CELESTINE'S POV
Tanghali na akong gumising at alam kong maging sila Ella ay tanghali narin. Madaling araw na ata kaming nakauwi dahil sa pagkaaliw namin sa panonood sa mga naroroon.
Tatayo na sana ako ng bigla kong mapansin ang bukas na bintana sa kwarto ko.
Nakapagtataka naman ata na mabuksan toh? Nakalock yung pintuan ng kwarto ko at sinigurado ko rin na nakalock itong bintana bago ako matulog.
Umisod pa ako ng konti para tingnan pa. Pero baka nakaligtaan ko lang tong bukas.
Isinara ko na ulit ang bintanang iyon ng mapansin ang isang bracelet roon.Pinulot ko iyon at pinagmasdan.
Kung tutuusin ay isa lamang yon na normal na bracelet. Sa pagkakatanda ko ay wala naman ako noong ganung bracelet kaya naman nakakapagtaka naman kung saan galing yon. At isa pa diko ugaling nakakalat ang gamit ko.
Ipinatong ko nalang ang bracelet na yon sa maliit na mesa sa kwarto ko. Ipagtatanong ko nalang kung kanino yon nanggaling at isasauli ko.
Nag ayos na ako ng aking sarili at pagkatapos ay bumaba na.
Halos gustuhin Kong bumalik sa taas ng mapagtanto kung sino ang isang taong kumakain mag isa.
Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita. "Finish" sabi niya.
Parang hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanlalambot ata ako na Ewan.
"Tatayo kanalang ba Jan?" Napaharap ako sa kaniya ng wala sa oras. Pero di ako sanay na kumain ng nasa harapan ko siya.
"Sit" para akong asong inuutusan ng amo ko.
Nakatingin lang ako sa kaniya. "D-diba t-tapos kana?" My ghad!what's happening to me?why my voice shaking?
"Then?"
Napalunok ako. Wag niya sabihing tutunganga nalang siya sa harapan ko habang kumakain ako? Nahh!don't!
"Hindi ka mabubusog ng titig mo na yan saakin."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya pinilig ko ang ulo ko. Damn celestine! What are you doing?
Dahan dahan akong kumuha ng pagkain. Konti lang yon kasi nahihiya ako kung dadamihan ko yon.
Dahan dahan lang din ang pagsubo ko sa pagkain. Urgh! Nahihirapan na ako kumilos pero wala lang sa kaniya? Diba niya napapansin na naiilang ako?
Hindi ko manlang magawang tumingin sa kung saan dahil ramdam ko ang tingin niya. Ano ba problema niya?
Natapos ko na't lahat ang pagkain ko pero nakatingin parin siya. Kinuha ko ang isang basong tubig at ininom yon.
Nagulat ako ng lagyan niya ulit ng pagkain ang pinggan ko."Eat that." Muntik na akong mapabuga ng tubig na nasa bibig ko.
"Nagbibiro kalang diba" seryoso kong tanong.
"No. Eat that" hindi ko alam pero bumigat ang paghinga ko na may halong inis. Ano?kakain nanaman ako tapos titingin lang siya ganon?
"Busog na ako."
"Kainin mo yan."
"Eh busog nanga ako."
"Sabing kainin mo yan!"
Nataranta ako sa sigaw niya. Ano bang problema niya? Bakit ba siya nakikipag talo pa saakin?
Tumayo siya sa kinauupuan niya. At saglit na naglakad tapos tumigil ulit.
"Kainin mo yan,pag hindi mo yan kinain,ipapakain kita sa mga Lion sa Guergo" malamig niyang sabi at naglakad na papaalis.
What's up with him?
Naiwan akong nakatulala sa pagkaing sinandok niya pa para saakin. Naguluhan tuloy ako kasi dati ang sungit at snobber niya.
Sa sobrang dami ng niluwag ni Eithan sa Plato ko ay naabutan na ako ni ella na kumakain.
"Hays. Nagugutom ako." Dinig ko kahit asa malayo pa siya.
"Hays. Busog na ako." Salita ko naman habang hinahawakan ang tiyan ko.
Naguguluhang tumingin saakin si ella. "Kanina kapabang gising?"she asked.
"Uh yeah"
"What time?"
"10:30?"
"What the?!" Nanlaki ang Mata niya saakin. "Exactly 12noon na" nanlalaki parin ang Mata niya.
Napabuga nalang ako ng hangin. Bwesit!kasalanan yon ng mukong nayon!
Hirap na hirap akong umakyat sa kwarto ko. Daig ko pa ang buntis na may dinadalang bata,yung sa buntis bata yung saakin tae.
Nagsimulang manakit ang tiyan ko kaya mabilis akong tumakbo sa cr ng kwarto. Damn that boy! I cursed him! Urghhh!
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Novela JuvenilThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
