CHAPTER 13 THE DRAGON

151 5 0
                                    

CELESTINE'S POV

Huli na ng mapagtanto ko ang kakaibang pakiramdam na bumabalot sa katawan ko.

Nawala ang imahe nila ina,rica at arah na siguradong nakapanlinlang saakin. Damn that illusion!

Ramdam ko na ang pagod ko,ang pawis na halos iligo ko. Nang sandali akong matauhan na illusion lang pala yon ay agad kong tiningnan ng masama ang kalaban ko si Mr.deleon.

Wala akong ibang maramdaman ngayon kung hindi galit. Bakit ba nila ito gagawin saakin,oo alam Kong parte toh ng training,pero bakit sobrang labis naman ata para gamitin ang pamilya ko.

When it comes to my family,nag aalab ang aking puso.

Tumingin ako Kay Mr.deleon na para bang alam na ang aking gagawin. "Ilabas mo na Ms.Primo." salita niya na ikangisi ko. Talagang gustong gusto niya makita ang nakakubling kapangyarihan ko.

Unti-unting lumalapit saakin ang Titan ni Mr.deleon. hindi ko yun alintana.

Nakangisi lamang siya saakin habang ako ay nakatayo lamang habang nakababa ang aking palaso.

Kahit na anong mangyari hindi ko pipilitin ang sarili ko na mailabas ang nakatago rito. Alam Kong delikado ngunit mas delikado para saaming lahat pag lumabas ito.

Shit! Napahawak ako sa aking leeg,nasasakal ako. Walang kamay o anumang bagay akong nararamdaman pero nasasakal ako.

Unti-unti akong nasisilaw sa mga nakikita ko. Damn!pag ito illusion pa ako na ang tutulong sa sarili ko para makita kung anong hinahanap nila.

Naghahabol na ako ng hininga. Hindi ko na talaga ito makakaya pa pagnagtagal pa. Pero mukha namang walang balak na tumulong saakin. Katapusan ko na ba?

Napapikit na ako sa sakit na para bang sinasaksak na ako tapos sinasakal pa.

Nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko. Naalala ko si ama,ayaw niyang nakikita akong umiiyak dahil sa nasasaktan ako. Ang gusto niya ay lumaban ako,at pag nangyari na hindi ko na kaya tawagin ko lang siya at darating siya.

Ilan beses ko na yun noon sinabi,ngunit wala naman at dinaman dumadating si ama.

"Ama" Wala sa sarili kong nabigkas.

"See. Ms. Primo,wala na ang ama mo! Hindi na siya babalik! Pata-"

Ibinukas ko ang nanlilisik Kong mata. Diko alintana ang mga kasakitang nararamdaman ko ngayon.

Para akong nag aapoy sa galit na baka siguradong ito nanga. Nanghihina na ako,pero hanggat kaya ko ay tatayo ako rito.

"Weak" hindi ko ata nagustuhan bang marinig ko ang sigaw na yon sa may dikalayuan.

Sa tingin ko hindi ko na kaya,kung ano mang oras ay lumabas na siya hahayaan ko nalamang ito.

Nanginginig na ang katawan ko. Unti unti akong hinihigop ng sarili kong lakas. Marahil siguro ay ito na yon,ito na ang iniintay nilang makita.

Kasabay ng panlalambot ko ay para akong baliw na nawawala ng tuluyan sa sarili.

Parang nasusunog na ang buong katawan ko,sa sobrang hapdi na ng katawan ko ay diko na kinaya.

Unti-unti na akong binabawian ng Malay. At sa huling pagkakataong bukas ang mata ko ay bumungad saakin ang isang nakakatakot na Dragon. Nag aapoy ito sa galit,kahit na mas malaki siya saakin ay kita ko na nakatingin lang ito ay Kay Mr.deleon.

I'm tired. Masakit na ang katawan ko,gusto ko na magpahinga....

Unti-unti ng nanlabo ang Mata ko at bumigat ang talukap nito. Huli kong nakita ay ang pagsunggab nito sa titan ni Mr.deleon at pagkatapos noon ay wala na. Tuluyan ng bumigay ang aking katawan pababa.

ELLA'S POV

Mabilis kong tinakbo si Celestine at kagaya ko ay sumunod saakin si Migo.

Nakita ko na,nakita na namin ang tunay na kakayahan niya. Pero hindi ako natutuwa sa ginawa ni Mr.deleon.

Hinanap ng Mata ko si Kuya Eithan dahil pwede apulain ang nagliliyab na apoy sa buong field ngunit nawala na ito.

Natigilan kami ni migo sa pagtakbo at maging si Mr.deleon ay napaatras.

Nilapitan ng malaking dragon si Celestine,nakatingin lang ito sa kaniya. Para bang may sariling isip ang dragon. Isa pang buga niya ng apoy ay pihadong tostado kaming lahat.

Nakita ko naman na lumapit narin sila ama at Tito Hubert,si ina ay wala na sa kinauupuan niya.

Bakit hinahayaan nila na mangyari toh? Alam naman siguro nila na delikado ngunit bakit hinahayaan nila toh?

Hindi parin umaalis ang dragon sa harap ni celestine. Pinakausapan kami ni ama na wag gagalaw.

Nag aalala ako para Kay Celestine. Hindi toh maganda,andami kong tanong sa isip ko bakit si celestine pa?anong connection niya sa sampung taon na ang nakakalipas.

Siya kaya ang..."Migo kunin mo na si Celestine at iuwi,ella tawagin mo si Aliah at sabihing magtungo sa bahay natin para magamot agad si celestine."

Pagkarinig ko nun Kay ama ay agad akong lumabas para hanapin si Aliah.

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now