January Thirty One

154 5 0
                                    


CHAPTER 31

New Zealand.

Pagud akong humiga sa sofa ng apartment na inuupahan naming apat dito, kagagaling ko lang sa kompanyang pinapasukan namin, internship is never easy. Tangina ikaw na ang pagud na pagud wala ka pang sweldo, ang tanging habol mo lang talaga ay grades.

Naglibot na din naman kami apat noong unang linggo namin pero noong magsimula na ang internship program ay halos pati pagtulog nakakalimutan na din namin, si Kent na lang nga ang may kakayahan pagsabayin ang trabaho at fun, hindi ko alam kung paano nya napag-sasabay iyon basta ang alam ko sa apat na buwan namin dito apat na buwan na din siyang walang tulog.

Laging tumatawag sina Mama para kumustahin ako, sila mismo ang nag-aadjust sa oras ko dito kahit na minsan ay hindi lo sima maentertain dahil may mga ginagawa pa ako pagkatapos ng trabaho, gusto nilang magkwento ako ng magkwento kahit na wala namang ibang ganap sa buhay ko maliban sa pumasok ako at napagalitan nong isang manager na hilaw dahil wala pa iyong blueprint sa lamesa nya, tangina nya! Kung nasa Pilipinas kami baka nasigawan ko na sya.

Ang subrang pagka-busy namin dito ay ang naging paraan ko para kahit papanu ay makatakas sa lungkot, hindi ko siya gaanong naiisip sa umaga pero kapag umuuwi na ako at magisa na lang the beautiful face of January is the only thing I imagine. Lagi kung iniisip kung kumusta na ba siya? Siguro ay busy rin ito sa school, balita ko ay magbubukas ang section nila ng special gallery. I asked someone para kunan ng footage ang gagawin nilang gallery, I even asked her na bumili ng isang painting ni Wari kung may on sale, and that someone is Elsa, close kasi sila at nangako ako sa kanya na tatawagin ko na siyang Ate paguwi ko kung magagawa nya iyon.

"Basti cereals you want?" Tanong ni Jeff noong mapadaan ako sa kitchen galing C.R.

"Mamaya na, baka magtae na ako sa kakacereals."

Apat na lalaki sa isang bahay, si Raffa lang ang may alam sa kusina pero sa subrang pagud ay tinatamad na kaya ang madalas naming kainin ay kung hindi galing sa labas ay cereals o noodles na iniinit lang. Pumapayat na nga si Jeff sa lagay na yan, wala ng nagpapalamon sa kanya.

Umupo muna ako sa maliit na sofa at tiningnan ang social media accounts ko hoping na may kahit kaunting message man lang galing sa kanya, simula noong umalis kami tatlong beses lang ako nakatangap ng message galing sa kanya, una noong pasko, simpleng batian lang iyon hindi na nasundan noong bagong taon, pangalawa ay noong valentines pinadalhan ko kasi siya noon ng sketch pad at bulaklak naka set na talagang ipadala iyon sa kanya hindi pa man kami umaalis, advance kasi akong magisip at wala siyang choice kundi batiin din ako at pasalamata, ang huli ay noong birthday ko last month, may pinamail siyang baby blue sweater na may cartoon character na babae na violet ang buhok may maliit din iyong card, at kahit corny tatlong beses ko na iyong sinout.

Wala namang laman ang notification ko, may message galing kay Cathy sinagut ko naman ito, lagi siyang nagiiwan ng message pero hindi kami nagkakatagpo na pareho kaming online, si Nicollo din may message, picture ng pangit niyang mukah, nag-team up pa talaga sila ni Kim dahil kahapon ay may ganitong message din na pinadala sa akin amg kapatid, mabilis akong nagtipa ng sagut.

P*ta ka Nicollo huwag kang magkalat, magka mukah kayo ng pwet ni Ellie.
Then I hit send.

I type January's name at dinala ang sarili sa account nya, ilang linggo ng tahimik ang account niya siguro ay abalang-abala talaga siya na kaya kahit magupdate man lang hindi magawa. Tss hindi nya man lang naisip na may stalker siya dito sa New Zealand, kaasar. Napabuga ako ng hangin noong makita ang tag photo ni January sa Mommy nya.

Dale Solidad.

I tap her name leading me to her account, flight attendant ang Mommy nya, akala mo nga wala pa itpng account kasi napaka-ganda at bata pa nito kung tiningnan, pero sa totoo lang ay may 20 years old na itong anak. May mga pictures siya ng travels niya pero ang pinaka high light talaga ay ang pamilya nya, hiwalay na ba talaga sila ng Daddy ni January, 3 weeks ago ay may picture pa silang tatlo na magkakasama sa glass house nila.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon