CHAPTER 20 STRANGER

164 4 0
                                        

CELESTINE'S POV

Ilang araw narin ang nakakalipas ng malaman ko ang ilan na tungkol sa pagkatao ko.

Hindi namin kasama sila Tita Estella at Tito Rico dahil dumalo sila sa pagpupulong na nagaganap ngayon sa magical palace.

"Sa tingin niyo,ano kayang pinag pupulungan ngayon sa magical palace?"

Tanong ni ella habang naglalakad kami papuntang magical forest. Hindi ko rin naman mapigilang mag isip dahil hindi pa ako nakakadalo sa mga pagpupulong na ganun.

"Sa pagkakaalam ko ay seryoso ang pagpupulong ngayon."

Nagulat ako ng binato ni ella ng hawak na kahoy si migo."kailan ba hindi naging seryoso ang pagpupulong sa magical palace?"

Sabay sabay kaming nagtawanan. Sabagay,hindinnaman magpapatawag ng pagpupulong kung wala lang yon.

Habang naglalakad kami ay kapansin pansin nanaman ang pag yuko tuwing nakakadaan kami sa harap ng mga taong nakakasalubong namin.

"Bakit ganun sila?" Nagtataka Kong tanong dahil dati nakita ko narin silang yumuyuko sa twing daraan kami.

"Its because of yours celestine."

Manaka nakang lumingon ako Kay migo. Bakit ako? Hindi naman ako mataas na tao ng lipunan.

"They respect you as they respect to your father celestine." Migo

"Yeah. Migo's right! Sabi kasi nila ama kilala raw noon pa ang ama mo kahit saang bayan." Dugtong pa ni Ella na ikinangiti ko. Si ama ay talagang mapagmahal hindi lamang saakin kundi sa kapwa niya.

"Ang swerte niya sayo celestine noh?" Manghang tanong ni migo habang patuloy pa kaming naglalakad.

"Ako ang maswerte Kay ama,migo" then I smiled at him. That's the truth,maswerte ako kina ama.

"Haha. Halika nanga!"

"Hoy saglit lang naman! Ang bibilis niyo maglakad ha." Nahuhuli na si ella kasi kung ano ano pa pinagagawa.

Habang nasa daan kami ay hindi ko mapigilang isipin si ama at ang nasabi nilang ina ko. 

"Woahhhh. Andito ka Kuya Eithan?" Napalingon ako bigla ng makita kung sino ang kausap ni ella. Diko narin naman namalayan na nakarating na kami dahil sa pag iisip ko.

"Baka wala,nakita mo na ako na nasa harapan mo tapos magtatanong kapa. Stupid ella" pamimilosopo ni Eithan na ikinaikot ng maga ni ella.

Hinanap ko naman si migo dahil nawala ito sa tabi namin. "Celestine! Dito!" Agad kong nakita ang kamay niyang kumakaway.

Tumakbo naman ako papunta roon. Agad na bumungad saakin ang mga namumulaklak na mga bulakalak at mga makukulay na paruparo.

"Ang ganda!" Namamangha Kong sabi.

"Parang ikaw..." Mahinang sabi ni Migo na ikinalingon ko sa kaniya."anong sabi mo?" Diko kasi masyadong narinih dahil mahina lang yon Bose's niya nung sinabi niya yon."wala wala. Sabi ko mag ikot kana hanggat gusto mo."

Diko nalamang siya pinansin at nag ikot nanga ako. Nakita ko namang sumunod siya.

"Bakit ba! Ako naman ang nauna dito! Kayo ang umalis." Dinig Kong nagtatalo sila Ella at Eithan kahit na malayo saakin.

Manghang mangha parin ako sa nakikita ko. Ang gaganda ng kulay ng bulaklak nakakatuwang pagmasdan.

Itinutok ko ang Mata ko sa isang bulaklak at maiging inobserbahan.

Napaatras ako ng mapansing may tao sa dulong bahagi ng magical forest. Itim na itim na mahaba ang kanyang suot. Nakakatakot ang kaniyang Mata na siya lamang nakikita.

Isang matulis na bagay ang siyang dumaplis saaking braso na ikinadaing ko.

"Shit!celestine!" Tawag ni Eithan sa pangalan ko.

Dahil sa hapdi ay napaupo ako. Nagpuntahan naman sa kinaroroonan ko ang mga kasama ko.

Inilibot pa ni Eithan ang kaniyang Mata pero hindi na niya nakita kung sinong gumawa nun at kung saan na nagpunta.

Ilang mura ang pinakawalan ni Eithan ng makitang Panay ang dugo nito. "Bakit ba kasi hindi mo siya sinundan migo!" Galit na tanong ni Eithan habang tinatalian ang aking braso na nadaplisan ng patalim na kanina lang ay naglaho narin.

"Mukhang nalinlang tayo rito." Nabaling ang tingin namin Kay Migo."Ang akala ko ay tumatakbo si Celestine sa kanang bahagi nito kaya sinundan ko siya dahil panaman gaanong kapamilyar sa kaniya ang lugar na ito."

Natapos na ang pagtatali ni Eithan ng pinunit pa na damit niya sa braso ko. "Maaaring nalinlang nanga tayo rito,mas mabuti pa sigurong iuwi nanatin si celestine." Seryosong sabi ni Eithan.

Nakakapag taka lang ang mga pangyayaring yon. Pero paanong may nakapasok sa magical forest na ganung tao. Kalaban ba sila? Sino sila?

Heriya:The Lost Magical CityStories to obsess over. Discover now