EITHAN'S POV
Hinanap ko si Celestine dahil hindi ko na sya nakita pa Simula ng magpunta kami ni meryl sa kusina.
"Nakita mo ba si celestine?" Pabulong Kong tanong kay ella.
"Nagpaalam siya saglit na magpapahangin sa labas" bulong din ni ella sakin.
Bago ako lumabas para hanapin siya ay nilingon ko ang iba pang nasa loob,wala din si migo. Kaya siguro magkasama silang dalawa sa labas. Ano yon gusto ni migo na masolo si Celestine e halos masolo nanga niya si celestine dahil sakanila ito nakatira. Urghhh!
Lumabas ako ng bahay ng nakayukom ang aking kamay. Ayaw ng pakiramdam na ito.
Tumigil ako malapit sa pinto ng makita kong panay ang kulitan ng dalawa ni migo at celestine mas lalo tuloy akong nainis.
Mas natriple lalo ang inis ko ng yakapin ni migo si celestine at parang wala lang yon kay celestine.
Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ang dalawa. Damn migo damn!
Siguro ay napansin na nila ang presensya ko kaya agad na kumalas sa pagkakayakap si Celestine at inambangan pa ng siko sa sikmura ang pasimpleng tumatawa na si migo.
Nagpaalam na si migo na aalis,hindi ko siya nilingon at tanging kay celestine lang ako nakatingin.
Tinanong niya ako kung hindi raw ba ako uupo ngunit binalikan ko siya ng tanong na kung hindi ba siya tatayo.
I want to hug her right now,I think.... I think... I'm jealous. </3
Pagkatayo niya ay mabilis ko siyang niyakap. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko. Gusto Kong sabihin sa kaniya na ako lang dapat ang yayakap sa kaniya.
"E-eithan?" Naguguluhang tanong ni celestine. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya.
"Alam mo ba na naiinis ako kay migo dahil niyakap niya ang babaeng pinakamamahal ko?"
Hindi ko na alintana ang malamig na boses ko at kung ano ang mga sinasabi ko sa kaniya.
"Alam mo rin ba na naiinis ako na magkasama kayo ni Meryl?"
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Kaya ba siya lumabas at saglit na nawala kasi naiinis siya saamin na makitang magkasama kami ni meryl. Uh oh,dilang ata pala ako nagseselos dito maging siya rin.
Kinalas ko na ang pagkakayakap ko sa kaniya at tiningnan siya.
"Nagseselos ka?"tanong ko.
"Ano sa palagay mo?" Pagbabawi niya sa tanong ko.
"Base naman sa nakikita ko,oo?" Sabi ko
Tumawa siya ng mahina. "Okay you win" so nagseselos nga din pala siya kagaya ko.
"No its a tie." I said and I kissed her lips.
"You're mine,kaya hindi kana pwedeng magpayakap kay migo" sabi ko na alam Kong tututol siya.
"But migo is my friend,is our friend. Hindi naman yon maiiwasan" sabi konanga ba.
Ngumiti nalang ako sa kaniya inaasahan ko rin naman kase ang sagit niya.
"By the way,kaya ba kayo magkasama ni migo dahil nagseselos kang makita na magksama kami ni meryl."
Umupo na kaming dalawa dahil nakakangawit na nakatayo lang kami.
"Yes?" Tipid na sagot niya.
"Eh kayo? Bakit ba kayo magkasama ni meryl?" Tanong niya.
Wala kase siyang ideya kung bakit kami magksama kanina. Nagpapatulong saakin si meryl na gumawa ng cookies dahil gusto niya iabot kay Celestine na pang peace offering. Nahihiya daw kase siya kung simpleng sorry lang.
"Nagpatulong lang ako sa kaniya na gumawa ng cookies para ibigay sayo. Pang peace offering?"
Dumating na pala si meryl at kasama niya na sila Ella,Migo,Jake at aina.
Tumayo naman si Celestine at inabot ang hawak ni Meryl na Cookies.
"Sorry ulit ha..kung nagawa ko yon sayo dala ng galit at inggit..and oh!sorry din ulit kasi nagselos kapa tuloy samin.." Nahihiyang sabi ni meryl na bahagyang ikinangiti ko.
"Okay lang. Ang mahalaga ay hindi mo inagaw ang boyfriend ko. Hindi joke lang....haha" nag init na sana ang pisnge ko at kinilig kaso binawi din naman ni Celestine.
"Friends?"
Tanong ni Meryl habang inaabot ang kamay niya kay celestine. "Friends!" At nagshake hands na ang dalawa.
Nagtawanan kaming lahat at mas piniling dito na muna sa labas.
Lumapit saamin si ella na nakapamewang at masama ang tingin. "Kayo na pala tapos hindi niyo manlang sakin sinabi"
Ngumuso pa siya at aktong nagtatampo. Ngayon niya lang kasi yon nalaman.
Mabilis na kumuha siya ng silya at tumabi kay celestine. "Pero I'm glad na magiging ate ang tawag ko sayo"
Nag usap pa ang dalawa ni ella at celestine. Hindi ko naman nagawang makinig dahil nakatingin ako sa isang taong nasa may dikalayuan at nakatingin sa direksyon namin.
Base sa pagkakalkula ko ay lalaki iyon. Mabilis na tumakbo siya ng mapansin na nakatingin ako sa kaniya kaya nagpaalam ako saglit kina ella at sinundan ang lalaki.
Mabilis siyang maglakad kaya naman halos lakad takbo na ang ginawa ko. Bakit siya nakatingin saamin at bakit siya ngumiti ng mapatapat sa direksyon ni celestine ang tingin niya.
Naabutan ko siya kaya hinawakan ko ang balikat niya kahit na dihamak na mas matangkad siya sakin.
Inalis niya ang saklob ng hood jacket niyang kulay black. Napaatras ako ng makita ang kabuuan ng kaniyang mukha.
Kilala ko siya.... Bata pa lang ako ng huli ko siyang makita,ngunit hindi kagaya noon ay ngayon ay may katamtaman na siyang balbas... Ngunit hindi parin siya nagbabago. Siya parin si Mr. PRIMO.......
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Ficção AdolescenteThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....