10 years later

403 12 5
                                    


10 years later

It's been a decade since my tragic love story happened, tragedy that's how some defined our story pero para sa akin, ang kwento namin ni January ay higit na mas masaya kisa sa kanila, tama sila na wala na nga si January, pero iyong ala-ala at mga pangaral niya buhay na buhay parin at iyon ang dahilan kaya masasabi kong noong araw na nawala siya hindi doon natapos ang pagmamahalan namin.

Handa at tangap na ng lahat ang mangyayari ng gabing iyon pero iba parin pala kapag iyon na talaga ang nangyayari, bumuhos ang luha at pighati sa paboritong puno nila ng Lola nya, pero panatag ako na kung saan mang lugar pupunta si January ay siguradong masaya na siya.

Ibinurol si January sa mansion ng mga Solidad, ang burol niya ang pinaka magandang burol na napuntahan ko, punong-puno ng bulaklak ang hall nila karamihan ng nandoon ay sunflower,  ang paborito niyang bulaklak, nakakatawa dahil kahit minsan hindi ko man lang siya nabigyan ng bulaklak noong nabubuhay pa siya. Madami ding pictures niya ang nagkalat, buhay na buhay si January sa bawat pictures na nandoon kita ang masaya at nakangiti niyang mukah.

Para lang siyang natutulog sa paligid ng mga bulaklak, sout ang lila niyang buhok at puting bistida, nakangiti siya habang nakapikit, kaya alam namin na kung nasaan man siya ay masaya siya, sabi nga ng marami sa itsura ni January parang namatay lang daw ito habang natutulog at hindi dumanas ng malubhang karamdaman.

Bumuhos ang napakaraming pakikiramay sa pamilya nila, mga kakilala, kaklase, kaibigan, mga guro at kabatch noong high school ang pumunta para masilayan siya sa huling pagkakataon, they have so many touching stories about her, she really leave a mark on every people she meet, kaya napakahirap palitan at kalimutan ng isang January First.

Inilibing namin  siya sa tabi ng kanyang Lola, ikwenento ko na din sa kanila iyong sinabi ni January tungkol sa pagsundo sa kanya ng Lola nila, nagiyakan ang mga Solidad kahit iyong Lolo niya ay lumuha din. Kaya nagdecision ang mga ito na pagtabihin na ang mag-lola, total si Waring naman ang paboritong apo nito at hindi makapapayag na ilayo pa ito.

Matapos mailibing ni January ay saka lang ako napaisip kung paano na ako? Wala na siya paano na ako? Subra akong nangulila kaya ibinuhos ko ang lahat ng oras ko sa pag-aaral, sinubukan kong ibalik ang dating routine ko noong wala pa si January pero imposible pala iyon dahil pagkatapos ng napama habang araw, paghiga ko sa.aking kama ay mararamdaman ko na ang labis na pangungulila, iiyak na lang ako magdamag at pagating ng bukas ay muling babangon para tuparin ang pangako ko na mabubuhay ako ng matagal para sa kanya.

Grumaduate na may pinaka mataas na award sa REU, during our graduation ay nagkaroon ng tribute ang boung school para kay January bilang pinaka magaling ng pintor at studyante na pumasok sa REU, all her murals will forever be seen in the school, si Sisi na ang bahalang mag-maintain non. I recieved her awards together with her Mom and Dad, I am so proud of her dahil kahit wala na siya her arts and works will forever be remembered by Rainians.

After graduation ay nagpa-alam na ang parents niya na babalik ng Singapore, subra kasing nalungkot ang dalawa ako nga na boyfriend lang halos mamatay na sa sakit paano pa kaya sila, si Tita Dale siya ang subrang naapektohan, masaya siyang natigil na ang sakit na nararamdaman ng anak pero subrang sakit dahil hindi nya na ito kasama, si Tito PJ naman tulad ng datia nagpapakatatag parin para sa pamily, nagulat ako noong bago sila umalis ay iniwan nila sa akin ang titulo ng bahay nila sa Partido, iyong bahay nila na punong-puno ng mga pictures at painting niya.

"Kay January nakapangalan ang bahay pero bago siya mamatay pinakiusapan nya kami na ilipat sa pangalan mo ang bahay at lupa." Paliwanag ni Tito PJ.

"All her belongings ay nandoon Seb, ikaw na ang bahalang mangalaga, I know iingatan mo siya." Umiiyak na sabi ni Tita Dale.

I cried a lot after receiving the title, kasi alam ko na boung buhay ni January ay nandoon. Noong umalis na sila ay doon na ako umuwi, medyo nabahala si Mama dahil hindi daw maganda kung doon ako tumira specially bawat lingon ko mukah niya ang makikita ko, but Mom was wrong dahil sa bahay at masasayang ala-ala namin doon, unti-unti nakayanan ko ulit, though it took me a year bago muling nakayanan harapin ulit ang mundo.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon