January Six

199 7 0
                                    


CHAPTER 6:

Umabot ng signal no. 3 ang bagyo, isang araw kaming na stranded sa building na iyon, isang araw ding hindi umimik si January, ang sarap pala kapag ganun, ang tahimik ng buhay ko, marunong naman pala syang manahimik pinatagal nya pa.

Pero ganun pa man nag-aalala parin ako dahil baka panis na ang laway niya dahil hindi man lang bumubuka ang bibig nya.

"Paano uuwi iyan?" Tanong ko kay Trinity.

Hindi naman kasi ako iimikin ni January kaya minabuti ko ng sa kaibigan nya na magtanong, abala na rin silang magligpit ng gamit, ang liit kasing tao pero ang dami-daming dala.

"Magcocommute." Sagut naman ng kaibigan nya, na nagpa-arko ng kilay ko.

"Bakit kailangan nya pang magcommute? Hindi mo ba sya pwedeng isabay, madaming natumbang kahoy sa daan mahihirapan yang magcommute."

"Naku Sebastian, dyan lang kasi sa may tapat ang dorm ko, bawal naman siya doon kaya kailangan nya talagang umuwi sa kanila, wala kasi iyong mga pinsan nya kung sana nandito sina Raffa o di kaya si Simon may susundo sa kanya" paliwanag ni Trinity, Tss kailangan talaga kasama sa choices si Simon. "Perks of living alone." Dagdag pa nito na nagpa alala sa akin na wala nga pala sa bansa ang mga magulang nya.

Napa buntong hininga na rin lang ako, hindi ko naman siya pwedeng isama dahil pinasundo lang ako ni Mama sa naghahabal-habal sa may kanto namin dahil hindi siya makakapag drive. Dapat kasi dinala ko na lang ang kotse ko noon, ano ba kasing pumasok sa isip ko at nagpa hatid pa ako? Hindi naman na ako kinder.

Paglabasan ay sumabay na ako sa kanila, hindi parin ako mapakali knowing na lahat kami ay may sundo maliban kay January, nang marating namin ang gate lahat sila ay nagsisisakayan na sa mga sundo nila maliban kay January na naupo sa waiting shed at nagbabakasakali na may dadaan na sasakyan.

"Basti!" Tawag sa akin ng driver na inukopa ni Mama, kilala ko ito dahol noong wala pa akong kotse sa kanya din ako madalas nasakay.

Lumapit na ako dito at umangkas na sa motor nya. Tangina lang kasi walang kasama doon si January, paano kung walang dumaan o di kaya mapag samantala ang masasakyan nya, habang buhay na kargo di konsensya ko pa siya.

"Sandali kuya!" Paalam ko sa driver bago bumaba af binalikan doon si January.

Naka-l upo parin ito doon at nag-ta-type sa cellphone nya, nagangat naman ito ng tingin ng makita ako sa harap nya.

"Antayin mo ako dito, babalikan kita kukuha lang ako ng kotse." Diklara ko.

"Huwag na Seb, may masasakyan pa naman siguro ako."

"Huwag ka ding makulit, kapag hindi kita naabutan dito pagbalik ko magtotoos tayo sa lunes." Final kong sabi bago siya tinalikuran at nag-lakad na sana palayo.

"Seb kasi!" Naiiyak ng sigaw niya.

Naiiling ko na lang siyang binalika doon at hinablot ang cellphone nya.

"Hindi mo to makukuha kapag umalis ka dyan, sisirain ko lahat ng laman nito kahit iyong mga picture ng painting mo at mga files." Banta ko pa sa kanya, na alam nyang totohanin ko kapag hindi nya ako sinonud.

Itinuro ko ang dati nyang kinauupuan kung saan naroroon ang maleta nya "Stay." Mariin kong sabi.

Wala na syang nagawa kung hindi ang bumalik sa pagkaka upo nya sa shed at manahimik, napangisi naman ako.

"Good girl."

Binalikan ko na si Kuyang nagaantay sa akin at umalis na kami.

"Girlfriend mo ba yun Basti?" Tanong ni kuyang driver habang nasa byahe kami.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon