CELESTINE'S POV
Inabot na ng Gabi ng makarating kami sa mala-palasyong bahay ni Senior David.
Samantalang pagkarating namin ni Migo ay dumiretso kami sa isang silid na kinalalagyan ni Senior David.
Nakatalikod siya saamin dahil sa pagkakaupo niya. Halos manlaki ang Mata ko ng makita ang ang kabuuan ng magical city.
Humakbang pa ako ng konti para lang mas makita ang nagliliwanag na buong magical city. "Whoaaaa" I almost lower my voice.
"Celestine...pagmasdan mo ang isang malawak na lugar na yon,kakaunti pa lamang ang ilaw hindi ba? Yon ay ang bayan na siyang pinuntahan niyo ni Eithan at ang bayan ng iyong ama" senior David said.
He's right,yon ang bayan ng Heriya. Dahil Gabi na ay kapansin pansin ang kakaunting ilaw sa kanila kumpara sa ibang bayan na maiilaw.
Nayukom ko ang kamao ko. Gusto ko ng matapos ang gulo. Gusto ko ng maibalik ang bayan ko,ang bayan ng ama at ina ko.
"Maupo ka at marami akong ibabahaging kwento sayo." Hindi mo sa kaniya mababakas ang anumang takot kundi puro kaligtasan ang mararamdaman mo.
Sinunod ko naman si Senior David at maging si Migo ay ganun din."Bago maganap ang hindi ka nais nais na ginawa ng mga rebeldeng bayan o mga taga Neridas ay parati kanang dinadala dito ng iyong ama." Isinandal ni senior David ang kaniyang likod sa kinauupuan niya na automatikong nagbent ng konti.
Hindi ko naman magawang makisabat sa kwento niya dahil gusto kong matapos niya yong nasabi niyang ibabahagi saakin.
"Bata ka palang ay Alam ko na agad na malakas ka na hindi ka isang ordinaryong bata. At kung susuruin ay mas malakas ka sayong ama." Parang natawa ako part na yon,I'm just like a little girl who doesn't know how to fight but ama,took me how to fight when I was young.
"Nagulat pa nga kaming lahat nung dalahin ka niya dito at nagkaroon ng gulo pero tinulungan mo ang amain mo gamit ang nagliliyab na pana mo." Pagtutuloy niya sa kwento.
"I was salute you then,and until now you still brave enough to fight for every battle."
At lumingon na siya saakin. "At gaya ng bilin ng ama mo saakin nung nabubuhay pa siya.....poprotektahan kita hangga't kaya ko,kahit kapalit noon ay kamatayan ko. Dahil darating ang araw na ikaw ang magtutuloy ng hindi naituloy ng ama mo."
"Balang araw ay ikaw ang mamumuno ng magical city....."
Siguro ay kung hindi namatay si ama ay siya na ngayon ang namumuno na buong magical city.
"Ammn. Senior David,gaano po ba kakilala si ama sa buong magical city?" I asked to Senior David.
Sandali yong tumikhim bago nagsalita."Ang iyong ama ay kilala ng lahat. Isa siyang mahusay,masipag at magalang na tao. Kung kayat marami ang naghahangad noon na mapabagsak ang iyong ama. At dahil sa mithiin ng mga rebelde na sila ang mamalakad ng buong magical city ay nagawa nilang mapatay ang iyong ama at ina." Hindi na ako magtataka kung bakit gustong gisto nilang makuha ang dragon ko at mapatay ako.
"Kaya hangga't maaga pa ija,sasanayin kita sa paggamit ng dragon na nasa kwintas mo."
Napahawak ako sa kwintas ko. Tama si Senior David,kailangan na mapaghandaan ko ang darating na labanan. Dahil alam Kong hindi titigil ang mga kalaban hanggat dinila ako napapatay at hindi nila nakukuha ang dragon ko.
Sinilip ko si migo ngunit naghihilik na siya. Marahan naman akong napangiti dahil ang cute niyang matulog.
"Hindi lang buomg Heriya ang umaasa sayo celestine,kundi buong magical city....umaasa kaming lahat ng kapayapaan...."
Pahuli niyang salita.
Lumipas pa ang ilang oras at tuluyan na akong dinala ng mga kawal ni senior David sa kwarto na tutuluyan ko. Halos kasinlaki rin naman yon ng kwarto na tinuluyan ko kina Ella.
Tamad na inihilata ko ang katawan ko sa malambot na kama. Tinititigan ang puting kisame.
Bukas ay magsisimula na akong maghanda. Anumang araw ay maaari kaming salakayin ng mga kalaban at hindi dapat kami makampante.
Napahawak akong muli sa aking kwintas. Kapansin pansin doon ang kulay red na usok.
"Matutunan ko rin na gamitin ka,at katulad ng ginagawa mong pagprotekta saakin ay poprotektahan din kita."Salita ko habang nag iisa ako at hawak ang kwintas ko.
I started to close my eyes....
'I love you celestine....'
Bumalikwas ako sa pagkakahiga ko. Naalala ko nanaman si Eithan..Damn!
Iginala ko ang Mata ko sa kabuuang kwarto at humanap ng salamin,hindi ako nabigo dahil sa isang tabi ay may cabinet don. Mukhang pinaghandaan nga talaga ito ni Senior David.
Nasa harapan ako ng malaking salamin,pinagmasdan Kong maigi ang aking labi at hinawakan iyon. Mariin naman akong napapikit.
Hindi nagtagal at mumulat ako,iritang bumalik ako sa Kama at ibinaon ang mukha ko sa unan.
Pagod na ako,ngunit hindi ko magawang makatulog dahil twing ipipikit ko ang Mata ko ay nakikita ko si Eithan.
Urggggggghhhhh!!!!!
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Novela JuvenilThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
