CELESTINE'S POV
Tahimik ang lahat ng mga taong nasa paligid ko. Maski ako ay di magawang magsalita dahil nakakasakal ang hangin dito.
"Nariyan na ba sila?" Tanong ng isang lalaki.
Out of curiosity ay inilibot ko ang paningin ko. Sino ba iniintay nila?
Sa may dikalayuan ay nahagip ng aking mata sila Ella at Migo sa may gilid ng malaking pintuan. Sa unang pagkakataon ay haharap ako sa mga matataas ang kapangyarihan na mga tao ng buong magical city. Pag uusapan nila kung kanino ako dapat mapunta dahil umaalma di umano si Tito Greg dahil sila daw ang malapit Kong kamag anak at nararapat lamang na sa kanila ako mapunta.
"Magandang umaga Senior David" lahat kami ay napatingin sa taong naglalakad papunta sa direksyon namin. Bumali ang kanihang leeg at tumingin saakin."Magandang umaga celestine..."
Pakiramdam ko ay hindi siya sincere sa pagbati na yon. Tiningnan ko na lamang ang babaeng katabi niya na si Tita Martha.
Naupo sila sa harapan namin,katabi ko ay sila Tita Estella at Tito Rico. At nasa isang upuan na malaki at nasa gitna ang isang matandang puti ang mahahabang buhok at maging ang kaniyang balbas,gayundin ang kaniyang suot.
Tiningnan ako ng matanda at pagkatapos ay ang aking suot na kwintas. Nang ngumiti siya saakin ay napayuko ako.
"So,shall we start our meeting?" Nakangiti at puno ng excitement ang aura ni Tito Greg.
Kung ano ano ang pinag uusapan nila. Naiinis lang ako dahil para bang isa akong laruan na pinag aagaawan ng kung sino sino. Diko maiwasan na maiyukom ang kamay ko.
"Pero senior david kami na lang ang malapit na kamag anak ni Celestine kaya nararapat lang naman talaga na saamin siya mapunta!" Pailang beses na niyang pinagpipilitan ang kaniyang sinasabi.
"Ngunit kung sainyo mapupunta si Celestine ay hindi malayong magkaproblema" simple lang ang tono ni Tito Rico.
Nagulat ako sa biglaang pagtayo ni Tito Greg at hinampas ang lamesa."Nahihinaan kaba saakin Mr. Arisca?!"
Nakakaramdam na ako dito ng tensyon. Kung bakit ba naman hamit na hamit si tito Greg na siya ang kumupkop saakin e mukhang hindi naman ako ang pakay niya kundi ang aking kwintas.
"Hindi sa ganun Greg,pero ang pinag pupulungan natin ngayon ay ang kaligtasan ni Celestine. Hindi makakabuti sa kaniya ang inaasta mo" Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Tita Estella sa kamay ko.
"At sa tingin mo hindi siya magiging ligtas saamin? Ganun!" Palakas ng palakas ang boses ni Tito Greg samantalang si Tito Rico ay nananatiling kalmado.
"Stop!"
Tumayo ang matandang lalaki at mataman akong tiningnan. Pagkatapos ay iginala ng matanda ang kaniyang mata sa mga kasamahan namin dito sa loob. Marami kami ngunit sila Tito Greg at Tito Rico lang ang may lakas ng loob para pagtalunan ako.
"Kung ganan lang din naman,mas mabuti pang saakin mapunta ang anak ni Arman" sabi ng natanda.
"Doon ay mababantayan siya ng mga alagad ko at pwede ko pa siyang turuan gamitin ang dragon na nasa kwinta-"
Naputol ang sinasabi ng matanda at napatingin sa lalaking bagong dating. Nakasuot sa bulsahan ng kanoyang pantalon ang kaniyang kamay habang dirediretso sa paglalakad na para bang walang meeting na nagaganap.
"Eithan!Nasa kalagitnaan kami ng pagpupulong at Mali na ikaw ay basta basta na lamang susulp-"
Tumigil siya sa tapat ko at nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko at hilahin niya ako palabas. Whats wrong with him? Nababaliw na ba siya?
Tumigil siya saglit kaya napatigil din ako. "Saakin siya mapupunta. Saakin lang at wala ng iba pa" pagkatapos niyang sabihin iyon ay ibinaba niya ang pagkakahawak niya hanggang sa magdikit na ang kamay namin na parang naka intertwine.
Wala namang pumigil sa amin hanggang sa mailabas ako ni Eithan. Naguguluhan parin ako sa inaasta niya. Para siyang hindi si Eithan kung titingnan mo. Iba siya sa Eithan na nakilala ko noong Una.
Dirediretso lang kami sa paglalakad pero mabilis yon,napatingin tuloy ako sa kamay naming naka intertwined tapos napahinto ako.
"Teka lang Eithan,Mali tong ginagawa natin. Hindi mo ako pwedeng ialis sa pagpupulong na yon at hindi ako maaaring sayo mapunta." Sabi ko na ikinatingin niya saakin ng masama.
"Walang mali sa pag alis ko sayo sa walang kwentang pagpupulong na yon. Ang Mali ay ang hayaan kitang pag agawan dun na parang isa kalamang manila sa paningin nila"
Hindi ko napigilang tingnan siya. Talagang desidido siyang ilayo ako ron.
Tumalikod ulit siya at nag umpisang maglakad takbo,habang ako ay nag uumpisa ng makaramdam ng pag iinit ng pisngi.
Malayo layo narin kami,napahinto kaming parehas sa isang malaking puno. Hahatakin ko sana ang kamay ko Kay Eithan ng bigla niyang hinigit yon lalo dahilan para mapalapit ako sa kaniya. Damn! What the hell is he doing?
Para naako ditong sasabog na kamatis. Hindi ko man makita ang mukha ko pero alam kong namumula na ako.
"E-eithan?" Dahandahan kong tawag sa pangalan niya habang nakatitig siya saakin at malapit ang mukha namin sa isat isa.
Mas nakakagulat ng ilapit pa niya lalo ako sa kaniya. Nanlaki ang aking mata sa kaniyang ginawa kaya hindi na ako makapagsalita pang muli dahil halos magkadikit na ang ilong namin.
Gusto Kong sapakin siya sa ginagawa niya. Dahil parang siya wala lang ang mga pinagagagawa niya samantalang ako ilang na ilang na.
"You're blushing..." Sa sobrang lapit niya ay amoy na amoy ko ang malamig at mabango niyang hininga.
Hindi ko naman maalis ang nanlalaki Kong Mata sa kaniya dahil sa pagkakagulat sa ginawa niya.
"Don't look at me like that Celestine." Para bang sa twing magsasalita siya ay maagaw ng pansin ko ang labi niyang mapula na hindi naman ganun kanipis.
Naiinis ako sa ginagawa niya. Urgh!
"One wrong move and I'll kiss you."
Nanindig ang balahibo ko sa mga pinagsasabi niya plus malapit lang siya kaya Hindi malabong magawa niya yon.
"D-dumistansya ka nga Eithan"
Kahit na kinakabahan ako ay tinabayan ko ang loob ko. Hindi niya ata alam ang ginagawa niya. Masyado akong naiilang sa pinagagawa niya e.
"Eh paano kung ayaw ko?" Shit! Napapikit na lamang ako at mabilis na ibenent ang likod ko.
"Haha. Mukha ka ng kamatis na sasabog anumang oras!" At sa pagkakataong iyon ay binatawan niya na ako pati kamay ko.
Hindi parin ako makapaniwalang tinawanan niya pa ako kahit alam na niyang namumula na ang magkabilang pisngi ko.
Dahil nakatalikod naman siya ay inirapan ko siya at umaktong sasapakin siya pero mabilis na lumingon siya kaya naman nagkunwari akong nasaktan lang ang kamay. Damn that boy!
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Genç KurguThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
