January Fourty Two

146 9 0
                                    


CHAPTER 42

Isang linggo ng buhay ko na hindi ko makakalimutan.

A week in heaven, that's what I experienced. Hindi gaanong nagkasakit si January tama na uyong masakit ang ulo nya pero nawawala din kapag uminom na ng gamut, sana nga ganun na lang lagi ang sakit niya iyong nadadala lang ng gamut pero hindi araw-araw pasko para sa cancer patient at ngayung nakikita ko siyang malakas at walang sakit mas nararamdaman ko na dapat nga talaga magpa-opera siya, dahil kapag gumaling siya hindi lang isang linggo ang pagsasamahan naming dalawa, pwede pang isang buwan, isang taon, isang decada o kahit isang siglo pa yan, as long as she lives.

Madami kaming pinuntahan, nag-beach kami, namasyal sa mga eco park, pumunta din kami sa mga tagong falls, binisita din namin ang dear farm, at madami pang iba. Kami lang dalawa, minsan sinasama namin si Ellie na makulit dahil walang mapagiwanan si Kuya buti na lang mabait si January dahil kung ako lang itatali ko yang si Ellie sa bahay para hindi makawala kapag umalis ako ng bahay.

Ang saya lang ni January ngayun iisipin mo nga na para bang wala lang siyang sakit, kaya hindi ako man lang ako naghinala noon, ang galing niya sa pagiging masaya na kahit kailan hindi ka magdududa na nahihirapan na pala siya.

Nasa university kami ngayun ni January ipapasa ko lang iyong mga natapos ko ng plates, kaya nga libre kaming gumala na dalawa dahil module na lang naman ang inaasikaso namin at mga plates, iyong ibang subjects kasi namin natake na namin, feeling ko nakukuha ko ngayun iyong benefits ng pagiging masipag kong studyante.

"Sumama kana lang kaya sa akin? Mabilis lang tayo sa office." Suggestion ko na sinimangutan lang nito.

"Ihhh. pumayag kana kaninang sa canteen na ako nagaantay babawiin mo na naman, hindi naman ako mawawala doon."

"Paano kapag may nagsumbong sa Daddy mo na nandito ka, di patay tayong dalawa."

Bumusangot lang ito kaya napakamot na lang ako ng ulo sa inis, kailan ko ba naman siya natiis.

"Siguradohin mo lang na si Simon ang kikitain mo doon." Tumango siya "At huwag mo din kalilimutan na nanunutok ako, at wala akong paki-alam kahit nasa loob pa kami ng school."

"Wala kang paki alam kasi may kapit ka dito sa school."

"Behave January."

Tumango lang ito bago bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa cafeteria ng university, bumaba na din ako at sinundan siya ng tingin, noong nawala na siya sa paningin ay saka lang din ako naglakad papunta sa building namin.

Noong sinabi ko sa kanya kagabi na dadaan muna ako ng university bago kami tumuloy sa lumang simbahan sa San Fernando, magdodonate daw siya ng painting niya.

Lately mas madalas ko siyang makitang nakaharap sa puting canvas, Oo dati talagang ang pagpipinta na ang ginagawa niya pero ngayun mas mabilis siyang nakakatapos ng isang painting, and my Mom she's very nice to let us borrow the old garage para pagpintahan niya, doon na din ako gumagawa ng assignments at mga plates.

Agad kong ipinasa ang kailangan kong ipasa bago pa man maitopic ulit ang mga offers na tinangihan ko, dumadami kasi ito ng dumadami bawat araw na magdaan, pahirap din ng pahirap ang pagtangi. Pero hindi naman ako ganun ng hihinayang lalo na kapag nakikita ko si January, malapit ng matapos ang isang linggo bukas nangako siya na kusang pupunta sa hospital. Tatawagan ko na din ang Daddy niya, alam na ng Mommy nya ang kasundoan namin, si Mr. Solidad na lang ang hindi pa, patuloy pa rin nga itong naghahanap, sabi ni Tita Dale nasa Manila daw sila, dahil kunwari ay nakita si January doon kasama si Trinity. Wala siyang kaalam-alam na nasa bahay lang ito na halos 15 minutes lang ang layo mula sa subdivision nila, imagine kapag nalaman ito ng Daddy nya. Papatayin ako non sa lahat ng paraan na alam niya, at hindi rin ako ipagtatangol ng sundalo kong Tatay kapag nagkaganun.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon