CHAPTER 35
Araw ng libing ni Nicollo, apat na araw matapos noong nangyari sa hospital, ipinagtabuyan nya ako na umalis na doon nagmatigas ako, sabi ko ayoko pero dumating sina Raffa at Simon na siyang nakiusap sa akin.
Umuwi ako da condo namin dito, nandoon na sina Mama at Kim, nagusap kami ni Mama at iyak ako ng iyak sa kanya.
"She's sick at kung makapagsalita siya naapaka hopeless nya na, ayaw nya pa ako doon! Ano iyon sa burol nya na lang kami magkikita, makakatangina naman Ma, minsan ka na lang nga matyempohan panain ni kupido ganito pa!" Parang bata kong sumbong sa kanya.
I never cried to my mother like that before, gusto ko laging ipakita na matapang ako at dapat katakutan, but that night I was the weakest man at tanging Nanay ko lang ang makakaintindi.
"I understand January, kung ako man din ang nasa situation nya ang isave ka ang una kong gagawin."
"Ma! Ang unfair non sa akin, may sakit na ngang siya pagbabawalan nya pa akong makasama siya."
Hinawakan ni Mama anh mukah ko at pinahid ang luha, pakiramdam ko isa akong batang siponin na nagsusumbong sa Nanay dahil sinira ng kalaro ang laruan.
"It's not unfair Sebastian, it's called saving you. January is trying to save you from all the pain she might cause, kapag nanatili ka sa tabi nya you will witness all the pain she will undergo, mas masasaktan ka lapag nakita mo ang taong mo na paulit-ulit na nasasaktan."
"Kaya nga mas kailangan nya ako Ma."
"Then tell me honestly can you handle all the pain January will cause, knowing you Son you always go for the safe one, you always choose yourself, if you stay with January you will have a responsibility to stay with her through out the pain."
Saglit akong napaisip sa sinabi ni Mama, isinantabi ko muna ang emotion at inisip ang sarili, makikita ko siyang mahihirapan at masasaktan, lahat ng oras ko ay mapupunta sa kanya, kaya ko nga ba iyon? She will stay most of the time sa hospital at graduating na ako, can I manage my time, my emotion and my physical too. Nakakadrain ang nagkaroon ng girlfriend na may sakit.
Hindi muna ako bumalik sa hospital para makapag-isip, it took me 4 days pero wala parin akong mainam na plano. Hangan sa libing na ni Nicollo ay bokya parin ako.
Doon na kami muling nagkita sa cementeryo, iyak ng iyak si Trinity at Simon, Sisi is Collo's bestfriend. Unang nagbigay ng eulogy si Tita Amanda, hindi nya hinayaang magsalita si Tito, blinock nya talaga ang lahat ng possible way, ang gago kasi hindi na nahiya dinala pa talaga iyong babae nya. Ang boung angkan ng Villafuerte ay mainit ang ulo sa kanyan, lahat kampi kay Tita.
Mamayang hapon sabi ni JR sa akin ay uuwi na sila sa Bicol at bukas din ng umaga ay babalik na kami ni Raffa sa New Zealand, tataposin namin uyong ilang linggo pa naming pagstay sa kumpanya, at ayun nga sa huling email na natangap ko they are requesting us to stay for another month, plano ata nilang gawing dalawa ang iaabsurd ng company.
I have this bright future ahead, iyon ang iniisip ko. What if all of this feelings are just temporary, sasayangin ko ba ang pinaghirapan ko sa loob ng mahigit apat na taon? Kapag bumalik na kami from New Zealand isang semester na lang at gragraduate na kami, I could have a high latin award, after two years experience pwede na akong magtake ng board exam, kaya kong mag-top at makakapasuk na ako sa pinaka-magagandang company na gusto ko, after that .... hindi ko na alam, I lost my list wala na akong maisip aside January First.
Pagkakita ko sa kanya sa burial ay napalunok ako, she's wearing her white over knees flowing dress and her fake hair, all through this years I admire her bravery for dyeing her hair purple then malalaman ko na lang na wig na lang palan ito. Damn, everything I like about her is fake, iyong masayang siya ay nadudurog na pala sa loob.
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#