CELESTINE'S POV
Isa na akong ganap na Demonic,alam ko na yon. Nang mawalan ako ng malay ay tila ba may ibang tao sa utak ko ang sumanib at kinausap ako.
"Ama....." Maluha luha kong tawag kay ama at niyakap siya. Totoo ngang buhay si ama.
Tinanggal ni ama ang hood ng kaniyang jacket na itim at Nilapitan ako ni Ama at niyakap.
"Pagkatapos ng labanang ito ay magsisimula tayong muli anak..." Sabi ni ama habang nakayakap saakin.
Samantalang si Eithan na nakatingin saakin ay lumapit at yumakap rin sakin. "You're too hot for that babe...." Mabilis akong napahiwalay sa kaniyang yakap at pinasadahan ang itsura ko.
Pagkatapos ay tiningnan siya."Yeah. I'm definitely hot babe..." Pagkatapos ay hinalikan siya at dirin naman siya nagpatalo.
Mabilis din na natapos ang halik na iyon dahil nag ubu-ubuhan si ama dahilan para maglayo kami ng konti ni eithan. Haha natakot din naman ang mokong.
Naramdaman ko na lang na may isinuot saaking mahabang tela si Eithan. Kulay pulang pula yon at may hood din. Isinuot niya yon saakin at pagkatapos ay hinalikan ang noo ko.
"I'll promise you...after all this battle,I'll Marry you..." Alam kong nag iinit na ang katawan ko ngunit nadagdagan pa yon,sa pisnge ngalang.
Handa na kaming tatlo nila ama at eithan sa pagbalik sa lugar mismo kung saan naglalabanan.
Nasa gitna ako habang nasa magkabilang gilid ko si ama at eithan.
Pagkarating namin sa mga nag kakagulo at naglalabanan ay mabilis na huminto silang lahat at tumingin saamin,ang hood na siyang nakasaklob saaking ulo ay tinanggal ko.. Nakita ko naman ang pagngiti ng kalaban na animoy inaantay nalang talaga nila akong dumating.....
And this is the start of the battle....
ELLA'S POV
Sa pagdating ng tatlong tao ay lahat kaming naglalabanlaban ay natigilan. Tutok ang mata namin sa isang tao na napapagitnaan ng dalawang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay si Kuya eithan at ang ama ni Celestine.
Unti-unting ibinaba ng taong nasa gitna nila Kuya ang kaniyang hood. Nanlaki ang mata ko ng makita at mapagtanto kung sino siya.....
Si Celestine,she already transformed into a demonic one.
"Si Celestine na ba yun?" Usisa ni Aina saakin na para bang namamangha.
"Si Celestine na yan. Ang nag iisang The girl on Fire" sabi ni migo na ang lawak ng ngisi sa kaniyang labi.
Nginitian kami ni Celestine bago lumapit saamin.
"Ma's lalo kang nag aalab ngayon Ms. Primo" Nakakatakot na boses mula sa mga kalaban namin na siya siguro ang nakatataas sa lahat.
Sumilay lang naman ang mala demonic na ngiti sa labi ni Celestine. Dumating narin sila Senior David at iba pang mga tags magic council na matataas ang kapangyarihan.
"Oh,long time no see Aldavid Emmanuel" nagawa pang bumati ng nakakatakot na nagsalita.
Samantalang wala paring imik si Senior David. Kakaunti na ang kalaban dahil nagapi na namin halos ang mga iyon at tanging malalakas na lamang ang natitira ngayon.
"Reunion na ba toh? Look,andito na si Arman,Ikaw,ako,Si Rico,at iba pang mga kasabayan ko na trinaydor ako." May diin ang pagkakabigkas niya sa aalita niyang trinaydor siya.
"Hindi kami ang trumaydor sayo Vino. Ikaw ang trumaydor saamin!" Balik na salita ni ama. Magkakilala nga pala talaga sila.
Lumapat ang tingin ng lalaking Vino raw ang pangalan kay Kuya Eithan.
"Eh bakit hindi natin sabihin sa kanilang lahat ang totoo Rico Arisca?" Muli ay iyon ang nagsalita.
"Itigil mo yan Vino!" Pagbabanta ni ama,kahit na hindi ko alam ang sinasabi ng lalaking yon kay ama.
Tumawa siya ng nakakakilabot. "Bakit ba hindi mo sab-"
Isang nag aalab na palaso ang tumama sa direksyon ng lalaking vino ang pangalan. Mabikis na pinatigil niya yon sa kaniyang harap at hinawakan pagkatapos ay naging abo.
Akmang susugod na ang dalawa niyang kasamahan ng itinaas niya ang kanang kamay niya na hudyat na hayaan na lang.
"Nice one Ms.Primo" Komplementasyon ng lalaking si Vino.
Nabigla ako sa ginawang paghakbang ni celestine malapit sa kanila. Wala namang bakas na takot sa mga kalaban at maging kay celestine.
"Wrong move...." Yon lang ang nabanggit ni Celestine at agad kong tiningnan ang lalaking humawak kanina ng palaso ni Celestine na nag aalab at ginawa lang ng lalaking abo.
Wala pang isang minuto ng makita ng dalawang mata ko ang unti-unting pagkawala ng kamay ng lalaki na kanina lang ay ginawang abo ni celestine.
"Fuck you Lil'Primo!" Sigaw ng lalaking unti unting nawawalan ng kamay. Pinutol yon ng kasamahan niya gamit ang espada. Kaya nananatiling isa nalamang ang kamag ng lalaking yon na kung hindi naagapan ay aabutin sa buong katawan.
Diko tuloy maiwasang hindi mamangha kay celestine....
Ngunit kasabay ng pagkamangha ko ay nagsimula na ang pangyayaring gusto nananaming matapos.
Lahat kami ay naghanda dahil inilabas ng lalaking vino ang pangalan ang kaniyang Dragon na kulay itim.
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Teen FictionThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....