CHAPTER 32
Kahit naman pumayag na si Raffa hindi parin naman pwede agad-agad, wala pa nga akong napapatunayan at si Cathy pa ayaw ko naman pwersahin siya na tangapin na kung gusto nya akong manatiling kaibigan kailangan nyang pakisamahan si January.
Tuloy parin ang pakikipagsapalaran namin dito sa New Zealand, wow ah parang OFW lang ang term, medyo panis na din kasi ang laway ko sa kakaenglish, at narinig kong ginamit iyon ni Jeff sa telephono habang kausap ang Daddy nya, akala mo naman hirap na hirap sya dito, parang wala namang nagbago sa state of living nya, kung dati sa university siya naliligo ngayun sa office na.
May tatlong linggo pa kami bago umuwi ng Pinas, tapos na namin iyong required time ng internship they just request na huwag muna kaming umuwi at pumupili ata sila sa amin na iaabsurd ng company, I hope isa kina Jeff at Kent total gustong-gusto nila dito, si Raffaelle I heard may offer na sa kanya sa US at ako sekretong malupit muna pero siguradong pagka graduate ko next year ay may trabaho ng nagaantay sa akin.
"Hi Sebastian." Bati sa akin noong tisay na kinakalantaryo ni Kent, hindi ko alam kung break na ba sila noong jowa nya sa Pinas at ang landi-landi na dito.
Pero shempre kung sakaling hindi pa wala namang magsusumbong sa aming tatlo, ganun kapag kaibigan diba daladala mo hangan sa hukay ang kalokohan ng tropa mo.
"Hello Cindy, are you going out again with Kent?" Gabi-gabi na lang silang lumalabas, kibabaeng tao napaka party girl.
"Yeah, but his still inside the bathroom."
Tinanguhan ko lang ito bago dumiretso sa lamesa at kumuha ng tinapay this will serve as my dinner.
"So you and Kent are serious with each other, huh?" Tanong ni Jeff na nasa kaharap na sofa lang ni Cindy, habang kami naman ni Raffa ay nasa dinning table, maliit lang ang apartment namin at walang naghihiwalay sa sala at kusina.
"No, he will go home soon."
"What if he stay?" Si Raffa na kumakain ng cereals na naman.
"Then he stay, we don't have any commitment and we're just enjoying each others company while his here, if he stay then we can enjoy it more." Nakangising sabi ng babae na parang wala lang ang pinag-gagawa nila ni Kent.
Nagkatinginan naman kaming tatlong magkakaibigan, sabay labi ng "sana all"."Saan ba to napulot ni Kentocky, amazing eh!" Parang ulol na sabi ni Jeff, balak atang maghanap din ng kagayan ni Cindy, mga gago wala kayong mapapala sa mga babaeng ganyan.
"What?" Tanong ng babae dahil hindi naintindihan ang sinabi ni Jeff Umiling-iling naman kaming tatlo "Anyway I noticed that only Jeff has no tattoo, do you want me to ink you?" Tanong nito na agad inilingan ni Jeff. Tattoo artist din kasi itong si Cindy, ang alam ko siya ang nag-ink kay Kent, doon ata sila nagkakilala.
"No thanks my Mom will kill me."
Tumawa naman si Cindy sa pagaakalang nagbibiro lang si Jeff pero hindi nya alam literal na papatayin ng Nanay nya kapag nagpa-tattoo siya, religious kasi ito. Kahit ako din mapapatay ni Mama pero pupurihin naman ni Papa.
"Sebastian is clean too." Sabi ni Raffa na sa akin na nakatingin, napakagat naman ako sa tinapay ko.
Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila ang tungkol sa tattoo ko, iniiwasan ko ngang magtopless at sando kapag matutulog dahil baka makita nila, dati kasi iniisip ko na baka mag-hysterical si Raffa kapag nakita ito.
"No, I saw his tats it was creatively made and still fresh."
"Kailan ka nagpa-tattoo, bakit di mo sinabi?" Si Jeff.
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#