EPILOGUE
"Hoy ella! Bilisan monga! Ang tagal mo iiwanan kananamin?"
Sigaw ko kay ella na kanina pang nasa kwarto niya at nagbibihis.
"Ito na..." Nagbukas na ang pintuan ng kwarto niya at inilabas siya. Nakasuot siya ng Cocktail na Gown na kulay Cream,bumagay sa maputi niyang balat.
Iniisip ko si Celestine.... Paano kaya kung narito siya? Ano kayang klase ng gown ang gusto niyang isuot? Sa pagkakatanda ko kase ay maroon ang favorite color niya.
Hays! Hindi ko maiwasang malungkot,ang daya niya lang kase. Iniwan niya ako,iniwan niya ang bayan ng Pelison....
"Tara na Kuya! Malelate na tayo,I'm sure tayo nalang ang iniintay doon nila ina at ama"
Sabi ni Ella na nakatayo lang sa may pintuan namin. Nauna na kasing umalis sila ina at ama at pumunta na sa gaganaping Festival na yon.
Tamad na binalingan ko ng tingin si Ella. "Don't tell me na gagamitin mo nanaman yang pagteteleport mo na yan."
Ngumiti lang ito kaya naman nakaramdam ako ng pang aasar. Hinigit niya na ako at sa isang iglap ay nakarating na kami.
Sumalubong saamin ang paligid na napaka ganda. Nasa tapat kami ng isang malaking gate at nadatnan namin roon ang iba pa naming mga kaibigan.
"Hey! Muntik na kayong malate ah" sabi ni Jake na naka porma din ngayon. Katabi niya si Aina dahil Festival Date niya ito. Samantalang si migo naman ay katabi si Meryl na festival date niya.
At ako...... Festival date ko si Ella.
Kahit na nalaman niya na hindi ko siya tunay na kapatid,hindi parin nagbago ang Turing niya saakin. Gayun din sila ina at ama.
"Let's go? Naghihitay na siya sa loob. Baka mamaya mag apoy pa yon sa galittapos tustahin tayo"
Biro ni Ella na ikinatawa ng iba. Ako naman ay nanahimik lang habang papasok sa gate na dinaanan namin. Kinakabahan ako... Na naeexcite? Haha!
"Kuya? Bat nanginginig ka?" Usisa ni ella habang nakatingin sakin ng diretso.
"Baka naman kinakabahan si eithan dahil kay Tito Arman"
Biro ni Jake na sinamaan ko ng tingin.
Actually kinakabahan ako,kinakabahan na makita siya.... Matagal tagal din kasi kaming hindi nagkita dahil naging busy siya sa pamamalakad niya sa bayan nila ng kaniyang ama kaya hindi kami nagkita ng isang taon.
Ano na kayang nagbago sa kaniya? Nagbago nga ba siya o siya parin yung dating Celestine na nag iisang babe ng buhay ko?
Nakaupo lang kami sa isang malaking table. Sama sama kami nila migo dito habang sila ina at ama naman ay nakikita kong nasa kabilang table din.
"Ayan naaaa....."
Dinig kong bulong ni Jake saakin kaya agad akong napatingin sa tinutukoy niyang paparating.
Damn! Halos matulala ako sa nakikita kong babae na naglalakad papunta sa direksyon namin. Mahaba ang tuwid niyang buhok,nakasuot siya ng fitted at mahabang dress na kulay maroon na nagbigay sa kaniyang balat ng pagkaputi dahil sa tingkad ng kukay nayon at dinagdagan pa ng makikintab na design sa suot niya.
Hindi parin talaga siya nagbabago hanggang ngayon.... I still adore her until now.
"Ano babe? tititigan mo nalang ba ako diyan?"
Hindi ko napansin na nakatindig na pala siya sa harapan ko. Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya,napakamot pa tuloy ako sa batok ko.
"Can we dance?" Yon lang ang lumabas sa bibig ko kaya parang gusto ko ng sapakin ang sarili ko. Hindi ko manlang naunang itanong kung kamusta na siya at ma's nauna ko pang sabihin Yong 'can we dance' so stupid eithan.
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
أدب المراهقينThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....