CHAPTER 36Sinabi sa akin ng Mommy nya kung nasaan siya, gabi na kasi nasa lakwatcha pa. Nasa mansion daw ng mga Solidad ito, pagdating ko naman doon ay wala daw ito sa mismong bahay sabi ng kapatid ni Raffa.
"Gabby samahan mo naman ako, oh?" Pakiusap ko sa kapatid ng kaibigan.
"Jhor, samahan daw natin si Kuya Basti." Pagaya naman nito sa bunsong kapatid na abala sa cellphone.
"Sabi Gabby lang walang Jhor na kasama."
"Sasama ka o isusumbong kita, tandaan mo child abuse yang ginagawa mo."
Mabilis naman sa ala-singko na pumunta sa amin si Jhorille at siya pang naunang maglakad papunta sa kung nasaan si January.
Pumunta kami sa hindi pamilyar na lugar, hindi na namin naabut ito noong bumisita kami, kinailangan pa naming sumakay ng bike papunta doon, sabi ni Gabby sa gitna daw ito ng lupain nila, may burol doon at malaking puno napapalibutan din ito ng bermuda grass, kahit gabi na ay maliwanag parin ito dahil sa mga bote na may lamang christmas lights na naka-sabit sa mga sanga nito, pero kahit naman wala ang mga ilaw ay liliwanag parin ito dahil sa ilaw na dala ng malaking buwan at sa bitwin na nakapalibot dito. The place look so romantic.
"Lolo made that tree special dahil paborito yan ng Lola namin." Kwento ni Gabrielle.
"That made Ate January's favourite too." Dagdag naman ni Jhor.
Bumaba na ako ng bike at isinandal ito sa isa sa mga malalaking bato doon. Kumaway na sa akin ang magkapatid at nag-drive na palayo doon.
I saw January lying on the ground at nakasandal sa malaking puno, may ilaw na nakalagay sa ulo niya at may hawak na sketch book, abala siya sa kung ano man ang ginagawa na hindi nya na napansin ang pagdating namin. Umakyat na ako sa burol at noong nasa taas na ako ay saka ko lang naappreciate ang ganda ng tanawin, maliban kasi sa mga bitwin mula sa burol ay kita din ang malawak nilang taniman ng pinya.
"Sebastian?" Gulat niyang tawag sa akin noong nakatayo na ako sa harap nya.
Mula sa mga pinya ay inilipat ko ang tingin sa kanya.
"I heard you like this place."
"Anong ginagawa mo dito? Diba kanina pang umaga ang alis nyo ni Raffa papuntang New Zealand."
"Hindi ako tumuloy."
"Baliw ka ba? That was the key to your dreams."
"I realised na hindi pala iyon ang pangarap ko, kasi every time I think of my future I always end up thinking of you."
I hold her face, doon ay nadama ko ang basa na galing sa mga mata nya, umiiyak na naman siya.
"Hindi mo parin ba naiintindihan? I am dying, wala kang future sa akin."
"Paano mo nagagawang tangapin na mamatay kana? Paano mo iyon nagagawang sabihin sa harap ko? Hindi kana ba lalaban?"
"Kasi natatakot na ako Seb."
Nginitian ko siya pero kapalit non ay ang hindi ko na rin mapigilan na pagluha.
"You don't have to be scared anymore, nandito na ako."
"Iyon na nga Seb, I faced death several time pero ngayun lang ako natakot ng ganito, ngayun lang ako natakot na mawala."
"Don't be, I will be at your side no matter what."
Bigla nya akong inakap ng mahigpit.
"Iyon din ang sinabi ng lola ko pero noong nagising ako 8 months after ng operation, wala na siya."
BINABASA MO ANG
January First
Teen Fiction"What's your favorite time of the year? " "January First. " "New Year?" "Every time I think of January First is my favorite. " "January First?" "The name I will never forget." #the picture used for the cover is not mine#