CHAPTER 24Hindi na ako kinibo pa nina Raffa, kapag nasa klase ay malayo silang tatlo sa akin, pero kapag may group activity ay sinasali naman nila ako, kasi alam nilang hindi nila kayang gawin ang isang gawain ng wala ako, mga tamad kasi sila. Pero hindi ko naman masyadong iniinda na hindi nila ako pinapansin, total kapag walang klase ay kasama ko naman si January, I always kidnapped her, and she's a willing victim.
Madalas kapag almusal basta ko na lang siya hinahablot kay Simon, at kapag lunch naman alam nya ng sabay kami kaya inantay nya na ako dahil until 11:30 lang ang pasuk nya habang until 12 pa ako dahil mahilig magovertime ang professor namin. Minsan din isinasama ko siya sa bahay para magdinner, kapag nandoon lang naman si Mama dahil kapag late itong mauwi ay nagsasardinas lang kami ni Kim.
"Kailan ulit ang balik ng Mommy mo?" Tanong ko sa kanya habang naglulunch kami.
Umalis na kasi kahapon ang Mommy nya, tapos na daw ang leave nito, kaya naiwan na naman siya kay Ate Ganda, sanay na naman daw siya pero nakakalungkot parin isipin na madami na naman silang pera pero bakit kailangan pa pareho ng parents nyang magtrabaho sa malayo.
"Don't know, hectic ang work ni Mommy eh, pero si Daddy bibisita siya next week."
She's always looking at the bright side, pero para sa akin ang hirap kapag ganun, iyong katulong lang ang kasama mo sa araw-araw, twenty na ako pero nanay ko parin ang gumigising sa akin.
"Basta kapag nagka problema sa bahay nyo tawagan mo na lang si Mama hindi magdadalawang isip iyon na ipadala ako." Sabi ko kahit na ang totoo mas gusto ko na ako mismo ang tawagan nya.
"Don't worry kahit iyong sirang lababo namin sayo ko na itatawag."
"Funny."
I call her every night, we talk about anything under the sun, pero madalas ay art, very passionate talaga kasi siya pagdating dito, noong isang araw nga tinulungan nua ako sa usang design na ginagawa ko, she was the one who choose the colour and where to put it. I got A+ kaya ingit na ingit si Jeff, hindi ko na sinabi kung paano ko nakuha iyon total hindi naman sila nagtanong, halos hindi na nga nila ako kausaping tatlo.
"Kumusta na nga pala kayo ni Kuya Raffa? Ano bang pinagawayan nyo kasi at hindi kayo nagkikiboan? Iyong manika parin ba ni Jhaine ang dahilan?" Pabirong tanong niya.
Hindi niya alam kung ano ba ang nangyari sa amin ng pinsan nya na pinagbawalan ako nitong mapalapit pa sa kanya. Hindi ko na ito sinabi sa kanya, si Raffa ang may problema hindi kami, kung ayaw nya talaga sa akin wala akong pakialam, siya ang magadjust. Ano pa at pasasaan din magsasawa na lang iyon sa pagmumuka ko.
"Alam mo Seb, hiwaga talaga sa akin kung saan galing ang pangalan mo, kasi si Kuya Jay obviously kay Papa mo si Kim naman kay Tita ikaw lang talaga eh! Sure ka bang anak ka talaga ng parents mo? O natanong mo man lang ba sa kanila kung saan ka galing?"
"Wow January sayo pa talaga galing yan! Ikaw tong may wierd na pangalan."
"Walang wierd sa pangalan ko, aside sa nasa calendar ito, palibhasa napaka common ng pangalan mo."
Common daw, ilan lang ba kaming Sebastian sa mundo? Oh well madami nga pala, search mo sa google Sebastian Luzada at may 600k result.
"My name is special just so you know, Sebastian ang pangalan ng sundalo na nagpa-anak kay Mama, hindi na kasi umabot sa ospital and obviously isinumpa talaga ng nanay namin na lahat ng anak nya Olly ang second name." Kwento ko sa kanya.
Bibisitahin kasi noon ni Mama si Papa sa kampo, kaso nasa mission pala ito ng araw na iyon, critical ang mission na iyon, nataranta si Mama napaanak ng maaga hindi na ako umabot sa ospital, luckily nurse si Ninong Baste bago nagsundalo kaya naalagaan nya kami ni mama bago nakarating ng ospital, my parents are so grateful so they name me after him, after 4 years namatay si Ninong sa gera.
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#