CELESTINE'S POV
Late na akong nagising dahil madaling araw narin ako nakatulog. Tinatawanan pa ako ni migo dahil sa laki ng eye bug's ko na animoy halatang halata na puyat.
"Ang akala ko natulog kana matapos mong magpahatid sa iyong silid. Hindi konaman alam na hindi ka papala tutulog at kung alam ko man ay di sana,nakipagkwentuhan Muna ako sayo."
Salita ni Senior David na ikinatawa ni Migo. Inirapan ko nalamang siya dahil sa pang iinis niya saakin.
Nakarating kami sa isang malawak na field. Hindi ito yung field na dating pinagtraingan namin. Mas malawak na ito at may mga barrier pa kung tawagin.
May ilang mga tao ang nandun na siguro'y kagaya ko ay magsasanay din. Bahagya silang napatigil ng makita na paparating kami nila Senior David.
Namumukhaan ko naman ang mga babaeng nandun sa may gilid at dalawa pang lalaki na nasa malapit lang din sa gilid.
Nag iwas naagad ako ng tingin sa isang lalaking alam ko na siya si Eithan. Myghad!nagsisimula nanaman manginig ang katawan ko and I hate this feeling!
Mas dumoble ang kaba ko ng hatakin ako ni migo papalapit sa mga taong nasa loob ng field.
"Meryl,aina,ella!" Kahit malayo pa kami ni Migo ay nagsisisgaw na siya. Masaya naman akong makita si Ella na narito din.
Agad Kong tinakbo si ella ng makita ko siya. Mahigpit na yakap ang ginawad namin sa isa't isa.
"I miss you!" Natawa kaming parehas dahil sabay panaming sinabi yon.
"Ow! Meryl... Look who's here,the girl on fire and the girl who has special ability"
Nawala saglit ang kasiyahan ko dahil sa masamang ihip ng hangin dito. Si migo ay nagpunta sa dalawa pang lalaki na nasa gilid lamang at hindi naman ganun na kalayuan.
Ramdam ko ang tingin nilang masama. Problema nila?
"Ikaw pala.... Hi! A pleasure to meet you."
Lumapit si meryl saakin at inaabot ang kaniyang kamay. Hindi ko alam kung tunay ba ang ipinakikita niya saakin o pakitang tao lang.
"Hey girls kamusta?"
Dinig kong boses ni Migo na malamang ay nakalapit na.
Inabot ko ang kamay ko kay Meryl para makipag shake hands,nakakahiya naman siguro kung hindi ko yon tatanggapin.
"Ilayo mo yan sa kaniya meryl."
Nagulat ako ng dumating narin si Eithan kasama si Migo at isa pang lalaki.
Sa pagdating ni Eithan ay paghawak niya sa kamay ko ang bumjngad dahil sa pagpigil nito na mahawakan ang kamay ni meryl.
Agad kong binawi kay Eithan ang kamay ko. "S-sorry Eithan." Nakita ko ang pagkataranta ni Meryl ng makita ang galit na si Eithan.
Tumalikod na lamang ako sa kanila at iniwan na sila. Hindi rin naman ako makakatagal na kasama sila dahil naiilang ako kay Eithan. Ni hindi konga magawang tingnan siya ng diretso.
Sa pag punta ko dito ay dala ko ang aking palaso. Ngayon ko na lamang ito nadala kaya naman namiss ko itong gamitin.
Bale malawak naman ang field. Nagtataasan ang barrier sa paligid na nagsisilbing proteksyon para sa mga pwedeng makaapekto sa labas.
Nakaramdam ako ng pagkaexcite ng makita sa harapan ko ang isang lalaki na papalapit ng papalapit saakin. Mukhang isa siya sa mga naatasang magtetraining saakin.
Mabilis na umikot siya kung saan nakatayo ako. Dahil medyo nahihilo ako sa ginagawa niya at hindi ko gaanong mahulaan kung asan siya ay ipinikit ko ang aking Mata.
Dahan dahan Kong ipinuwesto ang aking kamay at pinaliyab ang ang aking pana.
Nag ko-concentrate lang ako. Pinakikiramdaman ang eksaktong lokasyon ng lalaking kanila pang umiikot.
Nang marinig ko ang mahina niyang paghinga ay inambangan ko na agad yon ng nag liliyab Kong palaso at mabilis na huminto siya sa ginawa ko. Pinakawalan ko ang aking palaso ng mapansing hindi iyon tunay na tao.
At wala pang isang minuto ay naglaho ito na parang bula sa paningin ko.
Aktong babalik na ako kung nasaan sila ella ng makitang wala nasila at nasa labas na ng field.
Samantalang isang lalaki naman ang nakatayo sa harapan ko. And this time masasabi ko ng tunay na tao ang kaharap ko,si Eithan...
"Napahanga mo nanaman ako sa bilis ng ginawa mo"
I can't look him straighly. Like what I'm said,naiilang ako sa kaniya.
Halos mapamura na ako ng biglaan siyang pumorma. Nilabas niya ang kapangyarihan niya kaya naman napaatras ako.
Nilingon ko sila Senior David at nginitian lang ako nito. What with his smile?
Sinadya ba nilang paglabanin kami? Pero bakit si Eithan pa? Baka matalo agad ako at hindi makapag concentrate dahil nariyan siya. Ts.
"Come on celestine. Wag kanang tumanganga Jan"
He said in a cold tone na para bang naghahamon. So what?wala siyang naaalala? Nakalimutan ata niya na hinalik- no! Magfocus ka nga celestine!
Kahit na anong gawin ko ay hirapan ako sa pagpofocus. Andami dami kasing pwedeng ilaban sakin bakit naman si Eithan pa. Juicecolored!
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
JugendliteraturThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....