CHAPTER 6 UNEXPECTEDLY VISITORS

238 11 0
                                    

CELESTINE'S POV

Pagkarating namin sa aming bahay ay napapalibutan na ito ng mga tao. Biglang kumabog ang aking dibdib dahil si ina ay maaaring nakarating na kanina pa.

Tinakbo ko ng mabilis ang bahay namin. Nagulat na lamang ako na makitang nagtatawanan sila ina pati na ang mga taga Pelison. Anong nangyayare? Bakit kausap sila ni ina? Bakit naririto sila?

Nasa may pintuan ako kaya naman sa pagmamadali ko at pag aalala ay nakagawa ako ng atensyon na diko naman alam na makukuha nila.

Napayuko na lamang ako sa hiya at paniguradong mapaparusahan ako dahil sa Kalapastanganang nagawa ko. "P-paumanhin po." Tanging lumabas sa bibig ko.

"Celestine!!!!" Tawag sa pangalan ko ng pamilyar na boses. Tiningnan ko kung sino ito at doon ko nakita si Ella.

Yakap ang sumalubong saakin at manaka naka akong tumingin sa mga kasamahan niya. "Kanina ka pa naming iniintay. May ibabalita kami sayo." Dagdag niya pang sabi.

Inaya niya akong maupo sa upuan namin para raw ipaliwanag kung bakit naririto sila. Wala naman akong magawa kundi sumunod sa kaniyang gusto.

Sa tabi ako ni ina naupo. Nahihiya ako dahil hindi manlang ako nakapag palit ng damit ko at nakapag handa sa pagdating nila. Biglaan lang talaga ang mga pangyayari ngayon.

"Iha,ipagpaumanhin mo sana ang pagparito namin ng di sainyo nakakapag paalam. Nasabi ng aking anak na si Ella ang nangyari nitong nakaraang araw." Litanya ng isang lalaki na siguro ay ama ni Ella.

"Ipinaliwanag niya ang pangyayaring iyon at labis kaming nagpapasalamat sa pagligtas mo sa kaniya." Dagdag ng ama ni Ella at nang mapapunta ang tingin ko sa kaniya ay nginitian niya lang ako.

"A-ah pasensya na po,nagkataon lamang po ako sa gubat na iyon. Kung paparusa-" naputol na ang sasabihin ko dahil sumingit bigla si ina.

"Anak,hindi ka nila parurusahan. Naparito sila upang sabihin sayo na...." Hindi na maituloy ni ina ang sasabihin niya habang ako ay nag iintay lamang sa kaniyang pagpapatuloy sa pagsasalita. "Papasok ka sa bayan ng Pelison,anak alam kong mahirap toh para sayo pero makakatulong ito sa kapangyarihang taglay mo." At napahawak sa kamay ko si ina.

Natatakot ako,naguguluhan sa pangyayari. Bakit? Bakit ni ina sinabi sa kanila ang kapangyarihan ko?

Naluluha akong tumingin Kay ina at umiiling pa. "Ija,wag kang mag alala,hindi namin pababayaan ang pamilyang maiiwan mo rito. At sa loob ng aming bayan ay hindi ka rin namin pababayaan roon." Sa pagkakataong ito ay ang ina naman ni Ella ang nagsalita.

"Atsaka ija,matutulungan ka naming ma-enhance pa lalo ang kapangyarihan mo." Dagdag pa nito.

Hindi ko sila magawang tingnan. Paanong nalagay ako sa ganitong sitwasyon? Sasama ba ako? Ngunit paano kung....

"Bukas ay babalik dito ang mga tauhan namin para isama kana sa aming bayan. Ang bagong bayan mo." At tumayo na ang ama at ina ni Ella at siya na lamang ang natitirang nakaupo sa tabi ko.

Hinarap ko siya habang naiiyak."Bakit? Bakit mo sinabi sa kanila?" Gusto Kong malaman ang dahilan ni ella. Hindi madali ang gusto nilang mangyari. Maaari silang madamay sa kapangyarihang meron ako.

"Celestine! Malakas ka,at kailangan mong magpalakas pa lalo saaming bayan. Doon ay matutulungan ka namin. At isa pa,doon ay maitatago ka namin sa mga rebeldeng nakakaalam ng kapangyarihan mo." Ella

Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya at pagkatapos ay Kay ina."sa nangyari noong araw na iniligtas mo ako sa may gubat,nakita ko ang kapangyarihan mo. Hindi ka lang basta nakakahawak ng palaso,nagagawa mo pang paapuyin ito. Ngunit alam Kong nakita mong nakatakas ang mga kumuja saakin. Maaari nila iyong ibalita sa iba pang rebeldeng kasamahan nila."Masasabi kong nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Siguro naman ay di sinabi ni ina ang tungkol sa tunay Kong kapangyarihan pagsapit ko ng ikalabing walong taon.

"Alam mo gusto kong magalit sayo ella,dahil sa sinabi mo ang kakayahan ko sa ina at ama mo. Ngunit hindi ko naman magagawa yon dahil magpapasalamat pa ako sayo. Isa ito sa pangarap ni ama saakin,ang makapag aral at mapag aralan ang kapangyarihan ko." Ako

"Pero ate cece,malalayo ka saamin! Diko na makikita pa ang mga bago mong natutunan pag sumama ka sa kanila." At nagtatakbo na si Rica papasok sa kwarto niya.

"Paano ba yan celestine,alam kong magkikita pa tayo bukas. Aasahan ko ang pagdating mo sa aming bayan." Umalis na si ella kasama ang mga kawal na kasama niya.

Pagkatapos ng usapang iyon ay hiniling ko Kay ina na mapag isa muna ako at gusto Kong mapag isip isip.

Nasa labas ako ng bahay namin. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin,nakayakap ako sa sarili ko.

Masyadong mahirap ang nangyayari ngayon,kailangan Kong pumili. Pero,kung mananatili ako sa bayan nila ella,maaaring abutin naako doon ng ikalabingwalong taon ko at ang pinaka kinatatakutan Kong mangyari. Ang lumabas ang nakakatakot Kong kapangyarihan na nakakubli sa akin.

Isang yakap mula sa likuran ang natanggap ko. "Patawad anak,patawad dahil pumayag ako na sa kanila ka tumira. Magtiwala ka lang anak sa kanila." Ina

"Pero ina,maiiwan kayo rito diba? Paano na lamang sila rica at arah?"ako

"Pinangukuan niya ako na sila ang magpapaaral kina arah at maging Kay rica." Ina

Hinarap ko si ina,nasasaktan ako. Pero sa tingin ko kailangan ko talagang magsakripisyo. Athanggat kaya kong itago ang dapat itago ay gagawin ko. Makatapos lang ang kapatid ko sa pag aaral nila.

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now