CHAPTER 1 CELESTINE PRIMO

446 13 0
                                        

CELESTINE'S POV

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking palaso. Kanina ko pang minamanmanan ang baboy ramo sa may dikalayuan.

Tumigil ang baboy ramo saglit kung kaya't nagkaroon ako ng pagkakataon para matantsa ng maigi ang kinaroroonan nito.

Bibitawan ko na sana ang nagsisilbing bala nito ng makarinig ako ng nakakarinding ungol.

Tumakbo ako papalapit sa isang malaking puno at doon ay nagtago. Nang maramdaman ko na may paparating ay inihanda ko ang aking palaso.

"Urgh! Bitawan niyo ako. Pakiusap" Isang tinig na wariy nagungusap at natatakot.

Sumilip ako ng kaunti para makita ang kanina lamang ay naririnig ko. Tumambad saakin ang tatlong malalaking lalaki na may hawak na espada at may malalaking lobong kasama.

"Parang awa niyo na pakawalan niyo na ako."

"Haha. Nagpapatawa kaba? Hindi kanamin papatayin at mas lalong hindi kanamin palalayain! Kailangan ka namin!" Bulyaw ng isang lalaki.

Hinigit na ng dalawang lalaki ang babae habang nauuna ang isang lalaking nagsalita kanina.

Hindi sinasadyang mapalingon sa akin ang babae. Sa mukha palang niya ay kitang kita na sa kanya ang pagod at napakaraming galos.

Nagkasalubong ang mga mata namin na para bang ipinahihiwatig ng mga Mata niya na tulungan ko siya.

Inalis ko ang tali ng buhok ko at ikinubli ang Kalahati ng aking mukha. Kailangan ko mag ingat,hindi nila pwedeng makilala kung sino ako.

Alam kong mahirap ang sitwasyon ngayon lalo pa't kasama ng mga lalaki ang satingin ko'y mga alaga nila.

Hawak ko ang aking palaso at mabilis na hinarangan ang mga lalaki. Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mukha ngunit gumuhit agad ang ngiti sa kanilang labi.

Itinutok ko ang palaso ko sa mga NASA harapan ko. Nararamdaman ko man ang tensyon sa pagitan namin dahil alam kong malakas sila pero kailangan Kong iligtas ang babaeng kasama nila.

"Hanggang jan nalang kayo." Sabi ko sa kanila. Tumawa lang naman ng malakas ang lalaking nasa unahan.

Hinigpitan ko nalang ang kapit ko sa palaso ko dahil nakakaramdam ako ng matinding panganib. "Nagpapatawa kaba? Anong magagawa ng isang kagaya mo saamin?" At muli ay tumawa nanaman siya.

Sa mga oras na ito ay nag iinit ang katawan ko. Marahil nakakarinig nanaman ako sa ibang tao na minamaliit ang kakayahan ko.

Pero lingid sa kanilang kaalaman ay nakakatakot akong tao. Yan ang huling sinabi ng aking ama bago siya mamatay noon.

"Mabuti pa Chito ay tapusin mo na agad ang babaeng yan. Isa siyang malaking sagabal sa plano naten." Utos ng isang lalaki na may hawak sa bihag nila.

"M-miss please t-tulungan mo ako." Pakiusap ng babaeng bihag nila.

Umuna ng kaunti ang lalaki na pinangalanan kaninang chito. Hindi pa man siya nakakahakbang ay sinipat ko na agad ang kinalalagyan niya at mabilis itong pinatamaan ng aking lumalagbgab na palaso.

Sa gulat ata nila sa kanilang nakita ay napaatras sila ng kaunti. Maging ang mga alaga nilang lobo ay umatras din.

Mabilis na kumalat ang apoy sa harap nila. Tatakas sana sila ngunit tumakbo na agad ako ng mabilis.

Hindi ko intensyon na patayin sila. Ang gusto ko lamang ay makuha ang babaeng kanilang binihag.

"T-tulong!" Dinig kong sigaw ng babae. Mas binilisan kopa ang takbo ko para maabutan sila.

Hindi naman ako nabigo. Mabilis kong naabutan sila. Una ko ng pinatamaan ay ang mga lobong nagtatangkang sugudin ako. Ang isang palaso ay nahati sa tatlo dahilan para sa isang tira ko ay naging abo na sila.

Sa takot ng mga lalaki kanina ay agad silang tumakbo papalayo at iniwan ang babaeng kanilang bihag.

Hindi ko nalamang ang mga ito hinabol at pinuntahan ko nalang ang babaeng sugatan.

"S-salamat"pilit na bumibigkas siya ng salita. Ngumiti ako sa kaniya."walang anuman yon. Ang mabuti pa,sumama kana muna saakin para maggamot ko ang sugat mo. Ihahatid nalang kita kung saan ang bahay mo." Sabi ko.

Isang oras kaming naglakad pabalik sa bahay namin. Naisipan Kong doon na muna siya patuluyin at para aking mga gamot ang mga sugar na natamo niya.

"Nandito na tayo." Sabi ko sa kasama ko na nakangiwi dahil sa sakit ng katawan.

Sumalubong naman saakin si Ina at ang dalawa ko pang kapatid. "Jusko!Celestine Anong nangyari sa kasama mo?" Di mapakaling tanong ni Ina saakin.

"Arah,Rica kuhanin niyo ang mga kailangang panggamot ngayon na." Utos ko sa dalawa kong kapatid at mabilis naman nila yong sinunod.

Ihiniga ko sa upuan ng bahay namin ang kasama Kong babae. Malamang ay nawalan na ito ng Malay dahil masyado na siyang napagod buong maghapon.

"Anak ano bang nangyari? Saka sino ba siya?" Usisa ni Ina habang pinapanood ako sa panggagamot.
"Hindi ko pa siya kilala Ina,nakita ko na lamang po siya sa may gubat na bihag ng mga dikilalang mga lalaki."

Lumapit saakin si Ina na para bang may pinagmamasdan. "Celestine, umamin kanga saakin,ginamit mo ba ang kapangyarihan mo kanina?" Bigla akong napalingon Kay Ina. "H-hindi po Ina."pagtatanggi ko.

Mukhang hindi pa naging sapat yon para maniwala si ina. "Magsabi ka ng totoo Cece." Pamimilit ni Ina saakin.

Bumuntong hininga nalamang ako."Sorry Ina,kinailangan ko gamitin ang kapangyarihan ko kanina dahil malalakas ang mga nakalaban ko."

Yumakap si Ina sa akin na ramdam ko ang pag aalala sa kaniya."Cece anak,hwag mo ng uulitin yon sa susunod ha. Baka may makaalam ng kapangyarihan mo."


( An : Hi and Hello *smile emoji* so'yon gusto ko lang mag thank you sa mga nagbasa at magbabasa pa lang ng story na ginawa ko. Sana ay samahan niyo ako hanggang huling chapter nito. And I will do my best to make an Ud always. God bless you all *smile emoji* )

@shanamistrong

Heriya:The Lost Magical CityStories to obsess over. Discover now