January Twenty Nine

166 5 0
                                    


CHAPTER 29

Pagka gising ko kinaumagahan ay si January First agad ang hinanap ko, pero naihatid na daw ito ni Kuya sa bahay nila matapos kong makatulog, hindi na rin namin pinagusapan nina Mama ang pinagsasabi ko kagabi, siguro ay dahil kasama namin si Papa o marahil naiintindihan nilang Nahihirapan din ako.

Hangan sa lumipas na ang isang linggo at tatlong araw na lang ang binibilang namin bago lumipad papuntang New Zealand.

"Kuya kapag nasa New Zealand kana sulat ka huh? Total masyado ka namang old fashion." Ang aga-aga ay iniinis na naman ako ni Kim.

Sinipa ko ang paa nito sa ilalim ng lamesa bago tumayo.

"Aray!" Hiyaw niya pero hindi ko na pinansin at umalis na doon, tinawag pa ako ni Mama pero di na ako lumingon.

Aalis ako ng bahay para pumunta sa school pero bago iyon ay dadaanan ko muna si Cathy sa ospital. Hahatiran ko siya ng mansanas na hinihingi niya noong isang araw nya pa kasi ako hinihiritan.

"Basti!" Nilingon ko si Kuya na nasa pinto ng bahay.

Tinaasan ko ito ng kilay, na agad din namang tumakbo palapit sa akin.

"Paki daan naman ito kay Elsa, total pupuntahan mo naman si Cathy. " kinuha ko ang inaabot niyang maliit na bag na may lamang dede ni Ellie.

Sumakay na ako sa kotse at paalis na ng kumatok si Kuya sa bintana ng kotse ko.

"Ano pa?" Iritado kong tanong.

"Alam ko may pinagdadaanan ka pero huwag ka namang masyadong malamig kina Mama at Kim, aalis ka papuntang New Zealand hindi magandang aalis ka ng ganito." Sabi niya.

Tinanguhan ko lang ito, hindi ko kasi alam ang sasabihin na sorry ma I'm messed up, anak nyo ba talaga ako? O di kaya Ma kinakarma na ako sa lahat ng kademonyohan ko, iyong babaeng mahal ko hindi ko man lang mahawakan dahil sa mga pabor na hinihingi ng mga kaibigan ko.

Pagdating ko sa ospital ay saktong kaalis lang din daw ni Jeff, siya kasi ang madalas dito, minsan nga iniisip ko na baka sinasadya nya na lang magkasakit para makapag-overnight dito.

"BASTI!" Masiglang salubobg sa akin ni Cathy at lumambitin pa "Akala ko iinom muna ako ng lason bago mo ako mabisita dito."

Pabiro ang pagkakasabi nya noon pero alam ko kalahati noon ay totoo. Hindi parin siya pinapauwi ng mga doctor nya, noong isang araw lang kasi ay sinumpong na naman ito, natagpuan ng nurse na may ginawa naa itong tali na pwedeng pagbigtian sa loob ng CR, kaya kinulit na ako ng kinulit ni Jeff na bumisita ulit.

"Pasensya kana Cath, subrang busy lang talaga alam mo naman na malapit na kaming umalis ni Jeff diba?"

"Iyon na nga Basti, aalis kayo pero instead na samahan mo ako pahirapan pa kung pumunta ka dito." Reklamo nya parin.

"Pumuntalan ako dito para dalhin tong apples mo, aalis na ako dahil dadaanan ko pa si Elsa."

"Pero kadarating mo pa lang."

"Dadalaw na lang ako ulit,  magpagaling ka para makauwi kana." Pagkasabi ko ay lumabas na ako ng kwarto niya.

Nagmamadali si Cathy na hinabol ako sa hallway ng ospital, ayokong maging rude sa kanya pero nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko siya. She's a portrait of reality to me, na kahit gaano mo pa ito kagusto, even you already work hard for it jung hindi talaga para sayo ay hindi ibibigay sayo. Ganun si January sa akin hindi siya para sa akin kaya kahit masakit kailangan kong tangapin.

January FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon