CHAPTER 1Who will forget a girl like her? Sino? Sabihin nyo iuumpog ko!
She's different from all the girl I meet, from her unique name to her crazy attitude. First encounter pa lang tatatak na ang babaeng gaya nya.
Her hair is purple, she don't use shoelaces, she love wearing dresses full of colors, that's her everything about her shouts happiness, oww I almost forgot! She also have this unique voice, a voice na hindi na nangangailangan ng microphone, kahit tatlong building pa ang pagitan maririnig mo ang boses niya.
Ganun pa man she have a golden heart, so pure and so kind kaya kahit gaano pa siya kaingay at katingkad ang kulay ng sout niya, nagingibabaw parin ang kabutihan niya.
"Seb I love you!" Sigaw niya sa malayo.
Hindi ko siya inangatan ng tingin at tinuloy lang ang ginagawang design, I have this hobby called "ignore her as long as you can" hindi ko siya binibigyan ng pansin. Why? Cause my name Is Sebastian Olly Luzada, at seryoso akong tao lalo na sa pagaaral. She is a distraction, the more you give her an attention the more na maghahanap yan.
I am a 4th year architecture student, while she is a 3rd year fine arts student, wala kaming similarities maliban sa pareho kami ng building, hindi pa nga apat pareho iyon ahil nakikigamit lang sila.
Pinakilala siya sa akin ni Raffa ang kaibigan ko noong sophomore kami, pinsan nya daw galing sa ibang planeta. Mula noon ay sinabi nya ng gusto niya ako kahit kakikilala pa lang namin, she's wierd.
"Sebastian babe! Mahal kita!" Sigaw nya na naman sa muling pagdaan.
Natawa ang mga kaibigan ko ma abala rin sa paggawa ng kanya-kanyang design ng residential house na assignment namin. Nasa pinaka mahirap na bahagi na kami ng pag-aaral, lahat ata itinambak na sa amin.
I am an average student, hindi matalino pero mas lalong hindi rin ako bobo, nagaaral lang talagaa ako ng mabuti kaya pumapasa ako. That's the secret! Seryosohin at magaral ng mabuti para pumasa, huwag asa ng asa! Naghihirap ang mga magulang ko para makapag-aral kaya dapat suklian ko rin ng tama at subra pa sa sapat.
Galing ako sa average lang din na pamilya, nakukuha ang gusto kong paghihirapan, for example ang Eon na service ko sina Mama ang nagbayad ng down payment, pero ako ang naghuhulog buwan-buwan. Ang Papa ko ang may sundalo mataas na naman ang rango niya, si Mama naman dating teacher pero maaga siyang nagresign at nagtayo ng tutorial school. Tatlo kaming magkakapatid pangalawa ako si Kuya Jay ay kagragraduate lang ng kursong mechanical engineering, nakapasa na naman sya sa bar pero hindi pa makapag desisyon kung ano ang gagawin sa buhay magmemekaniko na lang siguro sya, ang bunso naman naming si Kimpe ay grade 12 pa lang bobo naman ang isang iyon, walang ibang ginawa kung hindi ang magsumbong, akala mo naman ikinagwapo nya iyon.
"My labs! I love you Seb subra-subra!" Sigaw nya na naman, sa pagkakataong ito ay nilingon ko na sya.
Nangingibabaw ang ube niyang buhok at ang orange niyang blouse, hawak niya ang mahabang hagdan at sa kabila nito ay si Simon, ang matalik niyang kaibigan na mabilis siyang binatukan. Saan na naman kaya sila magkakalat? Huling beses siyang may bitbit na ganya ay pinintahan nila ni Simon ng mga bulaklak ang engineering building, seryoso bulaklak sa building na puros lalaki ang pumapasok.
"Naku may usok na naman ang ilong ng isa." Pang aasar ni Raffa sa akin.
"Sabihin mo nga dyan sa pinsan mo tantanan na ako."
"Araw-araw kong pinag-sasabihan dyan, pero ayaw sya na lang ata ang hindi nakakakita sa sungay mo eh."
Natawa naman sina Jeff at Kent, tropa na kaming apat simula first year we pledge na sabay-sabay kaming gragraduate at sa awa naman ng mga professor namin hindinpa nila binabagsak si Kent.
"At si Basti na rin lang ang hindi nakaka-appreciate sa kabaliwan ng pinsan mo." Natatawa ding sabi ni Jeff, kami ni Jeffrey ang magtropa simula High School, galing kasi kami sa iisang school.
"Kung sa akin yan, papatusin ko na yan." Saad naman ni Kent na poste lang na nilagyan ng palda ay pinapatos na.
"Buti na lang hindi sayo, kawawa na nga ang pinsan ko dinungisan mo pa apelyido namin." Saad naman ni Raffa.
Sa aming apat ako ang pinaka seryoso, seryoso din naman sila sa pag-aaral lalo na si Raffa pero minsan nangingi babaw parin ang kagagohan nila. At kung walang deadline ay hindi mag-mamadali, gustong-gusto nila kapag nag-cracramming sila.
Pinabayaan ko na lang magtalo ang tatlo at itinuloy na ang ginagawa, dalawang beses pa siyang dumaan pero hindi ko na ulit nilingon, hindi rin naman nag-tagal ay oras na para sa deadline namin, isa-isa kaming pumasok sa opisina ni Sir.
"Luzada." Tawag sa akin ng secretary ni dean na siya ring professor namin.
Pumasok na ako sa loob, inilabas ko na ang tracing paper sa storage tube ko, at ini abot ito kay Sir, I always admire him as a professor, galing siya sa hirap at nag-sikap makapag-tapos, nagi siyang architect at ngayun ay dean na sa college namin.
"Ilan pang ganto kagagandang design Basti, hindi malabong makakuha ka ng latin award."
"Sana nga sir."
"Hindi sana ijo, Oo dapat agad!" Inirolyo nya ulit ang papel at ibinalik sa lagayan "Sikapin nyong apat makapag-intern sa mga Padayao malakung credit iyon, hindi lang sa grade nyo pati na rin pagapply nyo ng trabaho."
Hindi ko na kailangan pa ang credit pagapply ng trabaho dahil sisiguradohin kong maaabsorb na ako sa kompanyang iyon. Malaki ang maitutulong ko kina Mama kapag doon ako nagtrabaho. Mabilis akong makakapag patayo ng sariling bahay.
Lumabas na ako ng opisina naka-abang na sina Jeff at Kent, naka pila pa si Raffa dahil Solidad pa ang apelyido nito. Nagtatalo na naman ang dalawa tungkol sa pinapanood nilang series, pareho nilang pinanoud pareho din nilang hindi maintindihan.
Tiningnan ko ang cellphone ko at meroon doong dalawang text message:
From: Mama
Nak bili ka ng margarine paguwi mo, magluluto ako.At ang isa.
From: Mangkukulam
Love you Be, remind ko lang baka makalimutan mo.Saglit akong napa ngisi ng mabasa ang text niya, araw-araw kung ano-ano ang tinetext niya sa akin, wala namang sense pero wala ring mintis. Ilang beses ko ng blinock ang number nya pero ilang beses na din siyang nagpalit ng number, hangan sa ako na lang ang sumuko at hinayaan siya.
Nang matapos si Raffa ay sabay-sabay na kaming lumabas papunta sa parking lot ng university, may sarili kaming sasakyan maliban kay Jeff na kahit anong pilit sa Nanay ay ayaw talagang bilhan, akala mo kasi candy lang ang pinapabili.
"Gawan na talaga ng paraan iyang sa Padayao." Sabi ni Raffa na atat na atat, ikaw ba naman may dalawang anak at walang Nanay kung hindi ka magsumikap.
Sasagut na sana ako ng mapansin ko iba't ibang kulay sa dingding ng College of Education na nakaharap sa parking area at ang babaeng prenteng naka-upo sa gawang kahoy na ginagamit sa construction, at ang taas nito ay umabot hangan sa second floor ng building. May hawak siya paintbrush at walang paki-alam na manipis lang ang inuupoan niya at wala pang hawakan! Tangina ihulog ko kaya siya dyan.
Mabilis na tumakbo si Raffa papunta sa pinsan, pinababa nya ito pero para bang hindi siya nito naririnig!
Naiiling naman akong lumapit sa kanila.
"Seb paki nga." Pagsuko ni Raffa, ang tigas-tigas din kasi ng bungo ng babaeng iyan, parang walang kinatatakutan.
Naiiling na lang akong lumapit ng kunti sa may sa kanya, buti na lang talaga at P.E. pants siya dahil kung ngayun nya pa naisipang magdress talagang ihuhulog ko siya dyan.
"JANUARY FIRST!"
Pagtawag ko dito, napalingo din naman ito sa direction ko, inalis nito ang earphones na naka busal sa tingga niya.
"Po?" Takang tanong pa nito.
"BABA!" sigaw ko ulit dito.
Nagmamadali na naman itong bumaba at sinalubong ni Raffa, sumakay na ako sa kotse ko at umalis na para bilhin ang margarine ni Mama.
Tss, January First. Hangan kailan mo ba pasasakitin ang ulo ko.
♥
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#