CELESTINE'S POV
Ang paligid ay napaka aliwalas,ang mga tao ay mababakasan mo ng pagkaexcited para sa darating na Festival sa Pelison. Tatlong araw nalang kase at Sasapit na ang pinaka iintay nila,kung saan ang Pag diriwang na ito ay maraming panauhin na mula sa ibang bayan ang darating.
"Dati may Festival ding nagaganap sa bayan niyo Celestine,palagi pangang napupuri ang inyong bayan dahil sa gabda ng pamamalakad ng iyong ama nung nabubuhay pa"
Tingnan ko ang nagsalita,si Tito Rico. Nasa bahay kasi kami nila dahil nagpaalam ako kay Senior David na magpapahangin muna at pumayag naman siya ngunit kasama si Migo.
Nakikinig lang ako sa kwento ni Tito Rico,si Tita Estella ay katabi niya at magaling na sakaniyang sakit,samantalang si Eithan wala dito at kami lang nila Jake,migo at ella ang magkakausap.
"Ella?asan ang Kuya mo?" Hininaan ko lang ang boses ko ng itanong ko yon kay ella.
Nagkibit balikat lamang siya. Baka naman may importante lang na ginagawa.
Masama sama ang itinapon ng tingin ko sa tatlong taong papasok. Si eithan na nakikipag tawanan kay Meryl at si Aina na diretsong tumakbo sa direksyon ko.
Yeah..may iba ngang pinagkakaabalahan.
Mabili na sinunggaban ako ng yakap ni aina. Ako nanan ay nagtaka dahil hindi naman siya ganito saakin saka si meryl? Anong ginagawa niya rito akala ko ba naparusahan siya dahil sa ginawa niya sakin.
Parang hindi ako nakikita ni eithan at busy sila sa paghahalakhakan ni Meryl. Okay fine.
"Celestineeeee"
Tawag ni Aina sa pangalan ko at mabilis na niyakap ako. Mukha namang narinig na yon ni Eithan dahil tumigil na sila sa pagtatawanan ni Meryl.
"Ghad! Maganda kaparin kahit na muntik ng malapnos ni Mer-"
"Malapnos? Muntikan na kamong mapatay."
Singit ni Ella at inirapan si Aina. Samantalang si aina ay nahihiya lang na napaupo sa tabihan ko,abat himala,parang nag laylo ngayon ang kamalditahan ni Aina.
Para akong baliw dahil sinundan ko ng tingin si Eithan na kasama si meryl papasok sa kusina nila eithan. Damn!
Hindi ba nila ako nakikita? Parang wala lang kay eithan na naririto ako,so ano uuwi naba ako? Ginalingan ni Meryl e!ginalingan lumandi! Urghhh! Bat ba ako naiinis???
"Hoy! Mata mo."
Tiningnan ko si Ella ng masama hindi ko kase namalayan na masama na ang tingin ko sa dalawang nakapasok na sa kusina nila eithan.
Ang tingin naman saakin ni Migo ay napaka lagkit na akala mo nagegets niya na kung bakit ako sumunod ng tingin sa dalawa. Hindi pa kase alam ng mga toh ang tungkol saamin ni eithan at tanging si Migo palang ang nakakaalam.
Tumayo ako at nagpaalam na magpapahangin. Hindi ko kase kayang magalit,wag ngayon.
"Jealous?"
Shit! Napatalon ako sa gulat. Sumunod pala si migo.
Umupo kami ni migo sa upuan sa labas nila Ella. Hindi ko magawang magsalita dahil naiinis talaga ako.
Nakatingin lang ako sa kawalan habang dinaramdam ang dausdos ng hangin.
"Kung nakakamatay lang yang titig mo sa puno malamang kanina paying tumba"
Tinapunan ko ng tingin si Migo na nakatingin lang din saakin na tumataas pa ang kilay.
"Hindi sa lahat ng titig ko nakakamatay,minsan nakakainlove"
Napaawang ang bibig ni Migo sa naging Banat Kong iyon bahagya naman akong natawa.
"See,napangiti kita. Yes!"
Tumayo pa si Migo at sumuntok sa hangin. Pagkatapos ay bumalik din naman iyon sa pagkakaupo niya tapos itinabi na sa upuan ko ang upuan niya.
Malalalim na hininga ang isa isa Kong pinakawalan. "Wag kana magselos alam mo naman mas mahal ka ni Eithan kesa kay meryl"
Hindi ko parin nililingon si Migo at diretso parin akong nakatingin sa isang puno. Hindi naman malayong mahalin ni Eithan si meryl hindi ba?lalo na't siya ang Una at pangalawa lang ako.
Tiningnan ko si migo na nakatingin lang din saakin,siguroy kanina pa ako nito inaantay na magsalita.
"Ang cute mo magselos ha"
Biro pa niya na ikinairap ko lang. Nakakapagbiro pa siya sa ganitong sitwasyon.
"Hindi ako nagseselos!"
"Nagseselos ka"
"Hindi!"
"Tingnan mongayang namumula mong mukha,tell me galit ba yan o nagseselos kanga? O baka naman pareho,galit ka kase nagseselos ka?"
Sa inis ko ay sinapak ko siya. Mahina lang naman yon kaya imposibleng masaktan siya.
Nahuli niya ang kamay ko na ipinangsasapak sa kaniya. Natigilan din ako sa ginawa niya.
"Hindi nagseselos pero namumula na sa galit ang mukha?"
Hirit niya pang muli. Hinigit ko na kamay ko at tumungo ako. "Oona. Nags-selos na ako"
Nadinig ko na ang tawa niya sa paligid. Nakakainis naman toh,tawang tawa pa habang ako selos na selos na. Ano na kayang ginagawa nila eithan at meryl ngayon? Hayss..
Naramdaman ko naman ang bisig ni Migo saakin. Aalma sana ako ng magsalita siya. "Friendly hug" sabi niya kaya hinayaan ko na siya.
"Okay lang naman magselos e,tanda yan na ayaw mo talagang mawala siya sayo. Pero diba mas mahal kanaman ni eithan kesa sa kaniya kaya naman kahit na bumaliktad pa ang mundo ikaw parin ang pipiliin niya"
Bahagya akong napangiti,migo is right. Kasama niya lang si meryl,ako ang mahal ni eithan.
Ang yakap ni migo ay nakadagdag ng pang pagaan ng loob ko kaya kahit papaano nawala na ang selos ko.
Naagaw ng atensyon namin ni Migo ang lalaking nakatayo sa harapan namin. Mabilis akong nakabitaw sa yakap namin ni migo at siniko ang sikmura niya dahil tumawa pa siya.
Ang talim ng tingin niya saakin sa amin pala ni migo.
"Maiwan na kayo" paalam ni migo at umalis na sa tabi ko. Nananatili parin namang nakatayo si Eithan sa harap ko at diretso lang ang tingin.
"D-di kaba u-upo?" Nauutal Kong tanong sa kaniya.
"Ikaw hindi kaba Jan tatayo?"
Malamig ngunit may awtoridad na salita mula sa kaniya.
Naguguluhang nilingon ko siya. Bakit ako tatayo? Kasi siya yong uupo?teka dalawa ang upuan dito diba?
Kahit na hindi ko alam kung bakit niya ako pinatayo ay sinunod ko nalang siya. Hindi ko magawang tingnan siya dahil diko kayang makipagsabayan sa mata niyang nanlilisik. Problema ng mokong na toh.
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
TeenfikceThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
