CHAPTER 25 I'M FINE

145 6 0
                                    

CELESTINE'S POV

"My ghad! Mabuti pa talaga hindi ko na lang kayo iniwan sa labas kahapon" nag aalalang sabi ni Ella.

Kagigising ko lang at siya naagad ang bumungad saakin.

Kinapkap ko ang aking kwintas matapos Kong makita kung nasaan ako.

Napansin ko ang tahimik na si migo sa gilid. Iniisip niya siguro na dahil sa kaniya kaya kami nalagay sa ganung sitwasyon kahapon.

Bumukas ang pintuan at kaming tatlo ay napatingin dun."Celestine!" Niyakap agad ako ni Tita Martha na siyang iniluwa ng pintuan.

Tiningnan niya ako na parang sinusuri ang buo kong katawan. Hindi niya kasama si Tito Greg.

"Okay na po ako." I said to her kaya natigilan na siya sa paglilibot ng kaniyang Mata saakin.

"Nabalitaan ko na inatake kayo kahapon ng mga rebeldeng taga Neridas." Pag uumpisa niya. "Nag alala ako sayo dahil alam ng lahat na ikaw ang pakay nila at yang dragon na nasa kwintas mo."

Mariin akong napahawak sa aking kwintas. Bakit ba nila kailangan nito kung meron na silang mas malakas pa sa dragon ko?

Nagbukas muli ang pintuan at nabigla ako sa taong inuluwa noon. Si Eithan,gulong gulo ang buhok at may nakapulupot sa kaliwang braso na parang tela at halata mo pa na may dugo dun. Marahil ay napuruhan siya kahapon.

"Sige na mauuna na ako,dadalo pa kami sa pagpupulong ngayon ng magical city." Pagpapaalam ni Tita Martha. Nginitian ko nalamang siya at nagpaalam din sa kaniya.

"Kamusta ka?" Muntik na akong mapamura ng magsalita ang lalaking nasa tabi ko. Bigla konaman naalala ang ginawa niya kahapon. Niyakap niya ako.

"I'm fine."Tipid Kong sagot. Hindi ako sa kaniya makatingin dahil pansin ko ang titig niya saakin.

"Kuya wala ba kayong training ngayon nila migo?" Tanong ni Ella habang papalapit saamin habang si migo ay nananatili paring tahimik.

"Sa palagay mo pupunta ba ako dito kung may training kami ngayon?" Malamig ni Eithan na sagot sa tanong ni ella. Siguro ay napairap nalamang si Ella dahil sa pamimilosopo ng Eithan sa kaniya.

"Muntik ka ng maging pilosopo Kuya"pagbibiro ni ella na hindi manlang inintindi ni Eithan dahil nakatitig padin.

Ano bang problema niya?hindi ba niya napapansin na naiilang ako sa ginawa niya.

Hindi sinasadyang mapatingin ako sa braso niya na may nakapulupot na tela."Ikaw?kamusta ka?"Tanong ko sa kabiya ng hindi siya tinitingnan at tanging braso niya lang ako nakatingin.

"Wag mokong tanungin niyan,ayos ako at dahil nakita kitang ganyan ka mukhang hindi na."

Hindi ko alam kung san ako nakahugot ng lakas ng loob para matingnan siya na nakatingin din saakin.

Shookt! Nakaramdam ako ng pag init ng pisngi,shit!

Mabilis Kong iniwas ang tingin ko sa kaniya dahil diko kayang sabayan ang malalamig niyang mata.

"K-kuya? B-bubumabanat kana?"

Isang yelo na matulis ang mabilis na tumama malapit sa direksyon ni ella kaya nagulat si ella at mabuti na lang ay mabilis siyang nakailag.

"Ano kaba Kuya! Papatayin mo ba ako ha!" Gigil na gigil si Ella at ng saktong lalapit na siya sa kaniyang Kuya para sapakin yon ng mabilis na magharang si Eithan ng yelo dahilan para mapa atras si ella.

"Subukan mong magsalita ulit,ipapalunok ko na sayo ang yelo ko." Pagbabanta ni Eithan sa kapatid niya.

Nakaramdam ako ng pagkainis Kay Eithan. Nababaliw na ata tong lalaking toh.

Sinubukan kong itaas ang kanang kamay ko para sana tunawin ang yelo na ginawa ni Eithan ng biglang hawakan niya ang kamay ko.

"Don't you dare to used your powers."

Kinagat ko ang ibabang labi ko,hindi dahil sa nagulat ako kundi dahil sa posisyon ng kamay namin. Ano ba kasing nangyayari Kay Eithan.

"Baka pwedeng bitawan mo na ang kamay ni Celestine." Napalingon ako sa lalaking nagsalita,si migo na papalapit saamin."Can I talk you for a while?"

Binitawan naman na ni Eithan ang kamay ko at naglakad na palabas. Pero huminto siya sa may pintuan."Wag ko lang malalaman na ipinahamak mo nanaman siya"alam kong si migo ang pinatatamaan niya nun,nabalingan ko ng tingin ang kamay ni migo na nakayukom.

"I'm sorry celestine,I'm sorry for lett-"

"Hindi migo,wag kang magsorry kase ako yung kusang sumama sayo."

"Hey,labas na muna ako haa." At nagpaalam na si Ella saamin."wag kayong aalis"pahabol niya.

Nakatingin si Migo saakin,at gaya ng tingin ni Eithan ay naiilang ako. Nagulat ako sa biglaang pagyakap niya."m-migo?"

"Just give me 5 minutes celestine" hindi na ako pumalag at pinagbigyan ko nalang siya.

Kumalas na rin naman siya ng kaabot ang 5 minutes. "Better?" Tanong ko dahil parang ang bigat bigat ng nararamdaman niya. "Best" he replied and finally he smiled.

"First time Kong kinabahan kahapon" nilingon ko siya na seryoso lang na nakatingin sa kawalan.

"Pero natalo niyo naman diba?"

"Natalo ng dragon mo celestine"

Gusto Kong matawa,kaso hindi ko naman na naalala kung anong nangyari kahapon basta nakaramdam na lang ako ng pagsisikip ng aking dibdib at panlalamig ng katawan.

"Thank you migo.....For saving me"

Nginitian niya ako pagkatapos ko yon sabihin. Nagkwentuhan pa kami at kinuwento niya pa ang nangyari kahapon. Kaya naman pala ako nakaramdam ng pagkahirap ay naapektuhan ang katawan ko kagaya ng nangyari sa dragon ko.

Sa ngayon ay thankful ako dahil ligtas kaming lahat na nakabalik dito.

* * * *

( AN : Hey guysueee! Thank you again and again sa pagbabasa ayieee <3 Sisikapin kong mag update lagi para sainyooo. And guys! May dalawang ongoing na story pa po ako bukod dito. Yeahh! Suporthan niyo din po sana yon, Finally found someone & My Extraordinary Bodyguard. Ayern! Thankie ulittt. Lovelots.

@shanamistrong   )

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now