January Fifteen

187 6 0
                                    


CHAPTER 15

Unang weekend ng Sem break namin pumunta kami sa Partido fiestang bayan din naman kasi sakto, wala ng nagawa  si January kung hindi sumama, hindi ko na naman kasi siya pinansin, I got a masteral in ignoring her, remember. Well matagal ko ng nilunok iyang operation ignore January Solidad, dahil sa kulit ba naman ng babaeng iyon imposible na hindi ko siya mapansin.

Kasalukuyan kong inaantay si Raffa, dadaanan nya na lang daw kasi ako,  dahil may dalawang tang'ina na biglang nagbago ang isip, maayus ang usapan namin na lahat kami sasama pero kahapon ay biglang nag-bago ang isip ng mga ito, isasama daw si Jeff ng Tatay nya sa bagong project nito, hindi naman maka-hindi si Jeff dahil hindi satisfy ang Daddy nya sa huling grado niya sa skwela, at ang magaling naman na si Kent ay hindi maka-labas ng bahay, nahuli kasi sila ni Beverly (girlfriend niya) ng tatay nitong pulis na gumagawa ng milagro, ayun hindi maka-alis na bahay dahil babarilin daw nito ang pinag-mamalaki ni Kent, gago kasi.

Good thing at susundoin ni Raffa si January at iyong iba pa nilang kaibigan kaya may kasama parin ako papunta doon, sabi ko sa may kanto ko na lang sila aantayin para hindi na ito dumiretso sa amin, sabi ko pa naman kay Mama kasama parin namin si Jeff at Kent.

Huminto ang isang puting SUV sa harap ko, bumusina ito sa akin bago bumaba ang salamin sa may passenger seat at bumulaga sa akin ang mukah ni Raffa, ang pangit.

"Tara na tol!"

Agad namang bumukas ang pintuan sa likod at bumulaga naman sa akin ang huling taong gusto kong makita sa taong ito at sa mga susunod pa?

"Anong ginagawa mo dito?!" Magkasabay naming sabi ni Nicollo.

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Raffa sa amin.

"Unluckily that devil is my cousin." Natatawang sabi ni Nicollo, maka-demonyo to akala mo naman hindi siya ipinanganak na demonyo din.

"Oww kaya pala!" Sabi ni Raf na para bang naliwanagan siya sa misteryo ng buhay "Kaya pala magkasing haba ang sungay nyo." Natatawang sabi nito.

"Pwede pala iyon no? Magkakamag-anak lang ang mga demonyo sa mundo." Natatawa ding sabi ni Trinity, na aware din pala sa sungay ni Nicollo.

"Babe naman." Maktol nito.

Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo sa likorang bahagi ng sasakyan, sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit itong tanginang lalaki pa ang makaka-sama ko sa byaheng ito.

"Basti, si Trinity kilala mo?" Then itinuro nya si Trinidad na katabi niya "Girlfriend ko."

Inirapan ko na lang ito, kawawang Trinidad, kung alam nya lang sana kung anong klaseng tao yang karelasyon nya, she is nice bakit kailangan kay Nicollo pa siya bumagsak, don't get me wrong pero naawa lang talaga ako sa kanya, because if I'm a demon, then mas demonyo pa iyang si Nicollo, idagdag mo pa sina Tita. Never kaming nahing close pero nagkikita kami sa mga gathering, kami lang ang magka-edad sa mag-pipinsan pero ewan ko ba kahit kailan hindi talaga kami nagkasundo.

Ipinasak ko na lamang ang earphones ko at tumuloy na kami sa byahe papunta sa bahay nina January. Damit pang-dalawang araw lang ang dala ko, dalawang shorts at apat na t-shirt, natakot kasi ako na baka icheck ni Mama ang bag ko ang paalam ko pa naman ay babalik ako within two days, kapag nakita non na madami akong dala baka hindi ako payagan non, nadala na kasi siya noong nagboracay kami, ang paalam ko  ay Pasacao lang kami, muntik na akong sundoin ni Mama noon, thanks to Jeffrey, for posting and tagging me on Facebook.

Noong marating namin ang bahay nina January ay nag-aayus pa lang daw ito kaya pumasok na muna kami dahil naghanda ng almusal si Ate Ganda, iyon nga lang hindi ko naman maeenjoy ang pandesal na may peanut butter. Nagka-biglaan pa kami ni Nicollo dahil hindi nya akalain na kilala ako ni Ate at hindi ko rin akalain na close sila.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon