January Seventeen

173 5 3
                                    


CHAPTER 17

Never kang mahihirapan hanapin ang bahay nina January dito sa Goa, hindi lang dahil sa nasa sentro ito kung hindi dahil sa agaw attention ito, sa gilid ng bahay ay may napakalaking mural ng isang kahoy na may bungang bulaklak na may iba't-ibang kulay at laki, maging ang gate din nila ay may mga naka-pintang makukulay na bitwiin, I bet she's the one who made all of that. Mas maganda iyong bahay nila sa Naga, dahil typical na 2 storey house lang ito, pero mas makikita mo kasi ang pagiging artistic niya dito, kumpara doon.

Noong napasuk na namin ang bahay nila agad kong naintindihan kung bakit kanina ay kinuntra nya ang pagtuloy namin dito sa kanila, sa loob ng bahay ay nagkalat ang mga baby pictures niya at kahit iyong mga litrato noong high school siya ay nandoon, meroon ngang isang wall sa pagitan ng sala at kusina na nakalinya ang iba't-ibang litrato niya, may mga painting din na nakaframe at nakadisplay sa mga wall. Pero isa ang pinaka-highlight iyong painting ng isang babae hindi ito si January kung hindi ang lola niya, noong dalaga pa lang ito siguro ay mid-20 pa ito doon.

"Her Mom love taking pictures." Nakangising sabi ni Nicollo noong nakita na subrang amaze ako sa dami ng pictures.

Sa isang cabinet ay mga trophies and flack naman ang naka-lagay, akala ko iyon lang pero sa path way pala papuntang garden ay nakasabit naman sa wall ang mga medals at certificates niya.

"January is the only obsession Tita Dane has, lahat ng tungkol sa anak nya gusto niyang isabit." Kwento naman ni Simon.

"Ghad! Nakakatakot tumira dito, bawat kanto may mukah ni January." Kunyari kinikilabutang sabi ni Nicollo, binatukan naman ito agad ni Trinity.

"Huwag kang bastos, makikituloy ka lang."

"I know our house is wierd." Nahihiyang sabi niya.

"I'm used to it." Sagut ko na nagpalingon sa kanila, tinaasan ko na lang ang mga ito ng kilay.

What? Sanay na sanay na ako sa kaweirdohan niya, wala ng nakapagtataka kung ang bahay man nila ay punong-puno ng mukah niya, kahit saan ka lumingon mukah niya ang makikita mo, I'm used to it, beside pagpikit ko naman siya parin ang makikita, so ano pa ang iaangal ko?

She's an only child kaya normal lang na magsabit ang magulang niya ng sandamakmak na pictures niya, alangan naman kasi na picture ng kapitbahay nila ang ilagay dyan diba?

"Sabi ko sa inyo nakakatakot kapag ang demonyo nahulog." Pabulong na sabi ni Raffa na dinig ko.

Dumiretso kami sa dinning nila, doon ay naka-handa na ang pagkain na galing sa mansion nina Raffa, madaming pagkain dahil madami rin ang handa nina Raffa sa kanila, imagine bukas na mismong araw ng fiesta, paniguradong hindi magkamaliw ang pagkain.

"Dito ko na kayo pinatuloy dahil madaming bisita sa bahay, occupied lahat ng kwarto dahil uuwi ang nga kapatid ko. Bukas na lang tayo pumunta doon." Paliwanag ni Raffa habang kumakain kami.

"Ano ba yan akala ko pa naman sa mansion ako matutulog." Sabi ni Simon.

"Eh kung umuwi ka kaya sa bahay nyo?" Hamon naman ni January dito.

Naghalukipkip lamang ito ng braso at umiwas ng tingin.

"May kasalanan siya sa Ate nya kaya hindi maka-uwi." Si Rosie na ang nagsalita para sa boyfriend "Kaya bukas malilintikan siya kapag nagkita sila."

"Babe naman!" Saway nito sa girlfriend.
"Tatadtarin kana man bago gisahin ni Ate Kieth bukas." Sabi ni Raffa.

"Exciting, mawiwitness na naman natin kung paano mabibigwasan si Sisi." Pangiinis din ni Nicollo.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon