CHAPTER 42 FESTIVAL DATE

119 2 0
                                    

CELESTINE'S POV

Matapos ni Eithan magpaalam kanina ay Panay ang kwentuhan namin. Nakaupo kasi kami sa may labas ng bahay nila Eithan.

Nagkaayos narin kami ni Meryl at Aina. Nagsorry sila saakin sa mga ginawa nila,at pinatawad ko naman sila at ngayon ay magkakaibigan na kami.

"Guys!Come here come here" Sabi ni Aina na inuutusan kaming lumapit sa kaniya ng konti.

Tamad na sumunod naman kami sa kaniya."May Festival date naba kayo?"        

Excited ang tono ng kaniyang salita noon. Festival date? Kailangan ba talaga noon?

"Ako kase meron na.... Inaya na ako ni Drake kanina lang. Urghhh" tapos pipikit pikit pa ang kaniyang mata na akala mo ay kilig na kilig siya.

"Kailangan pa ba talaga nun? Diba hindi masyadong maganda ngayon kung magsasaya tayo? Nakaabang lang ang panganib sigurado na yon"

I agreed to Jake cuelvar,maaaring yon lang ang inaantay na pagkakataon ng mga kalaban. Ngunit mahirap naman dahil masyadong maraming bisita sa Festival na magaganap,marami din ang taong maaaring madamay at masaktan....

Nakita ko ang biglang pagbabago ng mood ni Migo at ako lang ata ang nakapnsin nun.

"Pero wala naman sigurong masama kung eenjoyin natin ang Festival na yon dahil malakas naman tayo diba? Kayang kaya natin ang panget na mga  kalaban"

Kahit na seryoso kaming napapaisip ay napatawa kami sa birong iyon ni Aina. Hindi naman maipagkakailang malalakas sila,pero hindi naman siguro matatapos ang labanan ng walang nasasaktan at worst ay walang namamatay.

"Ay nako,basta ako may kadate nako
Bahala na kayo Jan kung wala pa kayo." Tapos umupo na si Aina sa may tabi at nililikot ang dala niyang aso.

"Ella partner na tayo ha. Isusumbong kita kay Tito Rico pag dik-"

"Oona!" Sabi ni ella habang tinapalan ang bibig ni Jake. Mukha talaga tong dalawang toh na aso't pusa.

Binalingan ko ng aking tingin si Meryl na nasa tabi ko. "Ikaw ba? May nagyaya naba sayo?" I'm stupid to asked her like that,maganda si Meryl at dimalabong mawalan siya ng kapartner.

Nakita ko ang pasimpleng paglungkot ng kaniyang mata. Nag aalala tuloy ako bigla. "Ah kase ano...." Hindi niya masambit ang sasabihin niya.

"Kase-"

"Ceslestine tayo ang magkapartner sa Festival." Nilingon ko si migo bakas na sa kaniya ang tuwa. Kaso Hindi ko lang alam kung papayag si Eithan sa gustong mangyari ni Migo.

Binalingan ko ulit ng tingin si Meryl. Mukhang hindi niya alam kung pano sasabihin sakin.

"Si a-ama kase....gusto niya na kami ni E-eithan ang magkapartner...pero don't worry pinipilit ko naman si ama na wag nalang...."

Nahihiya pa siya ng sabihin yon. Kaya pala...kaya hindi niya masabi saakin kasi natatakot siya.

I smiled to her kahit medyo tutol ako. Hindi ko alam kung alam na ba ni eithan pero mas mabuti na kung papayag ako sa gusto ni migo.

"Migo! Payag nako na magpartner tayo" sabi ko na ikinagulat nilang lahat.

Naguluhang tumingin saakin si Meryl. "T-teka p-pano si eithan?"

"Hindi naman yon magagalit,saka magalit man siya mawawala din yon agad" tas ngumiti ako.

Binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. May part parin saakin na gusto Kong malaman kung bakit ganun na lang ang nais ng ama niya ngunit siguro ay wala ako sa tamang posisyon para magtanong.

Natapos ang maghapon at kami ang magkakasama pwera lang kay eithan na hindi parin dumadating hanggang ngayon.

Nakauwi na ang iba samantalang kami ni migo ay naiwan pa kasama si Ella.

"Mabuti pa celestine,mauna na kayong umuwi. Baka magalit ang senior David dahil baka abutin na. Kayo ng late sa oras na ibinigay niya sayo." Ella

Tiningnan ko si Migo ngumiti lang naman ito. "Okay lang,intayin mo na baka dumating na yon. Magpapakusot na lang tayo kay lolo" migo

Nag intay pa kami ng sampung minuto,at limang minutl nalang din ang natitira bago ang oras na binigay saamin ni senior David.

Umabot na ang sampung minuto ngunit wala parin si Eithan. Nakakaramdam na ako ng pag aalala.

"Teka susubukan kong pakiramdaman kung ayos lang ba si Kuya. Makakaya ko naman yon dahil nasanay na ang isip ko sa paghahanap doon twing late na umuuwi" sabi ni ella na pumwesto na at pumikit.

Maya maya lang ay ngumiti na siya. "Okay lang si Kuya celestine,wala naman akong nararamdamang panganib na malapit sa kaniya."

Nagpasalamat ako kay ella dahil kahit papaano ay naging panatag na ako na malaman na ayos lang si eithan.Mabuti na lang at nadetect parin ni ella si eithan kahit na nasa malayo si Eithan at yon ang kapangyarihan na taglay ni Ella.

Nadedetect niya sa isang tao kung mapapahamak ba o hindi ang taong yon. Nakikita niya rin ang maaring mangyari pagkatapos ng isang araw.

Hindi kami late na nakauwi ni Migo. Para kaming baliw dahil tawa kami ng tawa ni migo.

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now