January Thirty

142 5 0
                                    


CHAPTER 30

Kinaumagahan ay tumulak na ako pamanila, nagising na rin si Cathy at nakapag-usap na rin kami, kung usap na ba iyong matatawag, iyak lang siya ng iyak habang nangangako na hindi nya na uulitin, I dought it. Nagpaiwan muna si Jeff, pinamove nya ang flight niya para may makasama muna si Cathy habang hindi pa ito ganun ka okay. Gustohin ko man makaasana siya ay pinilit ko ng hindi, magagalit si Mama at mas lalo siya aasa sa akin kapag ganun.

Pinuntahan ko pa kinagabihan si January sa bahay nila, pero hindi na ako nito nilabas, nakiusap na din si Ate Ganda na umuwi na ako dahil nagpapahinga na daw siya. Gusto ko sanang maayos akong makapagpa-alam sa kanya bago tumulak  papuntang New Zealand pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Tinext ko na lang siya bago ako byumahe papuntang Manila.

Si Nicollo ang sumundo sa akin pagdating namin ni Raffa, sumabay na kasi sa akin si Raffaelle na walang clue sa kung ano ang nangyari sa amin ng pinsan nya noong hindi ako dumating sa usapan namin kahapon.

"Raf ano sa amin kana tumuloy." Offer ni Nicollo sa kaibigan.

"Bat naman ako tutuloy sa inyo may bahay din kami dito." Mayabang nitong sabi.

May mansion din kasi sila dito at ang dalawa nyang kapatid ay dito na naka base sa city at siguradong malalaki din ang mga bahay non, tangina sila na ang mayaman.

"Ang yabang mo, takot ka lang naman na magkita kayo ni Mommy!"

Sino ba naman kasi ang gugustohin na makaharap ang Nanay nya, kahit demonyo matatakot sa kanya, oo kahit ako takot dun kung hindi lang talaga nadulas si Mama na luluwas ako at nagoffer ito na sa kanila ako tumuloy ay nungka akong aapak sa bahay nila.

"Yang Nanay mo kasi hindi maka-move-on! Apat na taon na mula noong grumaduate tayo ng high school pero naalala nya parin iyon." Reklamo ni Raffa, ano ba kasing ginawa nya.

"Gago ka kasi! Sana itinuro mo na lang si January total idea nya naman iyon."

Nagtagingting naman ang tinga ko pagkarinig ng pangalan ni January. Minsan naiingit ako kay Nicollo, mas nauna nya kasing nakilala si January, he know things about her na wala akong idea. Mas mahaba ang pinagsamahan nila at nilelevel nila ang isa't-isa bilang matalik na magkakaibigan.

Kung nagaral kaya ako sa North may pagasa kayang nabago ang takbo ng kwento namin, I qualified on their entrance examination, hindi lang talaga ako tumuloy dahil iyon na nga si Nico ay doon magaaral daw, ako na lang ang umiwas dahil ayokong magshare kami sa iisang hangin, pero tingnan mo naman ngayun isang dupa lang ata ang agwat namin, sana tiniis ko na lang talaga noon.

"Una na ako." Paalam ni Raffa bago sumakay sa SUV na pagmamay-ari ng Kuya nya.

"Ulol bukas maaga tayo!" Pahabol ko.

Kinawayan lang ako nito bago sinara ang pinto, kapag bukas nahuli siya iiwan ko yan.

Sumakay na din kami sa kotse ni Nicollo, agad kung sinuri ang labas at loob ng kotse niya, saan kumuha ang gagong ito ng pambili ng ganito kagarabg kotse, don't get me wrong galing kami sa may kayang paamilya, we can afford 10 Ferrari in a month, pero hindi basta-basta kung maglabas ng pera ang mga Villafuerte, hindi ka bibigyan ng ganitong kotse gayung nagaaral ka pa lang.

"Kailan pa tong kotse mo?" Hindi napigilang tanong ko.

Kapag nalaman kong galing to kay Lolo aalburin ko sa kanya iyong isa sa tatlo nyang helicopter at kapag hindi nya ibinigay isusumbat ko to sa kanya, pagkatapos malalaman nina Papa na ginawa ko iyon hahabulin nya ako ng shotgun ang ending namatay ako.

"Sa kaibigan ko to, si Joacquim madaming ganito iyon kaya walang habas magpahiram." Sayang, gagawin ko pa naman sana iyong plano ko, hindi naman siguro ako tatamaan ni Papa kung nasa eri ako.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon