CHAPTER 16We went to Hiwakloy, a long river na galing ang tubig sa taas ng Mt. Isarog, pagbaba pa lang namin ng kotse at noong makita ko ito mula sa may tulay ay naamaze na ako, ang haba at ang linaw ng tubig galing dito akala ko iyon na ang pupuntahan namin but I was wrong we hike for 15 minutes until we reached a mini falls, hindi rin masyadong mainit ang lugar dahil napapalibutan ito ng malalaking puno kaya subrang green ng paligid. Sabi ni Raffa madami pa daw mas matataas na talon sa unahan, pero hindi na naman mapupuntahan ngayun dahil baka gabihin kami sa daan at may pupuntahan pa kami after nito.
The sound of the river makes my nerve calm and have peace for a while, ang sarap talagang pakingan ng ingay ng nature, para bang ini-absurd na nito lahat ng tention na namayani sa katawan ko a while ago habang kaharap ang Lolo nila.
"Kailan ba tayo huling pumunta dito?" Tanong ni Simon.
"Week before graduation, day after the prom." Nakangiting sabi ni January habang nililibot ang paningin.
"Yeah, ang isinumpang prom ng North!" Natatawa ding sabi ni Nicollo.
Inilatag na ng mga babae sa lamesa ang nga dala namin, may tatlong maliliit na cottage kasi doon, madaming ipinabaon ang Mama ni Raffa sa amin, kaya sulit na sulit ang pagkain namin ngayun, manigas sina Jeff at Kent kapag naipost na ito.
"Until 5 lang tayo dito, para maka-balik ulit tayo sa sentro ng Goa, may carnaval at pasayaw sa complex, madami tayong batch mates na dadalo kaya masaya iyon." Pagbabahagi ni Raffa ng plano.
"Parang awkward na pupunta ako doon kasama kayo." Sabi ni Rosie, agad naman itong dinaluhan ni Simon.
"Alam naman na ng boung Partido na kayo at isa pa apat na taon na oi!" Natatawang sabi ni Nicollo.
Bakit may nangyari kaya kina Rosie at Simon noon? Kung sabagay being in a relationship with your teacher is a something, specially that Simon is a Solidad.
"Keri na yan Ma'am, total insulto naman sa kanila ang makitang kayo parin ni Simon, kaya hindi ka dapat matakot, maingit sila." Sabi ni January na ikinataas ng kilay ko.
"After sa sayawan sa bahay na kayo nina January matutulog, kailangan ko kasing umuwi sa bahay para sa mga bata." Dugtong pa ni Raffa.
"Bat samin?!" Agad na kuntra ni January "Hindi maayus ang bahay namin, ni hindi ko nga alam kung napapalinisan ba yun ni Daddy."
"Pinalinis ko na noong isang araw, nagpa-alam na din ako kay Tito PJ." Dagdag pa ni Raffa.
"Wow! Ako lang pala ang hindi prepared."
Inakbayan ni Simon si January "Okay lang yan Wari, matatangap naman siguro ni Sebastian ang itsura mo noon."
Ngayun nga na kulay violet ang buhok niya at kung ano-ano ang ang kulay ng damit nito ay nasisikmura ko ito ano pa kaya noon? Though I still wonder kung ano kaya ang itsura niya noon.
Nagsimula na silang maghubaran ng T-shirt, at nagtalonan sa ilog, sina Simon at Nicollo ay nagawa pang lumambitin sa lubid na nakatali sa kahoy then babagsak sa malalim na parte ng ilog. Raffa refuse to try swinging dahil mabato may mga anak na daw siya, life really change after marriage and having kids.
"Hindi ka pa maliligo?" I asked January dahil nakaupo lang ito sa loob ng kubo.
"Maya-maya na, mauna kana. First time mo dito samantalang matagal na kaming pabalik-balik dito."
Tinanguhan ko na lamang siya at nag-hubad na din ng t-shirt at dinaluhan sina Raffa doon, medyo madulas ang mga bato at may mga malalalim na bahagi, pero hindi naman nakakatakot na maligo dahil hindi naman kasi ragasa ang daloy ng tubig.
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#