power. Tila ba alam na alam na niya ang galamay ng mga kalaban niya and also his power.
Kung tutuusin isa siyang mala Toshiro ng Bleach na pinapanuod ko sa Tv noong nasa amin pa ako. Ngunit ang kaibahan nila ay wala siyang ice dragon. But who knows,baka may nakakubli pa siyang ganon.
"Ts. Boring dimanlang niya nilaba-"
"Shh. Baka marinig ka nun." Pagpipigil ni Ella dun sa Aina kuno.
"Celestine! Ikaw na ang sunod." Gulat na gulat akong lumingon kay Migo. Tuwang tuwa pa sya sa lagay niya habang ako ay dimakapag salita at dimanlang maigalaw ang katawan.
"Huy! Dimo ba narinig? Tinatawag ka na ni Mr.deleon."sa pagkakataong ito ay si ella naman ang nagsalita,nakaramdam ako ng pagkakaba ngunit tinitibayan ko ang loob ko.
Nag iwan ako ng isang ngiti kina migo at ella. Inirapan lang naman ako ni aina na halatang kanina pa nagpipigil ng inis. Abah bahala siya hindi ko siya inaano ha!
Habang papalapit ako sa field ay natatakot ako. Hinihigpitan ko ang hawak ko sa palaso ko.
Nang makarating ako ay ginawaran ako ni Mr.deleon ng ngiti."Nice to meet you ms.Primo"tukoy niya saakin.
Dahil sa kaba ay diko manlang magawang ngumiti pabalik. Para kasing may binabalak siyang hindi maganda at diko yun gusto.
Bukas na ang ikalabing walong kaarawan ko at kung susubukan niyang palabasin ang nakakubli saakin ay baka mapaaga nga ito.
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Fiksi RemajaThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
