MIGO'S POV
Matapos kong maintindihan ang lahat lahat ay hinanap Kong maigi si Celestine. Sigurado akong nasa kwarto na niya siya at naiuwi na ni eithan dahil Gabi nadin.
Habang naglalakad ako papalapit sa kwarto ni celestine ay unti unti akong nakakaramdam ng kaba.
Maybe letting go is not an easy task,pero para sa taong mahal mo ay nararapat lang na e let go siya at hayaang mahalin ang mahal niya,besides mas better naman siguro if magkaibigan kami ni celestine. Saka tiwala naman ako kay eithan na hindi niya si celestine sasaktan kaya siguro ay tatanggapin ko nalang talaga ang katotohanan.
Pagkarating ko sa pintuan ng kwarto ni celestine ay napansin Kong nakakawang ang pinto.
Sumilip muna ako roon sa loob dahil mukhang lumabas ata siya.
"Migo?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Celestine sa likod ko.
"Ginulat mo naman ako celestine. By the way,pwede ba kitang makausap?"
Pumayag naman siya na makausap ko siya,alam ko na nasigawan ko siya kanina at hindi yon tama kaya hihingi ako ng sorry sa kaniya at kakausapin ko rin siya.
Nakaupo kaming dalawa ni celestine sa may labas.
"Celestine...sorry nga pala kanina ha. Hindi ko intensyon na masigawan ka." Nahihiya akong nagsalita sa tabi ni celestine.
Like she always did,she smiled at me. The smile that can make you fall in love.
"Wag mo nga akong ngitian jan. Baka mainlove nanaman ako sayo e!" Biro ko sa kaniya kaya sabay kaming napatawa.
"Sorry din migo ha,naging manhid ako at diko napansin na ako pala yon"
Hindi naman talaga siya manhid,naka focus lang talaga ang sarili niya kay eithan at nakafocus siya sa pagkakaibigan namin.
Napatawa ako sa kawalan kaya naman tumingin siya sakin. "Ansakit nga e,nalaman ko na acting like a friend to the person you love is the most stupid thing in this world."
Bakas sa kaharap ko ang pag aalala saakin. Marahan naman siyang ngumiti saakin.
"Migo,there will always be a reason why we met people,either we need them to change our lives or the ones who change theirs. Always remember that...and one day you will find someone,someone that loves you so much"
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi saakin ni Celestine. Tama naman siya at tama lang rin siguro na kinausap ko siya.
"Basta ba wag kalang sasaktan ni eithan e,at hindi ako magdadalawang isip na agawin ka sa kaniya."
Pagbibiro ko na ikinatawa niya. Impossible naman kasing magawa ni Eithan yon kay celestine. Saksi ng dalawang Mata ko kung gaano kamahal ni eithan si celestine at ganun din naman si Celestine kay eithan.
Pagkatapos ng pag uusap naming iyon ni Celestine ay inihatid ko na siya sa kwarto niya.
Samantalang ako ay pupunta sana sa silid ni lolo David ng bigla akong makarinig ng may mga nag uusap.
"Senior David,hindi malabong sa mismong Festival dito sa Pelison sila sumalakay. Alam nating lahat na naghihintay lang sila ng pagkakataon."
Sinilip ko ng konti ang nagsaloob,nandun sila Ama,Mr.deleon ,Mr.Hubert at iba pang nakatataas na magic councilor.
Si lolo naman ay prenteng prente sa pagkakaupo habang hinihimas ang kaniyang mahaba at puting balbas.
"Nalaman niyo nalang din naman na sasalakay sa Festival ang mga rebeldeng iyon kayannararapat lang na maghanda tayo." Sabi ni lolo David. Apat na araw na lang kasi at sasapit na ang Festival na hinihintay ng lahat.
Ngunit hindi rin iyon magiging madali para saamin dahil sabi nga ni lolo nag iintay lang ng pagkakataon ang mga rebeldeng iyon
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Teen FictionThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
