THIRD PERSON'S POV
"Mukhang nasa bayan ng Heriya ang babaeng yon" Salita ng lalaking nakatakip ang mukha na balot na balot ng itim na tela.
Namayani ang nakakatakot na halakhak sa loob ng apat na sulok na kinalalagyan nila."Malapit na...malapit na nating makuha ang dragon niya at mapatay siya kasama ang walang kwentang taga-magical city!" Nakakakilabot na tinig mula sa isa pang lalaking nakaitim na tela ngunit ang kaniyang mukha ay wala ng taklob. Kapansin pansin tuloy ang makalaking peklat niya sa kaniyang mukha.
"Malapit na tayong mamuno sa buong magical city! Hahahaha" tila ba nag eecho sa buong sulok ng malaking kastilyo ang mga tawang nakakakilabot ng mga lalaking nakasuot ng itim na mahabang tela.
CELESTINE'S POV
"Hindi namin maaaring palampasin ang ginawa mong pangangahas sa pagkuha Kay Celestine ng walang pahintulot ni Senior David,Eithan." Muli ay nakabalik nanaman kami sa isang silid kung saan nagpulong kamakailan lang. Ngunit dikagaya dati na maraming nakaupo sa malawak na mesang ito ay kakaunti lang kami ngayon dito,kasama na sila Tita Martha at Tito Greg.
"Kailangan niyang maparusahan!" Galit na sigaw ni tito greg habang inaawat siya ni Tita Martha.
Ang matanda naman na tinatawag nilang senior David ay nakatingin lang samin ni Eithan.
Samantalang sila Tita Estella at Tito Rico ay nag hihintay lang ng sasabihin ng matanda.
"Ano pa bang hinihintay niyo! Dakipin niyo na yang pangahas na y-"
Sa isang kumpas ng matanda ay natigilan si Tito Greg. "Detention" tipid niyang salita at biglang dumating ang ilan sa mga kawal ng matanda.
"T-teka lang po!" Napatingin lalo saakin ang matanda lalo na si Eithan na nanlilisik ang Mata sakin.
"Hindi naman po ako niya pinilit. Kusa po akong sumama. Kaya please wag niyo napo siyang ipahuli. Sasama na lang po ako sainyo para don na lang muna mamalagi." Ang tinutukoy ko ay si Senior David kung tawagin.
Padabog na lumabas ng pintuan si Eithan. Anong problema niya? Diba siya magthethank you manlang sakin kasi hindi na siya huhulihin ng mga kawal ni senior David.hayss.
"Kung ganon,ihanda mo na ang iyong sarili pati na rin ang iyong mga gamit. Ipapasundo kita Maya maya lang sa mga kawal" Walang emosyong salita ni Senior David.
Lumabas na kami ng silid na iyon. Kasabay ko lang lumabas sila Tita Estella at Tito Rico. Niyakap agad ako ni Tita. "Buti nalang ibinalik ka ni Eithan" hindi mo mababakas sa kanila na nag aalala sila saakin.
"Hindi po kayo nag aalala?" Tanong ko na ikinagiti lang nila.
"Kilala namin si Eithan,hindi ka niya ipapahamak" yon lang ang nasabi ni Tito Rico.
"Celestine" Boses ni Tita Martha.
Agad din niya ako niyakap."Dumalaw ka daw sa iyong ina at ama? Naaalala mo na ba ang kapatid ko?"
Tumango ako saka nginitian ko siya. "Yes po" dumating naman biglaan si Tito Greg na masama ang tingin sakin."Tara na Martha" tanging nasambit niya at sumunod na si Tita Martha.
Umalis nadin naman kami agad nila Tita Estella at Tito rico at umuwi na sa bahay. Mag iimpake pa kase ako ng mga gamit ko dahil mamaya lang ay susunduin na ako ng mga inutusang kawal ni senior David.
"Huh?!bat ka pumayag!??" Mangiyak ngiyak na tanong ni ella saakin.
Kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag.
Dumaan sa harapan ko ang kanina lang ay nag walk out. Si Eithan. Nanlilisik parin ang kaniyang mga Mata.
"Ts."
"Asan nga pala si migo? Magpapaalam ako sa kaniya" sabi ko.
"Magpapaalam? Kay migo? Hays. Don siya nakatira celestine. Apo siya ni Senior David."
Nanlaki ang Mata Kong tumingin kay ella. Dinga? "Heyy! Narinig ko ang pangalan ko. Pinag uusapan niyo ba ako?" Sabay kindat ni migo habang papalapit saamin.
"I bet siya ang sundo mo" walang siglang sagot ni Ella.
"Pinasusundo ka ni lolo." Migo
Sakto namang kalalabas lang nila Tita Estella at Tito Rico. "Bwesit ka migo!pag nalaman Kong pinabayaan mo si celestine,papatayin kita!" Banta ni Ella na ikinatawa namin.
Yumakap naman muli siya saakin at ayaw akong bitawan."Ella,bibisitahin niyo naman ako nila Tita diba?" Malungkot na umiling iling si ella.
"Hindi kami pwedeng pumunta sa bahay nila senior david,yon ay nakabatas na sa buong Pelison at buong magical city"
Kaya pala."pero andun naman si migo,ipapabantay kanalang namin sa kaniya." Sa pagkakataong iyon ay ngumiti na siya.
"Mag iingat ka don celestine"sabi ni Tita Estella. Nakita ko rin ang pangingilid ng luha niya. Napamahal narin ako sa kanila kahit papaano.
Hinanap ko naman ng tingin ko si Eithan pero bigo akong mahagilap kung asan siya.
Natigilan ako sa paglalakad ng maaalalang naiwan ko yung bracelet na nakuha ko noon. "Sandali lang migo. May kukunin lang ako." Nagmamadali akong tumakbo pa pasok ng bahay nila ella.
Nagtataka silang tumingin sakin."may kukunin lang po." Sabi ko habang tatakbo parin ako.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay nagulat ako ng makitang nasa loob si Eithan. Maging siya ay nagulat din.
"K-kunin ko lang yung b-bracelet" pagkatapos ay inginuso ko ang maliit na mesa sa gilid niya.
"Ito ba ang hinahanap mo?"
Tiningnan ko ang nasa kamay ni Eithan. Yun yung bracelet na napulot ko at dahilan kung bakit bumalik ako dito.
"S-sayo ba yan?" Naguguluhan Kong tanong. Paanong naging kaniya yon.
Natawa siya ng bahagya."Hindi mo ba talaga naaalala?" Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi naalala ang alin?
"Kung s-sayo yan,babalik na ako sa baba. Inaantay nako nila mig-" patalikod nasana ako.
And for the nth time hinigit nanaman niya ako at sa sobrang bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang sarili Kong nakadikit sa kaniya. At halos huminto ang oras ng maramdaman Kong dumampi na ang labi niya sa labi ko.
He gently kissed me,he grab my waist and he pull me closer,closer and closer..........
* * * * *
( AN : First kiss nila ayieee! Kinilig ako ha!hindi lg kayo. Haha,yon sana naenjoy niyo ang chapter na ito. Thanks ulit sa mga nagbabasa pa. Lovelots guys! Mwahhh. Dong forget to vote :*
@shanamistrong )
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Roman pour AdolescentsThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....