CHAPTER 37She's right when she told me that this will be hard, when you have a cancer patient girlfriend kailangan mong idevote ang boung oras mo sa kanya, patients is virtue din dahil may mga bad and good days siya, and her bad days are my hell days. Iba talaga pala kapag nakikita mo mismo na nahihirapan siya, pero iba din iyong feelings kapag alam mong lumalaban siya.
Lagi akong nasa tabi nya, sa bahay na nga nila ako umuuwi, pwera na lang kapag weekends dahil uuwi si Papa, ipasusundo ako non kung kinakailangan. Sabi nga ni Mama isama ko daw ulit si January sa bahay, kaso hindi pa pwede medyo hirap pa siya sa byahe, doon sa puno lang ang pinaka malayong naabut namin.
Magsisimula na rin ang semester, 5th year na ako habang tumigil na muna si January, well once she get better babalik siya sa pagaaral, hindi nga lang kami sabay gragrduate katulad ng inaasahan, sa ngayun ay inaabala nya ang sarili sa pagpipinta, madami siyang idea na naglalaro sa utak nya, minsan nga pinipigilan ko siya dahil madalas sumasakit ang ulo nya.
Twice a month ang schedule ng chemotherapy nya, pangalawang beses ko ngayun na sasamahan siya, si Ate Ganda ang sumasama sa kanya sa loob, napagalaman ko kasing hindi pala ito Yaya ni January, kundi isang nurse na siya ng nagalaga dito simula 5 months pa lang siya? Hindi na nga daw ito nakapag-asawa dahil si January pa lang ay ubos na ang boung oras niya.
"Seb kape ka muna anak at matatagalan pa sina January sa loob."
Pagkatapos ay inabutan ako ng Mommy nya ng baso ng kape, nakalagay lang ito aa disposable cup.
"Salamat Tita, after po ba nito gaanu pa kaya tayo katagal ulit mag-sstay dito sa ospital?" Last time kasi inabot kami ng limang araw bago siya na discharge.
"Walang sinabi ang doctor, pero as soon as makarecover naman agad si January makakauwi na tayo."
After kasi ng chemo ay lalagnatin at manghihina siya. Pero kahit na masama na ang lagay nya ay nagagawa nya paring tumawa at magkwento, ang dami-dami nya palaging gustong sabihin, ako naman laging all ears, minsan nga gusto ko ng irecord lahat ng sasabihin nya para wala akong makalimutan.
"Kung gusto mo Seb, umuwi ka muna sa inyo diba magsisimula na ang pasuk mo sa makalawa? Kailangan mo ng mag-focus sa study."
"Okay lang ako Tita, at iyong schedule ko po kapag may pasuk na ay 10 to 3, kaya masasamahan ko na po kayo tuwing gabi."
Pinaka nahihirapan kasi sila sa gabi, minsan ay hindi makatulog si January sa gabi at kailangan itong buhatin, ako ang gumagawa. Madalas din akong hanapin nito kaya puyatan talaga kung puyatan ang drama namin dalawa, pero okay lang dahil sa tuwing nakikita ko naman siyang nagiging okay at panatag kapag kasama ako ay nawawala lahat ng takot at kaba ko.
Biglang sumigaw si January galing sa loob, napakapit sa akin si Tita habang napapikit naman ako, dalawang beses pa siyang sumigaw. Alam namin na kapag sumigaw si January ay subra na ang sakit, at kapag ganun ay para ng tinataga ang puso ko.
"Salamat talaga Sebastian, malaking bagay ang ginagawa mo para sa anak ko."
Alam kong nahihirapan na din siya, maybe my pain is not even enough para itapat sa sakit na nararamdaman ni Tita Dale, nagpapaka-tatag lang yan kunwari peri ilang ulit ko na siyang naabutan na umiiyak sa kusina sa tuwing may masakit kay Wari.
"Anything for January."
Makalipas ang ilang oras na pagaantay ay lumabas na din si January, hinang-hina na naman ito, they absurd all her energy again, gusto kong magalit pero that helps her para mapagaling siya kaya titiisin ko na lang. Agad kong hinawakan ang kamay nya at nginitian siya.
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#