CELESTINE'S POV
Halos gising ako ng magdamag dahil sa sakit ng tiyan na iniinda ko. Walang hiyang lalaking yon! Humanda siya saakin.
Napagpasiyahan kong bumaba sana para kumuha ng makakakain manlang kasi nagugutom ako.
Hindi ko masisisi ang tiyan ko kung bakit sumasakit. Hays.
Nagmamadali akong bumaba ngunit maingat ako sa pagbaba na yon dahil baka tulugan na silang lahat.
"Ano!? Paanong nangyari na siya na yon?" Okay Mali pala ako,gising pa pala sila.
Babalik na sana ako kasi diko naman ugali na pakinggan ang usapan ng iba ngunit nabanggit ang pangalan ng aking ama.
"Ngunit patay na si Arman! Naroon tayo noong mga sandaling ibinilin niya saatin ang anak niyang napadpad sa kung anong lugar!" Boses ni Tita Estella ang naririnig ko.
"Yes! Andun tayo,pero diba nga sabi ni Arman noong bago siya malagutan ng hininga,buhay ang anak niya,at yon ay si Celestine!" Nanlaki ang Mata ko,ama ko naman talaga ang tinutukoy nila. Pero bakit nila kilala si ama?
"Hindi pa ba obvious ang lahat? Kusa na siyang dinala dito ng tadhana,ito na ang matagal nating hinahanap. Ang makita ang anak ni Arman at matupad ang pinangako natin sa kanila ni Celestina." Haa? Celestina? Pero ang pangalan ng ina ko ay Clarissa hindi Celestina.
"Celestine?" Napatingin ako sa taas. Kitang kita ko ang pagkagulat ni Ella habang tinawag ang pangalan ko.
Napansin kona rin na lumapit na saamin ang ina at ama ni ella. "K-kanina kapa bang n-nariyan?" Tanong na nanginginig ni Tita Estella sakin.
Pero natutop ako.bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may mali na sila lang ang nakakaalam?
Biglaang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako agad rito. Halos matumba ako pero agad akong inalalayan ng ama ni ella.
Habang tumatagal ay sumasakit ang ulo ko at unti unting nay nabubuong ideya saakin.
Mula noong ako ay bata,at hanggang sa kung sino ako ngayon.
Kapansin pansin rin sa aking nakikita ang kamakailan lang ay naganap. Ang labanan namin sa may field ni Mr.deleon.
Halos mapaatras na ako sa nakikita kong isang nakakatakot na dragon. Nag aapoy yon sa galit at animoy nakakapag isip rin.s-siya naba yon? Ang sinasabi ni ama saakin?
"Celestine!!" Huling boses na narinig ko.
ELLA'S POV
Naalipungatan ako sa pagkakatulog ko. Muli kong ipinikit ang aking Mata ngunit hindi narin ako makatulog.
Kung ano anong posisyon ang ginawa ko makabalik lang sa pagtulog pero wala talaga. Hindi na ako inaantok. Urgh!
Wala ako sa sariling lumabas ng kwarto ko. Pupuntahan ko dapat si Celestine ng makitang bukas ang pintuan ng kanyang kwarto.
Dumiretso nalang ako pababa dahil baka naroon si celestine. Pero habang bumaba ako ay may naririnig na akong bulungan.
Nanlalaki ang Mata ko ng makitang na katayo si celestine malapit sa kung daan may nag uusap.
Huli na ng mapagtanto ko kung sinong nagsasalita,si ina at ama.
Agad kong tinawag ang pangalan ni celestine. Nagulat ako at maging siya rin. Narinig din siguro kami nila ina at ama kaya mabilis silang lumapit Kay celestine habang ako ay nasa hagdan pa.
Nakikita ko ang naguhuluhang mga Mata ni Celestine. Hindi ko man alam ang pinag uusapan nila ina at ama pero alam kong alam yon ni celestine.
Agad na nasapo ni ama si celestine ng matumba ito. Hawak hawal niya ang sintido niya na para bang sumasakit ang ulo niya. At hindi nagtagal ay nawalan na siya ng Malay na ikinabahala namin.
"Konting pahinga lang po ang kailangan niya Mr.Arisca. masyado pong hataw ang isip niya sa kung ano." Salita ni Kira,ang healer ng aming bayan.
Hindi narin nagtagal si Kira at umalis na. Siya rin ang nanggamot kay Celestine noong nagtraning siya kasama si Mr.deleon.
Tumingin ako Kay ina at ama na nag aalala din kagaya ko. "Mas mabuti pa sabihin niyo sa kaniya yung nalalaman niyo. Wag niyo ng intaying siya na mismo ang makatuklas nito."
Nagkatinginan naman sila ina at ama sana lang ay makumbinsi ko sila. Nalaman ko na din kung anong pinag uusapan nila dahil sinabi saakin nila kanina.
Nag aalala ako para Kay celestine. All the time ang alam niyang ina niya ay si aling Clarissa at kapatid niya si arah at rica. Pero hindi pala. Isa pala siyang tagapagman ng nawawalang magical city. Ang HERIYA.
( AN : Naks! May mga nagbabasa padin kahit papaano. Hihi,thankieee. Samahan niyo ako hanggang dulo ha. Salamat :* )
YOU ARE READING
Heriya:The Lost Magical City
Teen FictionThis story is about the lost magical city,pero darating ang araw na maiibalik ang magical city na yon dahil sa isang babaeng nakatakdang magbabalik ng magical city na yon....
