CHAPTER 3 ALONE

157 2 0
                                        

CELESTINE'S POV

Tatlong araw na ang nakakalipas Simula ng may makalaban ako at mailabas ang kapangyarihan ko,at sa tatlong araw na iyon ay palaging sumasagi sa isip ko ang kakayahan ko.

Nakahiga lang ako sa nagsisilbing higaan ng kwarto ko,pinagmamasdan Kong maigi ang aking kamay at pagkatapos ay ang aking palaso.

Bumalik saaking alaala ang araw na binigay saakin ni ama ang palasong iyon. Ikapitong kaarawan ko noon at nagulat na lamang ako ng iniabot saakin iyon ni ama.

Nung Una ayaw ko pang kuhanin dahil wala akong hilig sa ganun ngunit ipinaliwanag ni ama na pwede ko iyong magamit kasabay ng paggamit ko sa aking kapangyarihan-ang apoy.

Nung nabubuhay pa si ama,nabanggit niya na saakin na isa ako sa mga hindi pangkaraniwang tao. Isa ako sa maaaring katakutan ng iba pang tao,at ginawa talaga niya ang palasong hanggang ngayon ay nasaakin pa. Sinabi ni ama na palaso ang gagamitin ko sa anumang laban dahil hindi pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa kapangyarihan ko. Maaaring pagkaguluhan ng ibat ibang bayan lalo na ang bayan ng neridas.

Ngunit ang mas masakit sa lahat ay nang dumating ang gabing nakita ko na lamang na maraming tao ang nasa bayan namin. Nagkaroon ng gulo,nalilito ako sa nangyayari dahil itinakas ako ni ama,hindi ko alam na nasa gate na ako ng kabilang bayan,ang kasalukuyang bayan ko.

Binuksan niya ang gate ng kabilang bayan at mabilis akong ibinigay Kay Ina.

Pagkatapos noon,wala na akong naging balita Kay ama. Nasabi nalamang ni ina na wala na ito at Patay na.

Bagamat hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari,nasasaktan parin ako pag naalala Kong wala na si ama.

Pero isa lang ang salitang sinabi ni ama na hanggang ngayon ay diko malilimutan. 'Pag dating ng ika labing walo mong kaarawan,lalabas na ang tunay mong kapangyarihan.kapangyarihan na lahat ay nanaiising makuha ito saiyo anak ko.'

Napaisip ako ng malalim,sa kabilang linggo ay sasapit na ang ika labing walo kong kaarawan. Natatakot akong malaman kung ano ang tunay Kong kapangyarihan. Natatakot akong malaman ng iba at madamay ang pamilya ko.

But all I need is to prepare. Kailangan kong maghanda.

Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga ko at kinuha ang jacket ko. Pupunta ako sa burol,susubukan kong gumawa ng panibagong estratihiya sa pakikipaglaban.

Nagmamadali ako sa paglabas ng makitang si Rica at sila Ina ay masayang naglalaro. Nagpaalam naman si Arah na pupunta kina macmac para makapag Aral ng kaunti.

"Mag iingat ka anak." Sabi ni ina nung ako ay papaalis na.

Dala-dala ko ang aking palaso papuntang burol. Wala naman masyadong pumupunta doon dahil isa iyon sa mga sagradong lugar sa aming bayan. Pupuslit lamang ako dahil doon ay alam kong makakapag focus ako.

Wala pang kalahating oras ay nakarating ako sa burol. Inilibot ko muna ang paningin ko at tininmbang ang ihip ng hangin.

Iniintay kong umihip ang hangin at mapakinggan ang kaluskos ng mga dahon.  Pumikit ako upang mas maramdaman ko yon.

Unti-unti ko na itong nararamdaman,inihanda ko ang aking kamay at ang palaso ko ay nananatiling nasa likod ko.

Itinaas ko ang kanang kamay ko ng kaunti. At habang umiihip ang hangin ay kasabay nito ang paglaki ng paglaki ng apoy sa kamay ko.

Mabilis kong iminulat ang mata ko ng maramdamang tumigil ang ihip ng hangin.

Pinagmasdan ko naman ang apoy sa kanang bahagi ng kamay ko. Malimit lamang akong gumamit ng apoy at ang huling beses ko itong ginamit ay nung matagpuan ko si Ella sa gubat.

"Aripus dominikus abrahos tenorsus" salita ko at mabilis na lumagablab ang apoy sa aking kamay.

Alam ko na delikado ito at sa burol pa ako nag eensayo. Ngunit wala na akong ibang lugar na pwedeng pag hasaan ng kapangyarihan ko.

Unti-unti ng napapaso ang buo Kong katawan ngunit hindi ko maaaring sukuan ang pagpapalaki ko ng apoy.

"Aripus dominikus abrahos tenorsus!"sigaw ko at mas lumaki na ang apoy. Lihim akong napangiti dahil natututunan ko na kahit papaano ang pagpapalaki sa apoy ko.Mas malaki pa saakin at delikado na ito. Maaari na nitong mahagip ang ilan sa mga punong nasa paligid ko. Maaari rin itong mapansin ng mga taga ibang bayan at magsanhi ng kaguluhan.

Hindi ko alam pero unti-unting bumuhos ang ulan. Kaya naman nababasa na ako,nababasa pa ang apoy na ginawa ko.

"Wrong timing" I blurted out.

Hindi na ako sumilong at bagkos ay humiga pa ako sa damuhan at sinalubong ang patak ng ulan.

Malamang mapagkakamalan akong baliw ng kung sino mang makakita saakin. Bukod sa nag iisa ako sa burol na ito,ang dungis na ng mukha ko at nagulo nadin ang buhok ko.

Heriya:The Lost Magical CityStories to obsess over. Discover now