CHAPTER 36 OFFICIALLY

141 4 0
                                        

CELESTINES POV

Hindi pumayag si migo na magstay pa kami doon ng matagal kaya umuwi nadin agad kami.

Nasa kwarto ko ako habang nasa may bintana ako at nakatingin sa malayo. Malalim ang aking iniisip dahil sa mga nangyari kanina.

Maaari ngang kasalanan ko ang lahat.... Kung hindi sana ako nakilala ni ella hindi magiging ganito,kaso kung hindi ko naman nakilala si ella hindi ko matutuklasan ang meron sa pagkatao ko.

Nakaramdam ako ng paglamig ng paligid,sasarahan ko na sana ang bintana ko ng biglang sumulpot si Eithan na inililipad ng kaniyang malayelong pakpak.

"Wanna go out?"

Hindi ako nagdalawang isip na sumama kay Eithan. Naiinip din naman ako sa kwarto ko dahil hindi pa ako antok.

Madilim na ang paligid at tanging liwanag ng bilog na bwan ang siyang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng magical city.

Nakakapit lang ako kay Eithan dahil nasa ere kami. Kitang kita mula rito ang buong bayan.

Dahil sa malayelong pakpak ni Eithan ay diko maiwasang lamigin pero hindi kona muna ininda yon dahil busy ako sa pagtingin sa baba. Sobrang taas namin kung titignan.

"Ang ganda......" Sabi ko habang nakatingin sa baba.

"Yeah. Just like you"

Mabilis akong napatingin kay Eithan at tiningnan siya ng masama.

"May sinasabe ka?"

Nagmamaang maangan labg ako na walang narinig. Umiling naman ang mokong at ngumiti nanaman ng nakakaloko.

Nang nakuntento na ang paningin ko sa baba ay ibinaling ko naman ang tingin ko sa buong paligid.

Para kaming nasa isang romantic movie dahil nakatayo kami sa ere habang ang bwan na malaki ay parang malapit lang saamin.

Pagkaikot ng paningin ko sa buong paligid ay mukha na ni Eithan ang nakita ko.

Malamig nanga dahil sa pakpak niyang mala yelo,nadagdagan pa ng hangin.

Ang mata niya at ang Mata ko ay para bang nagpapatagalan lang sa pagtingin. Hindi ko mapigilan na mag isip ng kung ano ano na nakakapag pabilis ng kabog dibdib ko...

And for the nth time,nararamdaman ko nanaman ang pag iinit ng aking pisngi,maigi nalang at mahangin kaya naman natatakluban noon ang aking nag iinit na pisngi. Useful naman pala ang hangin kahit nagugulo na ang buhok ko.

Ang akala kong ligtas na ako dahil natatakluban na ang pisnge ko ng buhok ko dahil sa hangin ay hindi parin pala,pasimple ni eithan'g hinahawi ang hibla ng buhok ko na siyang sumasagi para matakluban ang muka ko.

Mas lalong dumoble ang kabog ng aking dibdib at lalong nag init ang aking psinge. Damn him!

"You look like a demonique angel" he said to me while staring at me.

Tumigil ang kamay niya saaking baba,napalunok ako ng malalim dahil sa nakatitig siya saaking labi.

"Magagalit kaba saakin celestine kung ngayong Gabi ay aangkinin Kong muli ang iyong labi?"

Hindi na ata mabilang ang pagpintig ng aking puso. Masyado na yong mabilis sa mga oras na ito.

Magagalit nga ba ako kapag ginawa niya yon?

Hindi ako makasagot,hindi ko kase malaman ang tamang isasagot sa tanong niyang iyon.

"Sagutin mo na dahil hahalikan na agad kita jan. Mabuti nga at nagpapaalam pa ako sayo e."

Heriya:The Lost Magical CityStories to obsess over. Discover now