CHAPTER 10After ng huling klase namin ay tumakbo agad kami ni Raffa papunta sa clinic, sina Jeff at Kent naman ay naglalakad lang na naka sunod sa amin. Tangina bakit ba ako nakikitakbo kay Raffa? Hindi nya naman ako pinsan ah! Paki alam ko ba dapat sa kanya! Pero kahit anong siksik ko sa isip ko na wala dapat akong karapatan na magalala ay heto parin ako at nakikipagnunahan kay Raffa.
Noong marating namin ang clinic ay ibang patient na ang naka higa sa pinag lapagan ko sa kanya kanina.
"Si January po?" Magalang parin na tanong ni Raffa kahit bakas na dito ang pagaalala.
"Dumating na sina Simon at Trinity, dinala na sa hospital for further checkup." Sagut naman ng nurse.
Lumabas na kami Raffa at nandoon na nga ang dalawa pang kupal, mas hinihingal pa nga ang mga ito kumpara samin na tumakbo.
"Oh? Asaan na si Eneno Uno?" Tanong ni Jeff, he keeps on calling January in different names.
"Dinala na sa hospital, malamang iuuwi na din iyon nina Sisi pagka tapos." Sagut ni Raffa na sa palagay ko ay narelief na matapos maalamang nasa maayos na ang pinsan.
"Hospital? That worst?" Taka ring tanong ni Kent.
"Well, she's so pale kanina at mukang inaatake ng asthma, much better na ngang matingnan siya sa hospital." Sagut ko.
I can still remember her face kanina, not the usual January na magana at nak ngiti, iyong kanina subrang nang hihina na January ang nakita ko.
"Yeah, buti na lang talaga at nandito si Super Sebastian at nagpaka knight in shinning school uniform kanina." Pang-aasar pa ni Jeffrey.
"Bakit nga pala nasa EDuc building siya kanina, ano naman ang gagawin nya doon?" Si Raffa, na nagpa alala sa akin ng taong kikitilan ko ng buhay.
"Alis muna ako may uupakan pa kasi ako, pero kung gusto nyong sumama your free to come." Paalam ko sa kanila bago naglakad pabalik sa EDuc building.
Minsan na naming nagawang apat ang ganito, noong inagawan ng syota si Kent, kahit naman hindi seryoso ang gagong ito doon sa babae sinamahan parin namin para marecover ang nawasak niyang ego, binogbog namin sa likod ng university iyong kupal, iyong babae gustong pa sanang balikan si Kent pero sabi ko nga ego nya lang naman ang mahalaga sa kanga kaya kahit mag-iiyak pa siya hindi na siya babalikan ni Kent. Gago yan eh! Siya ang pinaka-gago sa aming apat.
Noong marating namin ang building ay agad kaming naging agaw pansin, ang apat na star students ng architecture department ay nandito, nahanap namin si Del Mundo sa 3rd floor, noong makita ko ang pag-mumuka niya ay mas nag-init ang ulo ko. Pinapalibutan ang kutong lupa ng mga kaibigan nya at ng ilang mga babae, mukang nagyayabang na naman ito ng kung ano. Matangkad itong lalaki kaga napa sama sa basketball team ng college nila, pero di hamak na mas matangkad ako sa kanya, payat din ito at hindi naman kagwapohan pero madaming nauuto dahil sa kayabangan, I remember him texting me dahil akala nya si January ako, namura ko pa nga ito.
Nilapitan ko ito at hinawakan sa kwelyo, hinatak ko na ito pababa sa ng building wala namang naglakas loob na pumigil sa amin, hindi naman ako natakot na may pumigil sa amin dahil hindi ako mag-dadalawang isip na isali siya sa galit ko sa lalaking ito. Dinala ko siya sa likod ng building nila at doon pabalibag na binitawan. Sumalampak naman ito sa maduming lupa doon, bago malakas na tinadyakan, namilipit na ito dahil sa lakas ng sipa ko, pero inulit ko lang ito, dalawang beses ko pa siyang sinipa bago hinawakan muli sa kwelyo at sinuntok sa sikmura.
"Ikaw na tarantado ka ang nagpapunta at nagkulong sa rooftop ng building nyo! Alam mo bang dinala siya ngayun sa hospital dahil inataki ng asthma!" Nang-gigigil kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#