CHAPTER 44 THE LETTER

115 4 0
                                    

CELESTINE'S POV

Wala na akong inaksayang oras at binuksan ko na yon.

'To:Celestine

    Anak,hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan,marami akong hindi nasabi sayo kaya sana mapatawad mo ako. Nauunawaan ko rin naman kung hindi mo ako mapapatawad.
     Nakarating na saakin ang balitang nalaman mo na,na hindi ako ang tunay mong ina Kundi si Celestina Primo. Kaibigan ako ng iyong ama at ng iyong ina,matalik na kaibigan. Nagawa kong alisin sa memorya mo ang ilan sa mga alala niyo ng iyong ina dahil gusto ko noong ako ang ituring mong ina,ganunpaman ay alam ko ng Mali iyon kaya anak,patawad sa nagawa ko.
      Napagpasiyahan ko na isulat na lamang ito dahil hindi ko rin naman alam kung makaabot pa ako sa gaganaping Festival Jan sa bayan ng Pelison,dahil noon pa man Simula ng umalis ka ay alam kong may nagmamatyag nasa amin na mga kalaban.
         Saka anak,gusto kong malaman mo na buhay ang iyong ama...buhay si Arman primo,palagi siyang nakabantay sayo sabi niya saakin ng minsang magkita kami ngunit patago dahil nga sa mga mata ng mga kalaban. Buhay ang iyong ama celestine...
                     From:Ana'

Matapos kong mabasa ang sulat nayon ni ina ay mabilis na tumakbo ako sa labas. Sinisigurado kong siya yon! Si ama yong nakita ko kanina sa may puno malapit dito. Buhay si ama!

Takbo ako ng takbo at kasabay non ang luhang kusa ng kumakawala sa mata ko.

Pagkalabas ko ay napansin kona agad ang mga nag iintay kong mga kaibigan. Andun rin si Eithan na nagtataka siguro kung bakit diko manlang sila nagawang lingunin kahit na dinig ko ang tawag nila saakin.

Kailangan ko siyang makita! Kailangan kong makausap si ama! Gusto kong malinawan sa lahat lahat kung anong nangyari at kung paanong isinekreto niya saakin yon.

Nasa gubat na ata ako at puros puno na nagtatasan ang naririto.

Mariin akong napapapikit dahil sa pagod sa pagtakbo at pag iyak ko.

"Ama!!!!" Tawag ko kay ama. Nandito lang siya,nakikita niya ako,binabantayan niya ako kaya imposibleng wala siya sa sulok ng gubat natoh.

Nakailang tawag ako kay ama habang umiiyak ngunit hindi naman siya nagpapakita.

"Celestine." Malamig na boses ni eithan,lumingon ako sa kaniya ng gulong gulo ang itsura at nasa tabi niya pa si migo at iba naming mga kaibigan.

Ang mata ni Migo at eithan na parehas na parehas ang tingin saakin... Hindi kaya alam nila na buhay ang ama ko kaya kahapon pang ilag si Migo sakin at yon din siguro ang pinuntan ni Eithan kahapon....

Ang unfair nila.....

EITHAN'S POV

I cursed my self this time. Tangna! Nasasaktan ngayon si Celestine at ma's doble yon saakin dahil nakikita ko siyang nahihirapan at umiiyak.

Nilapitan ko si Celestine ngunit lumayo naman siya. Damn! Alam naba niyang alam ko na buhay ang ama niya...

Nakita ko na ang tingin niyang nakakatakot. Her demonique glared....

Nagsisimula ng maglabas ng apoy ang buo niyang katawan napaatras ang mga kasama ko ngunit ako ay dinagpatinag. Paghindi ni celestine na control ang katawan niya,maaaring magkaroon ng malawakang sunog sa buong kagubatan na ito and too bad to her dahil kung hindi niya ilalabas ang apoy sa buo niyang katawan ay siya naman ang mapapahamak.

"Migo,gumawa ka ng malawak na barrier saaming dalawa ni celestine. Susubukan ko siyang yakapin at balutin ng yelo ang ginagawa niyang apoy,tibayan mo dahil sa oras na matakluban ko ng yelo ang apoy na nagagawa niya ay sasabog yon." Litanya ko at sumunod naman si migo. Nagsi atras ng konti sila ella at iba pa.

Si migo ay nagsimula ng gumawa ng barrier. Ako ay lumapit na ng mabilis kay Celestine at sinubukang sakupin ang apoy na nagagawa niya na.

Malapit na ako sa kaniya at nakikita ko na pumikit na siya at malamang ay pinipigilan niya at nilalabanan ang sarili niya.

Hindi ko na inisip na apoy ang nakabalot sa kaniya dahil mabilis ko siyang niyakap,wala na akong pakialam kung mapaso ako o anuman,kailangan ako ngayon ni Celestine. Kailangan niya ako ngayon.

CELESTINE'S POV

Bago ako pumikit para labanan ang sarili kong gumagawa at naglalabas ng apoy ay nakita ko pa si Eithan na papalapit saakin at gumawa si migo ng barrier.

Naglalakad si migo habang sa bawat paglalakad niyang iyon ay ang apoy na nadadaanan niya dahil saakin ay nagiging yelo na.

Nakaramdam na ako ng pamumula ng aking mata,hindi ko na halos makilala ang sarili ko. Para na akong sinaniban ng kung ano dahil kusa na ang katawan kong nagpoform ng apoy.

Bago pa ako mayakap ni eithan ay nakapikit na ako. Naririnig ko pa siya kahit papano. "Be strong Celestine...."

Marahan kong minulat ang mata ko,nakita ko ang repleksyon ng aking mata sa mata niya. Hindi na ako ito! Hindi na ako ito!

Lalo kong naramdaman ang init sa paligid at nag aalala na ako para kay eithan dahil baka hindi niya na kayanin pag nagkataon.

Nanlaglag nanaman ang aking luha at para bang unti unti na akong kinakain ng kung sinumang sumanib saakin.

"Wag mong hahayaang tuluyan kang sakupin ng sumanib sayo Celestine.. I'm begging you... Pleaseee...." Dinig kong sabi ni Eithan sakin,habang ako ay unti unti ng nakakaramdam ng init sa katawan.

"Please..." Kasabay ng tuluyan kong pagpikit ay ang ang labi ni eithan na naramdaman kong dumikit na saakin.

Nagawa ko pang mumulat kahit saglit at nakita ko sakaniyang mata ang pagluha niya ngunit hindi na ata talaga kaya. Masyado ng nag aalab ang katawan ko. At nahihirapan na ako........

Isang malakas na pagsabog ang huli na aking narinig. Pagkatapos ay tuluyan nakong nawalan ng Malay....

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now