January Thirteen

182 4 0
                                    


CHAPTER 13

"Ang aga-aga pa kailangan umalis na agad!" Reklamo ni Kimpe dahil ilang linggo na kaming maaga kung umalis ng bahay para pumasok sa school.

"Nakiki sabay ka lang kaya huwag kang magreklamo dalian mo dyan kung ayaw mong iwan kita!" Sabi ko sa kanya bago tumayo at inilagay sa lababo ang pinagkainan.

Si Kuya Jay na ang bahalang mag-hugas nyan, kagagaling nya lang sa duty sa ospital balik skwela na kasi siya at inoobliga ng pamilya ni Elsa Druga na magduty na siya sa ospital ng mga ito, then mamayang alas nuebe may pasuk na naman siya sa skwela paglabas niya ng alas-tress pupunta naman siya sa talyer na pag mamay-ari nila ng kaibigan, doon sila tatambay ni Ellie hangan magout si Elsa sa ospital, minsan nga naawa na ako sa kanya, natutulog pa ba sya?

"Hoi kim dumaan ka sa talyer namin mamaya, kunin mo iyong sweldo mo." Napalingon ako kay Kuya.

"Pinag tratrabaho mo yan sa talyer nyo?" Tanong ko.

Ngumisi naman si Kuya "Kahit bobo yan magaling yan kumalikot ng makina, magmechanical engineer kana lang kaya Kim?"

"Yoko nga! Gusto kong maging photographer mga gago, kailangan ko lang ng pera kaya sumaside-line ako don!"

Magkasunod naming binatukan si Kim.

"Gago ka! Maging practical ka nga, walang pera doon kung hindi ka sisikat!" Sabi ko, kung hindi ka naman kasi sikat sa ganung larangan wala namang gaanong kita, ano magpophotographer siya sa mga graduation atcommunion?

"Muka ka kasing pera kaya ganyan ka magsalita, lagi namang pera-pera lang sayo, kaya ka nga magarchitecture diba!"

Aray ko naman!

"Makinig ka kay Basti gago! Kapag may pamilya kana dapat may stable kang mapag-kukunan ng pera, hindi lagi may raket ka sa ganyan!" Pangaral naman ni Kuya Jay, na napa-tumbs up pa ako, ganyan nga kuya practicalan tayo.

"Bakit magpapaka batang ama baako gaya mo? Magaasawa ako kapag may kompanya na ako, hindi gaya mo after college nang buntis agad, iyon pang doctora na limang taon ang tanda sa kanya!"

Binatukan ulit ni Kuya si Kim.

"Gago ka kapag ikaw naka buntis ng hindi pa tapos ipapalapa kita sa mga aso sa bahay nina Elsa! O para mas maganda sa galising aso no Sebastian!" Galit na sabi ni Kuya kay Kim, masyado nya na kasing penersonal na naman ang sinabi ng bunso.

"Hoi Kuya hindi galisin si First, araw-araw kung pinapaliguan iyon!" Sabon mo pa nga ang gamit ko!

"Woooh! Ulol! Ganun kana Sebastian,  mas ulol kapa sa aso mo!"

"Pinag sasabi mo na naman kuya?"

"Kumapit ka Basti ang pagibig nanghihila yan pababa, lagot kapag nalunod ka, hindi kana makakabangon! Matalino kapa naman, kapag ganun tanga sa pagibig." Pangaral na naman ni Kuya na walang basis, tang'na idikit ba naman sa pangalan ko ang salitang pag-ibig.

Devils don't love, and I am one.

"Tingnan mo si Elsa matalino nabobo kay Kuya!" Hirot ni Kim na nagpatawa sa amin ng malakas, si Kuya ay sinimulan ng habolin si Kim para batukan, tatawa-tawa na lamang ako habang pinagmamasdan ang dalawang kapatid.

Dinaanan namin si January sa bahay nila, on the way naman kasi ito papunta sa school ni Kim at sa university namin kaya hindi hassle, at sira iyong motor niya pinapahatid nga ni Kuya sa talyer nila pero sabi ko ako na lang ang magaayos wala pa nga lang akong oras sa ngayun, kaya for the meantime sinasabay ko na siya sa pagpasuk.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon