January Twenty Two

152 3 6
                                    


CHAPTER 22

Pagdating ko sa school ay naka-abang na siya dala ang pandesal nya, ginagawa nya parin ito kahit na alam niyang ibibigay ko din lang naman ito kay Jeff, nokng masigurado na niyang hawak ko na ang brown bag ay agada na din itong tumakbo palayo. No more words, bigay. takbo. Ganun lang ang ginawa niya.

"Basti!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin it was Catherine.  Nakangiti itong lumapit sa amin ni Jeff. Galing pa lang kami sa first subject namin, at nay isang oras kaming break bago ang sunod na klase, dati kapag ganitong wala pang klase ay kasama namin sina Raffa at Kent na nagcracraming ng mga hindi pa natapos na plates. Ngayun kanya-kanya na kami.

"Wala kana bang pasuk?" Tanong ko dito.

Umiling ito "Wala ang prof ko, may dala nga pala akong pasta kainin natin."

Hinila na kami nito papunta sa canteen at doon inilabas ang dala niyang pasta, amoy pa lang nito alam ko ng masarap pero mas natakam ako ng ilabas ni Jeff ang tinapay na galing kay January.

"Ano yan?" Tanong ni Cathy.

Sasagut na sana si Jeff ng unahan ko ito, I know Jeff minsan basta na lang ito nagsasalita ng hindi iniisip ang sinasabi. Baka madulas at masabing kay January ito galing.

"Pandesal lang na may peanut butter to Cath."

"Talaga? Kailan ka pa natutung magbaon si Jeff." Natatawang sabi nito.

"Hindi kaya! At saka anong peanut butter ka dyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ano bang laman nyan?" Tanong ko.

Kumuha si Jeff ng isang tinapay at kinagatan.

"Hmm, ham and cheese! Isa ito sa mga favorite ko, paiba-iba kasi ang palaman, pero lahat homemade at masarap! Never siyang naglagay ng peanut butter " Sabi pa niya.

Mabilis ko namang inagaw sa kanya iyong supot ng tinapay! Tangina bakit hindi sinabi na hindi naman pala peanut butter ang palaman ng tinapay ni January, all along pinapalamon ko siya sa pagaakalang hindi ito sa akin pwede dahil allergy ako.

"Basti!" Sigaw nito at akma pang babawiin ang tinapay pero agad ko na itong tinago sa bag ko.

"Akin to tarantado ka! Nagpapakasarap ka sa pagkain ko habang nagaassume ako na peanut butter ang palaman nyan!"

"Basti! Jeff!  Ano ba yan tinapay lang yan!" Saway sa amin ni Catherine.

Inismiran ko si Jeff, napailing na lanh ito. Hindi lang to tinapay lang, tatlong taon na tinapay na ipinalamon ko kay Jeffrey ito! At hindi man lang siya nagsabi! Napaka disloyal talaga ng gago na iyan basta pagkain!

"Ikaw ang nagbibigay sa akin nyan, ngayun magrereklamo kang gago ka!" Sisi naman nito sa akin.

"Mas gago ka!"

"Tumigil na nga kayo! Tinapay lang pagaawayan nyo na! Hayaan nyo bukas dadalhan ko kaya ng sandamakmak na tinapay!" Si Cathy na halatang galit na rin sa inaasta namin ni Jeff "Nagdala pa man din ako ng pasta paagkatapos magaaway lang kayo sa pandesal!"

Mamaya talaga makakatikim ng suntok sa akin si Jeffrey,  maka alis lang talaga si Catherine. Nilagyan na kami ni Cath ni Jeff ng pasta sa plato, kumain na si Jeffrey,  dyan lang naman kasi siya magaling lumamon, hindi ko ginalaw ang pagkain instead ay pinakatitigan ko ng masama si Jeff, titig na papatay ano man oras. Tangina niya!

"Basti kumain kana, para sayo pa naman itong dala ko." Si Cathy.

Hindi ko ito pinansin, mamaya kakainin ko iyong pandesal ni January First.
Tatlong taon! Tatlong taon na tinapay lang naman ang sinayang ko! Nagwawala na ang loob-loob ko, at gusto ko na rin magbasag ng mukah pero hindi pwede. Bakit ba kasi hindi ko man lang chineck ang mga binibigay nya sa akin? Siguro dahil noon isang buwan na sunod-sunod na pandesal na may peanut butter ang natangap ko at takot akong isugod aa ospital kapag nakain ko o dahil subra akong denial at pakiramdam ko kapag natikman ko ang tinapay niya magagayuma ako. Pero kahit naman hindi ko natikman ang tinapay nya unti-unti na na akong nawala sa sarili.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon