January Fourty

159 10 0
                                    


CHAPTER 40

Maganda ang naging paliwanag nina Kuya at Elsa, pero hindi siya pumayag.

"We need to put her in comatose before we operate." Unang linya pa lang ni Kuya Jay na agad sinigawan ni January ng: NO!

Ayaw nya nang magpa-gamut kung kinakailangan na naman ng operation at macocoma siya, I understand her subra na siya na trouma noong huli siyang inoperahan, she was comatose for 8 months at noong nagising siya ay patay na ang lola niya. Takot na siyang pagdaanan iyong kaparehong sakit. Kaso, paano naman kami? Ang parents nya, mga relative nila, ang mga kaibigan niya, at ako? Iiwan nya kami ng hindi man lang sumusubok, ang masakit pa ay sinabi nya sa akin noon na lalaban siya.

Maganda sana iyong suggestions nina Kuya, ilang buwan din daw nila iyong pinag-aralan, siguro naawa na si Kuya sa akin kaya gumagawa na din ng paraan para makatulong pero sadly, hindi naman magiging successful ang operation kung hindi makiki-operate ang patient.

"Sinudubokan ko parin siyang kausapin tungkol sa operation Basti, sana ikaw din hindi pa naman huli ang lahat baka magbago pa ang isip niya." Sabi ni Mr. Solidad noong gabing iuon dahil nagpa-alam akong uuwi muna dahil may pasuk na ako bukas ng umaga.

"Paulo Juanico when will you stop this bullshit?" Galit na sabi ni Tita Dale dito.

"This bullshit will never end cause i will never watch our daughter die?"

Minsan hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko sa mga magulang niya,  they fight a lot as in a lot, every time mababangit ang tungkol sa pagpapagamut ni January ay nagsisimula ma din silang magtalo. I understand them both, ang problema lang ay hindi ko din alam kung saang side ako kakampi, Kay Mr. Solidad ba na gustong madugtongan ang buhay ng anak nya kahit na mahihirapan ito o kay Tita Dale na gusto na lang ipagpasa Diyos ang lagay ni January, na maging masaya habang kasama pa namin ito. Gusto kong magtagal si January pero ayoko na din siyang nahihirapan.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto niya, nakahiga na siya sa kanya kama at nanonood ng TV, it's a Korean drama that dubbed into tagalog.

"Babe uuwi muna ako sa bahay ngayung gabi." Paalam ko sa kanya.

"May pasuk kana bukas?"

Tumango ako, sinubokan nya namang bumangon paupo na sa huli ay inalalayan ko parin, kagagaling nya lang sa chemotherapy kanina at tulad ng dati ay mahina na naman siya, kaya ayaw nya ng magpagamuy dahil imbes daw na gumaling siya ay mas lalo laang daw siyang nanghihina. Umakap siya sa leeg ko noong makaupo na siya, napangisi naman ako noong halos masubsub na ako sa flat niyang harapan, mas lumiit sila.

"In five months graduate kana."

"In five months may diploma na ako Baby, hindi na ako bibigyan ng allowance ng parents ko." Malungkot kong sabi na tinawanan nya.

Noong si Kuya kasi grumaduate na ng college our parents stop giving him money, napag-aral kana nila kaya obligation mo ng buhayin ang sarili mo, kaya kailangan mo agad maghanap ng trabaho dahil kung hindi mamumulobi ka, buti na lang Kuya survive at malaking hiwaga sa amin ni Kim noon at hangan ngayun kung paano niya nagawa iyon at nakapag-invest pa talaga siya sa pagpapagawa ng sarilinb talyer. May mamanahin naman kami kaso malakas pa si Grandad matagal pa iyon.

"Magtrabaho ka agad, I heard may firm sa US na kumukuha sayo, what's the name of the company again?"

"Maitland."

"You should go there."

"You know I can't, hindi kita pwedeng iwan dito."

Inalis niya ang pagkakaakap sa akin at umupo ng maayus, inalalayan ko ulit siya dahil subrang hina nya pa talaga.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon