CELESTINE'S POV
Iwas lang ako ng I was dahil hindi ko talaga magawang ilabas ang kapangyarihan ko. Tuluyan na akong nadidistract ni Eithan. Urgh!
Hingal na hingal akong tumigil samantalang si Eithan ay kalmado lang. Pano ba naman ay nagagawa niyang lumipad dahil sa malapakpak niyang yelo.
Tila ba binabasa ni Eithan kung anong iniisip ko.
Napailing naman ako dahil hanggang ngayon kase ay naiisip ko pa rin ang halik na yon...
Nakita Kong aatake nanamang muli si Eithan hawak ang kaniyang espada na nakakabitan ng mga yelo.
Huminga muna ako ng malalim at marahang pumikit. Pagkatapos ay umatras ako ng konti at hinablot ng mabilis ang aking kwintas at hinagis sa taas gamit ang kanang kamay ko at mabilis ding pinatamaan ng palaso ko.
Hindi ako nabigo dahil lumabas agad ang nag aalab ng dragon dahilan para mapaatras si Eithan. Mas mabuti na munang kalimutan ko na yon at magfocus sa laban.
Samantalang hindi ko akalain na gagawa ako ng estratehiyang ganon. Ang ihahagis ang aking kwintas at patatamaan ng aking palaso.
MIGO'S POV
Napatayo sila Lolo David ng makita ang mabilis na paggalaw ni Celestine na iyon. Lahat kami ay tutok sa labanan nila ni Eithan. Last time ko silang nakitang naglaban ay nung nadatnan ko silang nag lalaban na.
"Hindi maipagkakailang namana ni Celestine ang mabilis na pagkilos ng kaniyang ama."
Dinig Kong nagsalita si ama na katabi lang nila lolo at ng iba pang matataas na taga magical city.
Hindi ko maalis ang tingin ko kay Celestine. Habang tumatagal ay lalo siyang nasasanay sa paggamit ng nakakatakot na dragon niya.
Magandang laban ito kung tutuusin. Maya maya lang ay hindi nalalayong ilabas din ni Eithan ang Dragon na kaniyang tinatago.
"Dude,siya pala yong kilala sa buong bayan bilang the girl on fire? Dimo manlang sinabi di sana naoaaga aga ako ng dati-Ouch"
Hinampas ko siya ng hawak kong papel. Nakita ko naman ang masamang tingin ni Meryl kay Celestine kaya lumapit ako sa kaniya at iniwan si Jake.
"Beastmode?" Maikling tanong ko sa kaniya.
"Obviously"tipid na sagot niya.
Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya kay Celestine e sa pagkakaalam ko naman ay mabait si Celestine at hindi kagaya niya na medyo maldita.
"Shit!Ayan na!"
Nilingon ko agad ang dalawang tao na nasa loob ng field pare-parehas na silang mukhang pagod.
At ito na...nilabas na ni Eithan ang kaniyang Ice dragon. Siguro ay pantay na ang laban ngunit hindi panaman gaanong gamay ni Celestine ang dragon niya kaya medyo lalamang siguro ng kaunti si Eithan.
CELESTINE'S POV
Kagaya ko ay may dragon din pala si Eithan,hindi ko yon inaasahan ngunit talagang may dragon din siya.
"Para fair." Biro niya at saka muling sumalakay sa pwesto ko.
Ilang beses ko na siyang napuruhan sa tulong ng palaso ko at maging mismong mga kamay ko. Kaya kong magform ng ibat ibang matutulis na bagay gamit lamang ang apoy.
Nakakailang tama narin saakin si Eithan. Kapansin pansin nanga sa buong katawan ko ang puros daplisan ng mga yelo ni Eithan na ipinorm niya na parang dagger at sunod sunod na pinatama saakin.
Mabilis na sinugod namin ang isa't isa na may hawak kaming mala espada,ang akin nga lang ay parang apoy at ang kaniya naman ay yelo.
Samantalang ang mga dragon naman namin ay may sarili ding laban,isinulyap ko saglit ang aking Mata sa taas kung saan sumugod parehas ang aming dragon ni Eithan.
"I love you celestine...."
"Shit!" Napamura ako ng biglang mawala ako sa Pagko concentrate kaya naglaho ang mala apoy na aking espada kaya naman ang yelo na malaespada ni Eithan ay tumama sa kanang braso ko.
Napaupo ako sa hapdi ng makitang dumudugo na ito.
Agad akong nilapitan ni Eithan. "S-sorry"
Unti-unting bumalik sa dati ang kaniyang itsura. Nawala na ang malapakpak niyang yelo at maging ang espada na parang yelo din.
Nagsidatingan narin sa loob sila migo. Nakita kong bumalik si Eithan malapit sa kaniyang dragon.
Pinilit Kong makatayo,halos nagkakainitan narin ang dalawang dragon. Tama na siguro na naensayo ko kahit papaano ang aking dragon.
Kinuha ko agad ang kwintas kahit na nahihirapan ako. Inihagis ko yon malapit sa pwesto ng dragon ko. Mapayapa naman itong bumalik sa kwintas ko at pagkatapos nun ay napaupo na muli ako.
Masyadong malaking hiwa ang nangyari sa braso ko kaya madami din iyong naidugo.
Dinala naman ako agad nila Senior David sa kanilang malapalasyong bahay nila at agad na ipinagamot sa isang healer.
Hinanap ng Mata ko si Eithan at Ella ngunit wala na sila. Nakalimutan ko nga palang nasa loob ako ng pmamahay ni senior David. Mamaya nalang ako sa kanila magpapakita pag nagamot na ito.
Mabilis na nawala ang sugat ko ng gamutin ako ng isang healer. Para siyang dwende dahil sa liit niya at mahahabang tenga na meron siya.
"Okay na po siya Senior David" salita ng dwende sa maliit na boses.
Umalis na agad iyon at naiwan nalang kami ni Senior David. Si migo ata ay nagpaiwan din sa labas kasama sila ella at Eithan.
Mukhang nagets naman ako ni senior David na gusto ko munang lumabas kaya pumayag siya. Ipinahatid niya ako sa dalawang kawal niya.
Tahimik lang kami sa paglalakad papalabas at maya maya pa ay nakita ko na si ella,at si Eithan na naka upon lang sa sulok. Andun din sila Tita Estella at Tito Rico.
"Celestine! I'm glad that you're okay now." Sabi ni ella at mabilis akong niyakap. Nakita ko ang pagtingin ni eithan saakin. Na para bang nagsasabi ang kaniyang Mata ng sorry.
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Fiksi RemajaThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
