January Fourty Four

143 7 0
                                    


CHAPTER 44

Makalipas ang isang linggo ay iniuwi na namin siya ng Partido, subrang saya ni January noong pumayag na ang doctor na idischarge na siya ng hospital.

Her condition got worse and worse as time passed by, pero kailan man hindi kinain ng cancer si January,  nanatili siyang masayahin at positibo kahit pa alam na namin na sa huli kailangan naming mamaalam sa kanya.

Lahat nabigla noong sinabi namin na tatlong buwan na lang ang ibinigay na taning ng doctor, pero naging supportive parin sila kay January, bawat araw ay nandyan ang mga kaibigan at kamag-anak namin para pasayahim siya, at kahit nahihirapan January never fail to smile and laugh.

"Sebastian ikaw na magtuloy nitong iniihaw ko!" Sigaw ni Tito PJ galing sa labas ng bahay nila.

Diba level up na ako, naka Tito na din ako sa kanya, tyaga lang talaga ang kailangan para mapalambot ang masungit na Solidad, tangap nya na din ang decision ni January kaya hindi na sila nagtatalo ni Tita Dale, puros tawanan at asaran na lang ang naririnig galing sa kanila, minsan nagkakatinginan na lang kami ni January sa subrang pandidiri.

Agad akong tumakbo papunta sa barbecue grill at pinalita siya, iniikot ko ang karne na iniihaw, ito daw kasi ang gustong kainin ni January, hindi pa man ako nagtatagal doon ay nakasunod na si January sa akin, nakaupos iya sa wheelchair na hila-hila ni Ate Ganda, iniwan din naman siya nito agad sa akin.

"Babe mausok dito." Pagbabawal ko sa kanya.

"I'm just checking kung naluluto mo ba talaga." Dahilan niya bago ini-inspection ang iniihaw ko.

Kumuha naman ako ng maliit na peraso galing sa naihaw na ni Tito Pj at isinubo sa kanya.

"Masarap no?"

"Malambot agad?" Yaka niyang tanong.

"Binabad kasi iyan ni Tita Dale sa sprite, akalain mo pwede palang pang marinate iyon?"

Amazing lang kasi, ang dami-dami ko ng natutunan na luto kay Tita Dale kain lang kami ng kain, pakibhasa ilang buwan din kaming nag-tiis sa hospital foods lalo na si January kaya kung ano-ano na lang ang nirerequest niyang pagkain sa Mommy niya na agad din naman nitong niluluto, at dahil good observer ako kaya mabilis kong nakukuha ang timpla, kagaya nong paksiw kagabi munyik na akong pakasalan ni Simon dahil sa sarap.

"Minsan itry din natin ang coke o royal tingnan natin kung may epekto ba sa lasa." Suggestion niya.

"Pwede. Oh nga pala dadaan ba si Raffa at ang mga bata?"

Madalas kasi dito iniiwan ni Raffa ang nga anak kapag papasuk, siya na din ang nagdadala ng mga natatapos kong module at plates sa school kapalit ay ang pakikipag-laro namin sa mga anak niya na bigyan mo lang ng popcorn at iharap sa TV ay wala kanang problema, hindi kasi nagsasalita ang mga anak nya, ang tahimik lang.

Nagkibit balikat si January "Hindi nag-text pero si Sisi at Rosie ata dadaanan tayo mamaya para manood ng soccer match."

"We can't, sabi ni Lolo mo pupunta tayo sa kanila bago mag-dinner, sa bagal ngang magsyota na yan baka hindi tayo umabot."

"I already said yes to Simon."

"Your Dad already say yes to me."

Tinaasan ako nito ng kilay, this time successful na isa na lang ang tumaas, ibinalik ko na lang ang tingin sa iniihaw habang nangingiti.

"Bakit parang mas close na kayo ni Daddy ngayun, hindi mo na din siya tinatawag na Mr. Solidad."

"Ingit ka, makipag close ka din sa kanya."

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon