CHAPTER 47 BATTLE 1

118 4 1
                                    

CELESTINE'S POV

Unang inatake ng mga kalaban ay ako. Hindi naman ako nagpatinag at lumaban din ako.

Ang dragon na itim ng kalaban ay nakailang beses akong tinangkang dagitin ngunit umiiwas ako.

Tinatahak ko ang daan papunta sa lalaking Vino kung tawagin. Hindi ko alintana ang takot,madami kaming lahat na naririto na kakalaban sa kanila pero malakas din naman ang nga kalaban namin.

Dahil sa hangin ng paligid ay nadadala ang aking suot na mahabang tela na may hood.

Nakikipag titigan saakin si Vino ng masama. Iwinasiwas niya ang kamay at may sinambit na salita ngunit diretso parin ang tingin saakin.

Paghakbang kong muli ay hindi ko na malayang nasa harapan ko na siya dahil sa mabilis niyang pagkilos.

Napamura ako dahil sa gulat at siya naman ay nakangisi lang. Akmang hahawakan na ng isa niyang kamay ang leeg ko ng mabilis na tumama sa lalaking vino ang isang Yelo na matulis. Napaatras ito at napasigaw sa galit.

Malayo layo na ang distansya niya saakin. Tumingin siya kay Eithan na nasa tabi nila ama at ng iba pa.

Binunot niya ang yelong matulis na bumaon sa kaniyang kabilang braso at ipinukol ang tingin kay eithan. Nananatili namang kalmado si Eithan.

Tumawa ito ng malakas.

"Ganito ba ang pagpapalaki mo sa anak ko Rico?"

Napaatras ako sa narinig ko samantalang si Eithan ay wala lang. Wala akong mabasang emosyon ng pagkabigla sa kaniya. Alam na kaya niya yon?

Bumalik sa seryoso si Vino ng makitang Hindi na nagugulat si Eithan.

"Wag mong sabihing alam mo na?"

Muli niyang salita. Hindi naman mawala sa labi ni eithan ang ngisi na nakakaloko.

"Wag mo ng alamin pa ang sagot sa tanong mong yan dahil hindi ko kailanman ikaw ituturing na ama!" May awtoridad na sabi ni eithan kahit na malamig lang ang pagkakatono nito.

Nakita ko ang galit sa mukha ni Vino,ipinuwesto niya ang kaniyang kamay paitaas at tiningnan ang dragon niya. Mukhang may binabalak siya.

Mabilis kong inihanda ang kwintas ko at inilabas yon. Gamit ang kamay ko na yon ay kinuyom ko yon ng nasa loob ang kwintas at pagkatapos ay itinaas,lumabas mula roon ang nag aalab kong Dragon.

Kita mo sa dragon ni vino ang pagkaexcite na makalaban ang aking dragon dahil sumisigaw pa yon.

"Humanda na kayong lahat!" Sigaw ng vino sa kasamahan niya na sumugod nang lahat saakin.

Tinakbo ko yon,ngunit may mga kasabay na ako,sila ama,Tito rico,ang ama ni Migo,samantalang si eithan na ang dumiretso para siya ang gumapi kay Vino.

Nang akma na ko ng susugudin ang kalaban na sumalubong saamin ay bigla itong naglaho na parang bula.

Bigla akong napatingala at nakita ko ang pag sugod saamin ng dragon ni Vino.

Mabilis kong itinulak sila ama at pinagcross ang aking kamay pataas. Tumalsik ako dahil sa lakas ng sumalampak na hangin saakim dahil sa dragon kong sinubukang harangan ang itim na dragon ni vino.

Napatingin ako saglit sa paligid,binuhay ni Vinong muli ang mga kasamahan niya at mas lalo yong dumami at halos lahat ay nakikipaglaban na pwera lang kay Meryl at Mr.Hubert na nakikita ko sa gilid na nagtatalo.

Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa kalaban naming hindi na naubos ubos.

Marami na akong napatumba ngunit hindi parin matapos tapos dahil padami sila ng padami. Si Eithan naman ay Panay padin ang pakikipaglaban kay Vino na siyang tunay na ama pala niya.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib kaya napahawak ako sa along binti. "Anak..ayos ka lang ba" nag aalalang tanong ni ama saakin ng makalapit.

Tumingala ako para tingnan ang nangyayari sa taas,nasasakmal ng dragon ni vino ang dragon ko,kagaya toh ng nangyari saakin noon.

Mabilis na ginamit ni ama ang kaniyang kapangyarihan na kagaya ko ay apoy rin. Ipinatama niya yon sa dragon ni vino kaya mabilis na lumayo sa dragon ko ang nakasakmal na dragon ni vino. Mabuti nalang at ginawa yon ni ama. Apektado ako sa mga nangyayari sa dragon ko kaya ganito nalang ako kapag inatake ang dragon ko.

Tumingin ako sa tatlong nakaitim na bagong dating. Mukhang nagkamali ata ako sa pag aakalang si vino ang pinuno,mukhang ang bagong rating ang siyang pinuno ng mga kalaban.

Kagaya ng mga kaunang kalaban ay nakatakip rin ang mukha nila pwera nalang sa pinuno nila. "Masyado kana atang naglalaro Vino,tapusin mo na sila at dalhin saakin Ang batang Primo at Ang dragon niya!" Sigaw ng pinuno nila vino.

Mabilis na pinatamaan ni Eithan ng kapangyarihan niya si Vino ngunit na kailag si Vino.

"Kayo,patayin niyo ang mga batang yan!" Kahit na malayo ay dinig ko na ang tinutukoy niya ay mga kaibigan ko.

Mabilis kong tinakbo ang mga kaibigan ko at nagulat ako ng makitang nasa harapan ko na ang lalaking bagong dating.

Hindi ko na pigilang hindi tumitig sa mukha niya. Medyo matanda na siya kagaya ni Senior David ngunit.....ang mga mata niya....para bang hinihigop ang lakas ko.. Damn!

"Damian!layuan mo si Celestine!" Mabilis akong natumba dahil sa ginawa saakin ng lalaking yon.

Mabilis na ginamit ni Senior David ang kaniyang kapangyarihan sa lalaking Damian daw ang pangalan,nagtatalo ang kapangyarihan nilang dalawa.

Hindi konaman napansin ang paglapit ni Vino saakin at mabilis na ginamitan niya ako ng isang mahika dahilan para umikot ang paningin ko at mawalan ako ng Malay... No!hindi maaari! Labanan mo Celestine...wag ka matulog....

"Celestine!!" Dinig ko pang sigaw nila saakin,ngunit sa isang iglap ay nawalan na ako ng Malay.

Kailangan kong makabalik! Urghhhhh

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now