EITHAN'S POV
Nasa loob kami ng clinic. Nakarating na kay senior David ang nangyari kaya agad din silang dumating.
"Hindi po kaya ng kapangyarihan ko ang pagbabalik ng kaniyang mukha Senior David. Mas mabuti po siguro kung isa pang healer ang ipatawag niyo" sabi ni Ms. Sharmaine na siyang healer dito sa clinic ng school.
Mabilis na dumating ang isa pang healer dahil sa utos ng Senior David. Sa pagkakatanda ko ay siya rin ang gumamot non kay Celestine nung masugatan ko siya sa Laban namin.
Mabilis na kumilos ang dalawang healer at itinapat ang parehas nilang kamay sa mukha ni Celestine.
Ngunit itinigil din nila iyon at hinarap si Senior David.
"Hindi madaling pigilan ang tuloy tuloy na pamamaso sa kaniyang mukha senior at dimalayong maabot na nito ang utak niya at maging sanhi ng kaniyang pagkamatay dahil sa kamandag na inihalo ni meryl sa kaniyang kamay bago gamitin kay Celestine." Sabi ng duwendeng healer.
Bakas ang pag aalala sa lahat. Hindi pwedeng mawala si Celestine! Not now!
"Wala na bang ibang sulosyon para maagapan na wag tumuloy sa utak ni Celestine yon?"
Desperado na kung desperado but I won't let her to die. Hindi ko pa siya nagagawang mapa oo kaya hindi ako papayag na mawala siya!
"Meron pa naman binata,isang dugo mula mismo sa isa sa kamag anak niya na kadugo niya mism-"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng healer. Mabilis akong umalis at nagpunta sa bahay ng Tita ni Celestine.
Ngunit parang nabalitaan agad nila ang nangyari kay celestine kaya nakita ko siyang nagmamadaling naghahanap ng clinic. Agad ko siyang nilapitan at mukhang nakilala niya ako.
"Eithan nasan si celestine?" Bakas rin ang pag aalala sa mukha niya.
Dinala ko ang Tita ni celestine sa clinic kung nasan siya ngayon. Naabutan namin na namumua na si Celestine na malamang ay nagkalat narin sa katawan niya ang kamandag na ginawa ni Meryl.
Dahil dugo ng kamag anak ni celestine ang unang kailangan ay agad na humiwa sa kamay ang kaniyang Tita at tinapat yon sa mukha ni Celestine.
Habang pumapatak ang dugo ng Tita niya at unti-unting nagtatalo ang kulay niyang maputla.
"Senior David,nasa magical unit na po ang babae" Sabi ng isa sa kawal ni Senior David na ang tinutukoy ay si meryl.
Tumingin saakin si Senior david,"bantayan mong mabuti si Celestine" bilin niya.
Marahil ay papatawan ng parusa si meryl sa kaniyang ginawa. Dahil isa paring anak ng kilalang tao ang tinangka niyang patayin gamit ang kaniyang kapangyarihan. At sigurado akong maya maya lang ay papatawan na yon ng parusa dahil sa ginawa niya.
Nakaalis na ang mga healer na siyang nanggamot kay celestine,pati narin ang kaniyang Tita. Naiwan ako dito at suguradong maya maya lang ay darating sila migo at iba pa.
Lumapit ako sa kinalalagyan ng babaeng nakahiga at nagpapahinga ngayon. Kahit na umalis na ang mga healer ay nag iwan parin iyon ng maliit na barrier na patuloy na gumagamot kay celestine.
Bumalik na sa dati ang kaniyang magandang mukha. Lihim akong napangiti dahil parang walang nagbago sa kaniya.
Siya parin ang kababata ko na noon at magpahanggang ngayon ay mahal ko......
CELESTINES POV
Mumukat mukat ang aking dalawang mata. Nakaramdam ako ng lagkit sa mukha kay hinawakan ko yon. Bigla ko namang naaalala ang nangyari. Ilang oras kaya akong nakatulog at nasa clinic parin ako?
Pagkalibot ng aking paningin sa paligid ay nakita ko si Eithan na nakaubob sa hinihigaan ko.
She seems so tired,ang buhok niya ay magulo na at Dina niya nagawang ayusin manlang.
Napatitig ako sa kabuuan ng mukha niya,ang Maputi niyang balat,matangos na ilong,makapal na kilay,malalantik na pilik at labi niyang manipis na mapulapula kung iyong titingnan.
I extended my hand to touch his face. Nagmistula naman akong nag uurong sulong ang kamay dahil sa hindi ko maintindihan kung itutuloy ko ba o hindi.
Pero sa huli ay hinayaan ko ang kamay ko na idampi iyon sa buhok ni Eithan. Pasimple ko iyong hinawi habang nakangiti.
Ilang minuto ko atang ginawa yon sa buhok ni Eithan. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng mapansin na nakatitig na pala siya at gising na,mabilis ko naman na inalis ang kamay ko sa buhok niya.
Bago niya tuluyang ibalik sa normal ang kaniyang pwesto ay nakangiti pa siya ng nakakaloko.
"Missed me?" He asked habang ang ngiti niyang nakakaloko ay diparin naaalis sa kaniyang labi.
"Miss your face!" Sabay irap ko sa kaniya.
"Ts. Wag ka nangang tumanggi jan!"
Nainis ako sa kayabangan niya kaya mabilis ko siyang pinitik sa noo niya.
"Yabang!" Sabi ko habang inaabot ang noo niya. Nagawa ko namang makapitik doon kaya napatawa ako ng malakas.
"Youuuuu!" Bigla siyang lumapit saakin at pilit akong ginagantihan. Hindi pa siya nakuntento sa tayo niya at sumampa pa ito sa higaan kung asaan ako.
"K-kuya?c-celestine?"
Natigilan kaming dalawa ni eithan sa aming ginagawang kulitan. Huli na ng mapagtanto kong ang awkward ng tayo namin. "Shit!" Sabay namin yong nasambit.
Mabilis na bumaba si eithan At inayos ang damit. Takte kase napaka kulit!
Nahihiya akong humarap kina Ella,migo at don sa Jake na nagpakilala saakin.
"Dude,dimo naman sinabi saamin na maglalandian kayo dito ay di sana nainform kami at Dina muna pumasok dit-ouch!"
Siniko ni Eithan si Jake kaya naman napangiwi si Jake at Dina nakapag salita pa.
Lumapit si migo sa akin at may ipinatong sa mesa kalapit ng higaan ko.
"Mabuti naman at okay na yang mukha mo."
He said in a cold tone. Hindi ko tuloy maiwasang mapuna ang awra niya ngayon na para bang malungkot na Ewan.
"Oonga celestine! Nawala kalang kanina saglit tapos nakita na lang namin na ginamitan kana ni meryl-ow speaking of her,naparusahan na siya dahil sa ginawa niya sayo."
Sabi ni ella habang naglalakad din papalapit saakin. Naparusahan pala si Meryl? Hayss sana hindi ganong kalala ang parusa....
Tuluyan ng nakaupo sa tapat ni migo si ella. Samantalang yung dalawa ni Eithan at Jake ay panay ang bangayan.
Nahuli ko ang pagtitig ni migo saakin. Parang may kakaiba sa kaniya e... Galit ba siya?
"Bilin ni lolo na iuwi agad kita maya maya" bigla niyang salita dahil mukhang napansin niya akong sinalubong ang tingin niya.
"Pwede ba migo na mamaya mo nalang si Celestine ihatid?maaga panaman e" ella.
Hindi naman pumayag si migo dahil yon daw ang utos sa kaniya ng kaniyang lolo na si senior David.
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Ficção AdolescenteThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
